EPILOGUE
Tatlong panty, dalawang bra, dalawang leggins at pinatungan ng pants, dalawalng tshirt at pinatungan ko ng sweatshirt at jacket. Iyan damit na suot ko paalis sa bahay na pinangarap kong tirahan habang kasama si Leo, ang lalaking pinag alayan ko ng aking buhay puso at kaluluwa.
Ako si Ysabella Paraz, maagang nangarap, maagang nagmahal, maagang nasaktan!
Nagising ako sa isang silid na kulay puti ang bawat walls at pawang maliwanag na ilaw ang nagbigay liwanag sa aking kaiisipa. Panay tulo ng luha ko at di ko na mapigilan ang samut saring kaba na nararamdamn ko. Mahal ko si Leo Montefalco. Mahal na mahal! Ngumit ito na ang araw na tatalikod ako sa ipinangako kong mamahalin ko xa habang buhay. Ito na ang oras na babangin ako sa putik na aking kinasadlakan.
FLASHBACK
Habang patuloy ang agos ng luha sa aking mga mata ay sya ring pag bukas ng pintuan at iniluwa nito si Leo kasama ang isang doctor.
Nakapikit ako, pinahid ko ang aking luha at nagpanggap na tulog. Mataman kong pinakinggan ang kanilang usapan.
"Mr. Montefalco, We're sorry! We tried everything to save the baby, but because of your wife's heavy impact when she fell off the stairs and due to heavy bleedin and stress that she experienced, the baby is gone."
"Your wife may experience Post Partum, because of what happened and this is the time that she will need your support and love" I'm sorry Mr. Montefalco!
Lalong lumakas ang agos ng aking luha, wala na ang baby ko! Wala na ang anak ko! Wala na! At ang masakit ay wala akong narining na. Kahit anong salita galing kay Leo, wala kahit isang reaksyon!
Buo na ang pasya ko, babangon ako! Lalaban ako! Pero sa pagkakataong ito, lalaban ako ng hindi na kasama si Leo, aalisin ko na siya sa puso ko, sa isip ko! Sa buhay ko!