CHAPTER 2

1263 Words
Kararating lang ni Oceana sa Pilipinas. Natatawa na lang siya sa mga pinaggagawa nila ni Dane na bestfriend niya at manager niya pa. Marami silang palusot para makapunta sa Pilipinas. Akala ng mga magulang niya ay nasa Greece siya para magbakasyon pero hindi. May iba siyang pinapunta roon sa Greece para magpanggap na siya. Ito ay walang iba kung hindi ang isa niyang kaibigan sa New York na si Savanna. Pumayag naman ito dahil sinuhulan niya ito ng paborito nitong bag kaya iyon! Pumayag naman kaagad. Basta bag na ang pinag-uusapan, hindi na talaga umaayaw ang babaeng kaibigan niya. Tumitingin-tingin siya sa paligid ng airport dahil baka may makakita sa kaniya rito. Nag-disguise nga siya para walang makakilala sa kaniya. She wore black dress with matching black sunglasses. Nakatatawa nga ang suot niya dahil para siyang namatayan. Narinig niyang may nagbubulungan sa likod niya. Binabalewala niya lang iyon at umupo na lang siya sa may bench. Hinihintay pa kasi niya si Dane na nandoon pa sa may scanner. Siyempre, kailangang i-check ang luggage nila. Mayamaya ay lumakas na ang mga nagbubulung-bulungan sa likod niya. Ngumisi na lang siya at yumuko dahil naiinip na siya sa kahihintay. "Ang ganda niya, ano?" "Oo, parang artista at parang may kamukha siya." Narinig niyang papalapit ang mga ito sa kaniya. Napaangat siya ng tingin nang may nakita siyang sapatos. Tiiningnan siya ng mga ito nang mabuti. Please lang, huwag ninyo akong titigan! sabi niya sa kaniyang isip. Tumagilid siya. Napansin niya sa peripheral vision niya na lumiwanag ang mukha nito. Bigla siya nitong itinuro at tumili. "Oh my God! 'Di ba ikaw si Oceana Vasquez? The Famous International Model at Singer? Kilala kita, idol na idol po kita!" Hinawakan nito ang mga kamay niya at lumapit naman siya para bumulong sa tainga ng dalaga. "Miss, hindi ako iyon. Baka kamukha ko lang o baka—" Naputol ang sasabihin niya nang biglang may humigit sa kaniya. Tiningnan niya ito. "Bakit ngayon ka lang?" Nagtataka siya sa kaibigan kung bakit pawisan ito. "Mamaya ka na magtanong. May nakaalam na nandito ka sa Pilipinas!" Lumaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Bakit? Sino ang nagsabing nandito siya sa Pilipinas? Kahit sino ay walang nakaaalam ng bagay na ito! Patay siya sa mga magulang niya kapag nasagap na ng mga ito ang balita. "What! Akala ko—" "Akala mo lang iyon. Basta mga reporter ay masasagap talaga ang chismis!" Lakad-takbo ang ginawa nila para makalabas agad sa airport. Kaya lang ay may humarang sa kanilang mga reporters at mga photographer sa daan kumukuha ng mga lirato sa kanila. Paano na 'to! kinakabahang tanong ni Ceana sa isip. "Miss Oceana, is it true that you and Jacob are exclusively dating?" "No, we're just friends." Sinagot niya na lang ang mga ito. Hindi ang mga ito titigil hangga't hindi nakakuha ang kaniyang sagot. Tumingin sila sa paligid. Bakit ba walang security rito? Hindi ba nila alam na may nagkakagulo na? paghihimutok niya sa isip. "Oceana Vasquez, bakit ninyo hindi pinaalam na bibisita kayo rito?" "TABI KAYO!" Hay salamat! Nakahinga na rin sila nang maluwag kahit kaunti. Dali-dali silang pumasok sa sasakyan at pinaandar na agad ng driver ito na inupahan nila. She deeply sighed. "Thank, God! Nakapasok na tayo rito sa sasakyan" "Heto panyo." Tinanggap niya ito at pinunasan niya ang pawis sa noo at leeg. "Paano kung malaman ng mga magulang mo na wala ka sa Greece?" tanong ni Dane sa kaniya sa nag-aalalang boses. "Ewan ko. Bahala na!" kibit-balikat niyang sagot. "Matutulog muna ako, Ceana. Nakapapagod humarap sa mga reporters." Hindi na lang siya umimik dito. Hinilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan. Bakit pakiramdam niya ay nakarating na siya rito sa Pilipinas? Parang pamilyar sa kaniya ang lugar na ito pero sa pagkaaalam niya, hindi pa siya nakatuntong dito ayos sa mga magulang niya. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa hotel na pina-reserve nila one month ago. Lumabas na silang dalawa ni Dane. Binalingan siya nito bago naglakad. "I will take care of the luggage and you'll take care of the bags," sabi nito at itinuro ang dalawang bag nila. She nodded, ang una niyang sinukbit sa balikat ay ang sling bag na naglalaman ng lahat ng gadget nila. Sinunod niya naman ang katamtamang laki na bag na naglalaman ng mga shoes nila. Pagkatapos niyang makuha ang dalawang bag, tumingala siya sa hotel na kanilang tutuluyan. Maganda at sobrang laki ng hotel. Hindi siya makapaniwala dahil para siyang nasa New York pa rin. Mabilis na tinungo nila ang daan patungong Freud Deluxe Hotel & Restaurant. "Good morning, ma'am and sir. How may I help you?" magalang na bati ng receptionist habang nakangiti sa kanila. Ngumiti siya rito. "Good morning! We booked a reservation a month ago here in your hotel." "Ano pong pangalan nila?" "Dane Santos and Oceana Vasquez." Lumaki ang mga mata nitong tumingin sa kaniya noong marinig ang pangalan niya habang tina-type nito ang pangalan nila. "Oh my God! Puwede po bang magpa-autograph sa inyo? Kung puwede lang po?" Tumango siya at tinanggap ang magazine na siya ang cover noon. Binigay na niya agad ito pagkatapos niyang pirmahan. Nang kumalma na ito ay may binigay itong susi. "Ma'am and sir, enjoy your stay. That is your key to your room. Room 390, 38th floor." Kinuha ito ni Dane at umalis na rin silang dalawa. Natawa siya nAng marinig niyang tumili ang receptionist. Napailing na lang silang dalawa ni Dane. *** Miguel was so engrossed reading some papers when someone called his name. He hissed and put down those papers to give him his attention. Humahangos itong lumapit sa kaniya. "Sir, tingnan ninyo po ito." Pinindot nito ang hawak nitong remote control sa screen. Bagot siyang tumingin dito. "Can't you see that I'm busy?" he sarcastically asked his secretary. "Sir, this is important. Tingnan ninyo po muna at makinig ka sa balita. Siya na po ang hinahanap nating model na nababagay sa bagong cover sa magazine." When he looked at the screen, he was so shocked when he saw her. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Hindi siya maaaring magkamali, siya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. "Miss Oceana, is it true that you and Jacob are exclusively dating?" the reporter asked. "No, we're just friends." Kahit na naka-sunglasses ito ay kilalang-kilala niya ito. "Oceana Vasquez, bakit ninyo hindi pinaalam na bibisita kayo rito?" Hindi na ito sumagot dahil sumakay na ito sa sasakyan. “Sir, are you okay?" Napakurap siyang tumingin sa kaniyang sekretarya. "D-do you know her?" nauutal niyang tanong. "Yes, sir. She is a famous international singer and model in New York." "Her name is Oceana Rovena, am I right?" Umiling ito. "No, sir. She is Oceana Vasquez. Bakit ninyo po naitanong?" Tumayo siya mula sa pagkauupo sa swivel chair at tumalikod dito. Lumakad siya patungo kung saan nakikita niya ang malalaking gusali. His office was made of tinted blue glass kung kaya't hindi makikita sa labas kung anong gagawin niya rito sa loob at soundproof din ito. Asul na salamin ang ginagamit niyang kulay dahil paborito ito ng pinakamamahal niyang babae. "Investigate her," he directly said. "Sir?" gulat na sabi nito. "Do I need to repeat it?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa labas ng gusali. "No, sir. I will investigate her right away." Iniwan na siya nito. Huminga siya nang malalim. "Oceana Vasquez," bulong niya sa kawalan. Bakit pakiramdam niya ay ito na ang babaeng matagal na niyang hinahanap o baka naman kamukha lang nito o kapangalan lang? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD