LIHIM na napangiti si Serena nang pagpasok niya sa kwarto ay napansin niya ang pag-awang ng labi ni Raven nang mag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. Paanong hindi aawang ang labi nito sa suot niya. Kakatapos lang kasi niyang naligo at sinadya talaga niya na tuwalya lang ang itatakip niya sa hubad na katawan. At maiksi pa nga ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, kunting galaw ay masisilipan na siya Kunwari naman ay hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad papasok sa loob ng kwarto. At kahit na hindi siya nakatingin kay Raven ay ramdam pa din niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya, mukhang sinusundan siya nito ng tingin. "Papa," mayamaya ay narinig niya ang boses na anak na si Selena. "Bakit tigil po kayo sa kwento?" tanong ni Selena dito.

