Chapter 57

1220 Words

"Hanggang ngayon, babe, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na sina Tita Marites," malungkot na pagkukuwento ni Reza kay Kieran. Nakauwi na sila ng apartment. Wala pa rin itong tigil sa pagpapagaan ng loob niya. Katulad ngayon, magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nakasandal si Reza sa dibdib ni Kieran. Hawak-hawak naman nito ang kamay niya at pinisil-pisil. "Napakabait niyang tao, babe. Para ko na siyang nanay. Gan'on din si Tito Frank. "Matino siyang pulis. Hindi siya katulad ng iba diyan na mga kurakot at bayaran. Ginawa lang niya ang trabaho niya." Pumiyok ang boses ni Reza. "At ang isa pa na sobra kong ikinakasama ng loob, pati si Darius ay pinatay din nila. Fifteen years old lang ang pinsan kong 'yon, babe. Ang dami-dami pa niyang pangarap sa buhay. At napakabait n'on na bata."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD