GUSTO ni Serena na paalisin na si Raven sa apartment nila ng matapos silang mag-breakfast. Pero hindi niya magawa dahil kasama nila ang anak. Ayaw naman niyang magtaka ito kung bakit niya pinapaalis ang bisita nila, matalas din kasi ang pag-iisip ng anak kahit na sa murang edad. Mabilis din itong ma-curious sa ibang bagay. Itatanong nito iyon sa kanya at hindi siya nito titigilan hanggang sa hindi niya ito nasasagot. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo para ligpitin ang pinagkainan. Marami pa kasi siyang gagawin ngayon araw. Marami siyang tatahiin ngayon na mga kurtina, may nagpagawa kasi sa kanya at humingi ito ng pabor na kung pwedeng i-rush iyon dahil gagamitin daw nito iyon sa susunod na linggo. At sa tingin nama

