bc

Loving You To Infinity And Beyond

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
second chance
twisted
sweet
cheating
rejected
secrets
like
intro-logo
Blurb

Nagtagpong muli ang landas nina Keena at Lithian matapos ang naganap na hiwalayan. Ang kaso, sa pagbabalik ni Lithian ay marami nang nagbago, bukod sa kailangan niyang takasan ang realidad ay patuloy niyang pagtatakpan ang kaniyang sikreto-- ang sikretong naging dahilan ng kaniyang paglayo.

And no secrets that couldn't reveal. Dahil nalaman din iyon ni Keena. Doon na kaya magsisimula ang pagdugtong ng kanilang pagmamahalan? O paulit-ulit niya lang ipararanas kay Keena kung paano ang masaktan?

How can you love someone again and again if he/she could hurt you repeatedly?

chap-preview
Free preview
Beginning
ANYONGHASAEYO GUYS!! Una sa lahat gusto kong manghingi ng pasensya kung may mga typo man dahil sa phone lang po ako nagtatype. Hihi and especially gusto kong iparating ang aking walang katapusang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa Book 1. Super blessed talaga ako dahil na rin sa mga suporta at good comments mula sa inyo. Disclaimer: All names, place, events are fictional. Any related scenarios are no longer beliefs and it's purely coincidental. Copying and distributing the content for any platforms without the permission of the author is not allowed and it may subject to plagiarism. -- This is the Book 2 of Vulnerable Love. ~~ Three years ago.. Nagmahal ulit ako ng isang lalaking minsan ko nang minahal, sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan ako at ang masakit pa do'n, siya pa rin ang dahilan. Nakaharap ako ngayon sa laptop, napapaluha pa rin habang binabasa ang palitan namin ng mensahe noon. "Best, hindi ka pa rin ba titigil na umasa? It's been years na-- s-so dapat k-kalimutan mo na siya. Tara na sa labas at hinihintay na tayo ng mga clients," seryosong sabi ni Hennielyn, bagama't nauutal siyang sabihin ang tungkol kay Lithian. Magkasama kami ngayon sa pinapasukan namin sa isang sikat na Boutique dito sa Pinas ang Vendeza Boutique, kung saan ay isa na kami ngayong sikat na designer sa lahat ng uri ng damit, mapacostume man, pangdebut o pangkasal ay kayang-kaya namin 'yan ni Hennielyn. Yes, masasabi kong I missed him so much kahit na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Pinunasan ko ang namuong luha ko kanina. Humarap ako sa salamin at ibinalik ang maskarang ipinapakita ko sa maraming tao. Ang maskara na hindi totoo at punung-puno ng hinanakit at galit. Binungaran ko ng ngiti ang aming clients kung saan ay nagustuhan ang mga designs ko. "I love all your designs, Ms. Lupango.. and let me guess, are you inspired of making out in all of this?" napalunok lang ako. Inspired? Maybe-- para sa aming dalawa 'yun ni Mama. Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "I'm sorry to ask you about that-- ah, by the way, nice to meet you again." "No, it's okay. Thanks for the time, Mr. & Mrs. Lastimosa," nagkatinginan lang kami ni Hennielyn dahil alam niya ang maskarang ipinapakita ko ngayon, alam niyang apektado pa rin ako sa mga nangyari. - After lunch ay naisipan na muna namin dumaan ni Hennielyn sa isang coffee shop para roon tumambay dahil may oras pa naman. Marami ng nagbago sa buhay ko after college, siyempre palagi kong kasama ang bestfriend ko. Nagrerent kami sa isang apartment ngayon dito para iwas hassle sa biyahe. Namimiss ko na nga si Mama, e. Sana okay lang siya, next weekend pa kasi ako uuwi roon. And now, I'm proud to say that I have a lot of things that I should to be thankful for. Nasa akin na ang lahat, pera, kotse, kasikatan bagama't alam ko sa sarili kong may kulang. Kakaorder lang namin ng frappe ni Hennielyn at kasalukuyang naghahanap kami ng mauupuan nang may makabangga ako. Natigilan kami pareho nang mapagtantuang.. "Oh my gosh! Keena? Is that you?" napatulala siya nang makita ako. Grabe, parang kailan lang ay nabalitaan kong napunta siya sa mental. Sa wakas at hindi na ako nahiyang kausapin siya ngayon, after all she did to me. "Yes. How are you Francine? It's been years since the last time I saw you," kalmado pero mataray na sabi ko. "Ah.. I'm fine. Anyway, p'wede ba akong makishare sa upuan?" nagkatinginan pa kami ni Hennielyn. "Okay," sagot ko at umupo na siya sa tabi ni Hennielyn. "So.. how long have you been here in Baguio?" tanong niya napansin ko si Hennielyn na nakangiti habang may katext. As usual, ang boyfriend niya na naman. "We're working here," matipid kong sagot. "Oh, what a coincidence." "Why?" "Because I'm working here as well." "Talaga?!" nagkatinginan na lang kami ni Hennielyn dahil sa parehas na reaksyon namin at sumilay ang tawa niya. "Well, kung iniisip ninyo na may masama na naman akong plano, you're wrong, because I came here to focus in my career and to forget the past," hindi ko maiwasan na mapangiti sa sinabi niya. Kung ganoon ay halos pareho lang pala kami ng dahilan. "Isa pa.. magaling na talaga ako. Lahat ng kasalanan ko sa'yo noon ay pinagsisihan ko na. Kaya sana ay napatawad mo na ako," napangiti ako at hindi ko inaasahan na uunahan ako ni Hennielyn. "Alam mo Francine, hindi mo alam kung gaano naging miserable ang buhay noon ni Keena at--" "Best," natahimik kaagad siya sa pagsaway ko sa kanya. Alam niyang ayoko na kasing marinig ang kahit pangalan niya. Pero ano 'yung kanina? Paiyak- iyak pa ko. "Francine, I forgive you but I'm sorry, I didn't forget all the mistakes that you've done to me," napatango siya. "Okay. I'll understand." Tumingin siya sa mga mata ko at nakita kong punung-puno 'yun ng sincerity. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. "But if you need a friend, don't hesitate to call me. I'll be your friend, starting from now.." hindi ko alam pero awtomatikong napangiti ang labi ko. Seryoso natouch ako. Ang laki na nga talaga ng ipinagbago niya. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko noon na nabaliw lang siya? Nabaliw siya sa sobrang pagmamahal. Napansin ko ang oras at kailangan na namin bumalik sa shop. "Oh, we need to go, thanks for the time Francine," napatango siya at tumayo na rin kami ni Hennielyn. "Okay, same to you, too. Take care!" nakangiti pa siyang kumaway sa amin. At pagkaalis namin do'n.. ay doon lang gumana ang radar ni Hennielyn. "Nakakapanibago si Francine best, from evil beast could transform into tame cat," aniya at natawa naman ako sa expression ng mukha niya habang sinasabi 'yun. Pero bago pa kami makabalik sa boutique ay nagring ang phone ko.. Unknown number is calling.. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook