Amy Malakas akong nagpumiglas at sumigaw na halos ikapigtas ng mga ugat sa aking leeg. "Tita! Tulong! Tulungan mo 'ko!" Ngumisi si Arch at muling nilapit sa akin ang nakakadiri niyang mukha. Demonyong demonyo ang itsura niya ngayon. Nakangisi at parang naglalaway kung matingnan niya ako. "Hindi ka niya matutulungan dahil wala siya rito. Kung ako sa iyo ay manahimik ka na lang at magpaubaya para hindi masaktan! Gaga!" "Demonyo ka!" Dinuraan ko siya kaya napapikit ito at lumuwag ang pagkakahawak niya sa magkabilang pulsuhan ko. Gamit ang lakas ko ay tinulak ko siya at sinipa sa hita. Napahiga siya kaya agad akong bumangon at patakbong lumapit sa pinto. Ngunit 'di pa ako nakakalabas nang mahablot niya ang dulo ng buhok ko. Napatingala ako at muntik ng ma-out balance. Masakit ang an

