Chapter 72

1167 Words

Pagkaparada ni Kieran ng kotse niya sa garahe ng Ramona's Mansion ay hindi kaagad muna siya bumaba. Pinakalma muna ng binata ang kaniyang sarili. Ayaw niyang sumabog sa harapan ng kaniyang pamilya kapag sinabi niya sa mga ito ang kasinungalingang binuo niya tungkol sa pagkamatay ni Reza. Ang alam ng family ni Kieran, sa muli niyang pagbalik dito sa Hacienda Ramona, posibleng kasama na niya si Reza. At kailangang magsinungaling ni Kieran sa pamilya niya para rin sa kaligtasan ng mga ito. Kung paano rin siya nagsinungaling sa pamilya ni Reza para matupad niya ang pangako sa nobya na panatilihing ligtas ang pamilya nito. Kung paano rin nila minanipula ang media sa Iloilo para ipalabas ang kunwaring dahilan ng pagkamatay ni Reza. "I'm sorry, babe..." naninikip ang dibdib na usal ni Kieran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD