Amy Napangiti ako nang magising. Kinapa ko ang aking tabi pero wala na si Lennon. Niyuko ko ang sarili. Suot ko na ang damit na hinubad ko kagabi. Muli akong napangiti nang sumilay sa isipan ko kung gaano ako naging mapusok kahapon. Pati ako ay hindi makapaniwala sa aking sarili. Kapag nag-init nga naman ang katawan ay ang hirap pigilan. Sumusunod lang siya sa akin at naging alipin ko siya kagabi. Ano pa kaya ang maari kong gawin sa mga sumunod na araw? Baka ako na ang unang hahalik at kakalabit sa kaniya. Napangiwi ako. Tinakpan ko ang mukha nang maisip iyon. Nakakahiya naman kung magagawa ko iyon. Dahan-dahan akong bumangon. Tinupi ko ang kumot at inayos ang unan namin. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri bago ako lumabas sa tent namin. Naabutan ko si Koa sa labas pero wala si

