Claudia's POV Malakas kong hinampas sa ibabaw ng lamesa ang hawak kong folder nang marinig sa mga opisyal ng kompaniya na nag-widraw ang isa sa stockholders namin. Ito pa naman ang gustong gusto ko sa mga shareholders pero bakit siya umurong? Pinunit ko ang papel sa harapan nila. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit. "How dare that man makes me trust him and then he doesn't want to invest!" "Calm down, Mrs Salcefuedez." Hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin sa opisina ang apelyido ni Lennon. Hindi ko kailan man inalis ito sa pangalan ko kaya lahat ng mga employees dito ay Mrs Salcefuedez ang tawag nila sa akin. Nagkasunod sunod akong huminga ng malalim. Limang taon ko ng hawak ang kompaniya kaya nagtataka ako kung bakit karamihan sa mga stockholders ay biglang umaalis. "What w

