Makaraan ng isang linggo, nagtataka si Candice kung bakit hindi na niya nakikita at nako-contact si Darlin. Dati rati ay palagi itong dumadalaw sa kanyang condo.
Kahit si Charina ay walang alam kung ano nang nangyayari sa kaibigan nila lalo pa't hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tuloy ay nag-aalala siya para dito.
Hindi niya naman maiwasang maisip si Emilio pagkatapos nang nangyari sa pagitan nila.
Wala na siyang balita tungkol dito. Malamang ay dinamdam nito ang pagtataboy niya.
Kahit pa sabihin hindi niya intensyong itaboy ito ay iyon ang naiisip nito.
Nagsisi siyang hindi niya pinigilan ang pag-alis nito. Gusto niyang bigyan ng chance ang sarili na makilala ng lubusan si Emilio. Baka kasi iyon na ang sagot sa matagal niyang hinahanap.
Isa pang araw ang lumipas. Himala, dahil kusang nagpakita ang kaibigan niyang si Darlin.
Nagtungo ito doon sa kanyang opisina.
"Good morning, bestie!" Malapad ang ngiti nitong bati sa kanya saka lumapit para humalik sa pisngi niya.
"O buhay ka pala." aniya at bumungisngis naman ito. "Ilang linggo kang hindi nagpakita sakin pagkatapos nung eksena mo sa bar."
Napanguso ito.
"Sorry naman. Nasa vacation kasi ako. Probinsya kasi yun kaya walang signal hehe."
"Vacation? Sinong kasama mo?" kunot noong aniya at ito naman ay napangisi.
"Si Ricky."
"Ano!" pasigaw na singhal niya at lumayo naman ito at ngumuso. "Pagkatapos mong magdrama at idamay pa ako sa kalokohan mo tapos ngayon, nagbalikan na naman kayo?!"
Napayuko naman ito sa sermon niya. Sanay na itong makarinig ng sermon niya dahil palagi nalang nitong binabalikan ang boyfriend kahit na ilang beses itong saktan at ibaliwala.
"Oo na heto na oh, ito ang buhok ko. Sambunutan mo na ko para makabawi ako sayo!" anitong inilapit pa ang buhok pero inambahan niya lang ito kaya tatawa-tawa itong muling lumayo. "By the way. Kumusta ka na nga pala?"
"W-wala naman. Ganon parin." aniyang napabuntong hininga.
"Eh ba't ang lalim ng paghinga mo diyan?"
"Wala nga."
"Anong wala. Kilala kita, Candice ha. Teka kumusta nga pala ang pakiramdam mo after nung gabi niyo ni ano..." sandali itong nag-isip. "Sino nga ulit yun?"
"Emilio."
"Yun! Naks, memorized ang name ha." pang-aasar nito na pinanlakihan lang niya ng mata. "O eh ano nga? Kwentuhan mo ko. Kumusta experience?"
"Wala nga!" inis na singhal niya.
"Panong wala? Ano yun tulog ka habang nakikipag-s*x?"
Sinamaan niya ito ng mata. "Ano ba! Hindi nga eh!"
"Ikwento mo na kasi!" inis ring singhal nito kaya napabuntong hininga siya.
"W-walang nangyari sa'min."
"Weh?" hindi ito naniniwala kaya inikutan niya lang ito ng mata.
"Totoo nga. Maliban sa kiss na hindi ko rin naman matandaan sa sobrang kalasingan, eh hindi rin namin naituloy dahil nakatulog daw ako. Yun ang sabi ni E-Emil." inis na paglalahad ko.
Sumibol naman ang nanunuksong ngiti ni Darlin kaya naman sumama muli ang mukha niya.
"Ibig sabihin ay talagang mabait iyang si Emilio. Totoo nga pala ang sabi ni James noon na napaka-inosente raw ni Emilio. Napilitan lang daw talaga yun dahil wala ng matakbuhan."
Hindi naman siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung iku-kwento pa ba niya ang iba pang nangyari.
"Tsk! Ano ba yan. Akala ko naman madidiligan na yang petsay mo."
Inis siyang akmang sasambunutan ito pero mabilis itong nakalayo at pinagtatawanan siya.
"Nakakainis ka, alam mo ba yun!"
"Anong kasalanan ko?"
"Alam mo bang pumunta si Emilio dito."
"Hala, totoo?" agad naman siyang tumango. "Pero pano? Bakit?"
Napabuntong hininga siya. "Eh kasi ayaw niyang tanggapin yung pera na binigay ko. Kaya ibinigay ko yung calling card ko."
"Ay yon naman pala. Ikaw naman pala nagbigay. Eh ano namang ginawa niya dito?"
"Yun nga. Naabutan niya pa kami ni Benny na nag-aaway."
"Oh tapos?"
"Sinabi ko kay Benny na boyfriend ko si Emilio."
"Ano?!" gulat na sabi nito. "Buti hindi nagduda si Benny?"
"Nung una oo, pero may dala kasing bulaklak Emilio nung time na yun kaya naisipan kong gawin iyon. At buti nga at napaniwala ko si Benny. Hindi na niya ako kinukulit."
"OMG!" napatakip ito sa bibig. "Ibig bang sabihin. Si Emilio...?"
Tumango siya. "Inamin niya saking may gusto siya sakin. At handa siyang talikuran ang trabaho niya, magustuhan ko lang daw siya."
"Oh my God!" bulalas nito at akala mo umiyak at pinapaypayan ang mukha. "Sis, ito na ang hinihintay mong pagkakataon!"
Kumunot-noo naman siya. "H-huh?"
"Letse!" singhal nito. "Ang slow mo kasi. Di mo ba nakikita? Si Emilio ang sagot diyan sa pagiging single mo."
"Malabo nang mangyari yan." aniya.
"Ha? Bakit naman?"
"Hindi maganda ang paghihiwalay namin nung pumunta siya dito."
"Eh anong nangyari ba?"
"Tinaboy ko kasi siya."
"Ano?!" inis na bulalas nito. "Wag mong sabihing inayawan mo siya dahil sa trabaho niya."
"Hindi sa ganon, Darlin."
"Eh ano nga!"
"He's 25 years old, for God sake!"
Umikot ang mata nito at nasapo ang noo. "And so?"
"Anong so? Ang tanda ko na para sa kanya, Darlin."
"Does it matter to him?"
Umiling siya. "Sabi niya wala siyang pakialam."
"O yun naman pala. Gaga ka talaga, Candice. Tutukain mo na nga lang yung palay, tinakbuhan mo pa!" inis na singhal nito at napabuntong hininga naman siya.
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Ayuko lang kasing masaktan kaming pareho sa huli."
Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Hindi ba mahalagang masubukan mo munang kilalanin yung tao. Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?"
"Hindi ko alam eh." aniyang napayuko. "Pero simula nung umalis siyang galit sakin, araw araw ko siyang iniisip. Nagi-guilty ako sa ginawa ko."
"I think hindi lang guilty yun, sis. Baka may nararamdaman ka ng iba. Nalilito ka pa lang dahil unang beses palang naman kayong nagkita."
Napabuntong hininga siya.
"Sis, what if alisin mo na lang si Emilio sa bar na iyon."
Kumunot ang noo niya. "Pano ko naman gagawin yun. Ang alam ko'y iyon ang ikinabubuhay ng pamilya niya."
"Ang ibig kong sabihin ay kontratahin mo siya."
"Kontratahin?"
"Nakalimutan mo na ba yung 'Mine Contract' na offer nung bar na yun?"
Napabuntong hininga naman siya.
"So gusto mong bilhin ko si Emil para maging asawa ko siya ganun?"
Tumango naman ito.
"Isang taon lang naman iyon. Kung hindi man magwork eh at least naexperience mong magkaroon ng asawa." anito. "At hindi lang basta asawa, masarap na asawa." pang-aasar nito na nginiwihan niya.
"P-pano kung ayaw niya?"
"Panong ayaw? Eh dun siya nagtatrabaho, wala siyang choice." anito saka biglang may naalala. "Siya nga pala, gawin mo na dzai, as in ASAP. Baka maunahan ka ng iba!"
Iiling-iling naman siyang nag-isip.
"Ano ka ba. Hindi mo na kailangang pag-isipan yan. Bukod sa kaya mo naman at maliit na halaga lang sayo ang 2.5M, ay makakatulong ka din sa kanya. Maiaahon mo rin ang pamilya niya.
Saka titigilan ka na talaga ni Benny pagnabalitaan niyang may asawa kana."
Natigilan siya roon. Tama ang sinabi nito. Matatapos ang problema niya pagkatapos niyon.