HUMUGOT si Serena ng malalim na buntong-hininga bago siya sumunod sa ina na pumasok sa Mayor's Office ng umaga. Pinatawag kasi sila ni Mayor Raven ng pumunta sa opisina nito dahil may halaga daw itong sasabihin sa kanila. May ideya naman na si Serena kung bakit sila nito pinatawag, tungkol iyon sa pagpapagamot ng ina sa sakit nito. Pag-uusapan kasi nila kung kailangan aalis ang ina patungo sa Manila para ma-proteksiyonan laban sa mga sindikato kapag nag-umpisa na ang hearing ng Kuya Sancho and at the same time ay para na din maipagamot ito sa sakit nito. "Good morning, Mayor Raven." Bati naman ng ina sa lalaki nang tuluyan silang nakapasok. "Good morning," bati din ni Mayor Raven. Pagkatapos niyon ay sumulyap ito sa kanta. "Morning, Serena," bati nga din nito sa kanya ng magtama ang m

