Chapter 67

2334 Words

Papunta pa lang si Kieran sa kuwartong pinagkulungan nila kay Reza ay pinagpawisan na siya nang malapot. Mariin siyang napapikit sandali para pakalmahin ang sarili nang makarating siya sa tapat ng pintuan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Kieran bago binuksan ng nanginginig na kamay ang doorknob, gamit ang susing ibinigay ni Drake. Nang marinig ng binata ang pag-click ng doorknob, muli siyang pumikit at nagbilang sa isip, bago dahan-dahang itinulak ang pinto. Ilang sandali pa'y bumungad na kay Kieran ang magulong kuwarto. Nagkalat ang mga unan at kumot. Basag din ang ilang kagamitan, katulad ng mga figurins. Ito marahil ang bunga nang naririnig nilang pagwawala ni Reza kanina. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Kieran nang maabutan si Reza na nakaupo sa sahig at nakasand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD