Chapter 68

1518 Words

Nanginginig ang buong katawan na sumiksik si Reza kay Kieran nang sa paglabas nila ng gate ay may mga armadong lalaki ang nakaabang sa labas. Mas nakakatakot ang mga mukha ng mga ito kumpara sa Animaux na nadaanan din nila kanina sa sala. Para itong mga goons sa pelikula na walang awa kung pumapatay. Hindi sila katulad ng Animaux na nakitaan pa ni Reza ng simpatiya. Tila biglang nawala ang tapang na ipinakita niya kanina kay Kieran. Sa hitsura ng mga ito, parang kahit si Satanas ay matatakot din. Bukod sa bato-bato ang mga katawan, malalaki pa ang mga armas na hawak ng mga ito. Iyong tipong kahit saan ka magtago ay kayang pasabugin ng mga baril na 'yon ang katawan mo. Parang kahit sa panaginip ay hindi kayang isipin ni Reza na ganitong klase ng mga tao ang nakakasalamuha ng nobyo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD