Amy I feel nervous and excited at the same time when we're at the airport. Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko habang nasa check in na kami. Marami kaming dalang maleta dahil mahigit isang buwan kaming mawawala. Ang sabi niya sa akin kahapon ay pupunta pa kami sa ibang lugar bukod sa Maldives. Panay oo lang ang nasasagot ko sa kaniya. Wala akong kahit na anong suggestions dahil wala pa akong alam sa ngayon. Aalamin ko pa ang mga bagay bagay simula ngayon sa kaniya. Nang magpaalam ako kay Tita noong isang araw ay agad naman siyang pumayag. Mas mabuti raw na hindi ako matatambay sa bahay lalo na at may trabaho siya gabi gabi. Walang naging problema sa Tita ko kaya panatag ang loob ko nang umalis kahapon. "Nagugutom kaba?" Binulungan ako ni Lennon habang nakaupo kami sa waiting a

