"PAPA, ano po nangyari sa sofa natin?" Kinagat ni Serena ang ibabang labi nang marinig niya ang tanong na iyon ng anak sa Papa nito nang makita nito ang nangyari sa sofa nila kinabukasan. Hindi naman napigilan ni Serena ang pamulahan ng mukha nang makita niya ang pagsulyap ni Raven sa kanya, lalo na noong mapansin niya ang kislap sa ekspresyon ng mukha nito Nasira ang sofa kagabi dahil sa intense na pag-angkin nito sa kanya. Gaya ng sinabi niya ay hindi naman iyon gaano katibay dahil mura lang niya iyon nabili. At sa lakas ng pag-ulos nito kagabi sa kanya ay tuluyan na iyonh nasira. Inalis naman na ni Raven ang tingin sa kanya at itinuon ang atensiyon sa anak na mukhang naghihintay ng sagot sa tanong nito. "Mukhang hindi nakayanan ang bigat namin ng Mama mo, anak," sagot naman ni

