CHAPTER 1

1163 Words
NEW YORK CITY "Is there something bothering you, Ceana?" nag-alalang tanong ng ina ni Ceana sa kaniya. Umupo si Ceana sa tabi ng kaniyang mga magulang matapos siyang tanungin nito. Kagagaling niya lang sa pictorial kaya pagod na pagod na siya nang umuwi siya ng bahay. Huminga siya nang malalim bago niya ito sinagot. "Mama, I need to go to other country," masigasig niyang sabi. Nagtatakang tinitigan siya ng mga ito. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagpaalam siya sa mga ito na pupunta siya sa ibang bansa. "Why? You don't want to live here in New York?" Napailing siya at ngumiti sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina at ngumuso. "Ma, I love staying here but I need to relax sometimes. No camera and strictly no phone call from work." Napakunot ang noo ng kaniyang ina at matiim siyang tiningnan, parang kinikilatis muna siya. Akmang magsasalita na sana ito nang hinawakan ng kaniyang ama ang kamay ng kaniyang ina. "Analie, payagan mo na si Ceana. Minsan lang iyan makapagpahinga sa pagiging singer at modelo rito." Inakbayan nito ang kaniyang ina at hinalikan sa ulo. Umarte naman siyang nasusuka sa harapan ng mga ito. Nakita siya ng ina niya at pabirong pinalo siya ng diyaryo sa ulo. "Aray ko naman, Mama." Hinimas niya ang ulo kung saan nito hinampas ang diyaryo. "Ikaw talagang bata ka! Ganiyan ka palagi kapag naglalambingan kami ng papa mo! Para kang ewan diyan at nandidiri ka pa talaga sa amin!" sita nito at sumimangot pa sa kaniya. Nakasimangot nga pero alam niyang kinikilig ito sa ginawa ng kaniyang ama. Tumawa lang ang kaniyang ama sa sinabi ng asawa. Ganiyan nga ang mga ito maglambingan. Nasusuka talaga siya. "Mama, kay tanda-tanda ninyo na ni Papa pero kung makapaglambingan kayo riyan ay parang bagong kasal lang ah," puna niya. "Aba't—" Akmang hahampasin na siya nito ulit ng diyaryo nang umiwas siya agad. Ang sakit kaya ang hampasin niyon, ang bigat kaya ng kamay ng kaniyang ina! "Sus! Analie, pagpasensyahan mo na ang anak mo," natatawang pigil ng kaniyang ama sa kaniyang ina. "Diyan ka magaling. Pareho talaga kayong dalawa!" umingos na sabi ng kaniyang ina na si Analie. "Analie, sabi nga nila ay like mother, like daughter!" pangangatuwiran nito. "Like mother, like daughter?" Umismid ito at umirap sa kawalan. "Ang sabihin mo ay like father, like daughter!" Napailing na lang si Ceana at natawa sa mga pinagsasabi ng kaniyang mga magulang. Ngumisi lang ang kaniyang ama sa sinabi nito. Tama nga naman ang kaniyang ina, like father, like daughter. Minsan kasi ay parang batang umasta ang kaniyang ama kung kaya't minsan ay nagkakamali ito sa pagsabi. Hindi pala minsan dahil palagi pala. Namumuro na ito sa kaniyang ina. "Maiba tayo, Ceana. Saang lugar ka ba magbabakasyon?" tanong ng kaniyang ama sa seryosong boses. "Pilipinas," walang paligoy-ligoy niyang sabi. Napapitlag siya nang biglang napasigaw ang kaniyang mga magulang. Napakunot ang noo niya at nagtatakang tinitigan niya ang mga ito. "Bakit kayo sumigaw riyan? Sinagot ko lang naman kung saan ako pupunta." Hinawakan ng kaniyang ina ang kaniyang kamay. Nakaramdam siya ng kakaiba sa mga ikinikilos ng mga ito na para bang may tinatago ang mga ito sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang siya. "Ceana, sa ibang lugar ka na lang magbakasyon," pangungumbinsi ng kaniyang ina pero napagdesisyonan niya na talaga na sa Pilipinas ang kaniyang destinasyon. "Gusto kong pumunta roon, Ma, Pa." Nagkatinginan ang mga magulang niya na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Bumuntonghininga ang mga ito sa desisyon niya. "Ceana," pagtawag ng atensiyon ng kaniyang ama. Tumingin siya rito. Umiling lang ito sa kaniya. "No, we won't allow you to go there." Nag-iba ang expression nito. Kanina ay masaya pa ang nakikita niya sa mukha ng kaniyang ama pero ngayon ay hindi niya na mabasa kung galit ba ito o hindi. "But Papa—" Aangal na sana siya nang pinutol nito kung ano pa ang sasabihin niya. "I said, no. Hindi mo ba maintindihan!" nanggagalaiting sigaw nito kaya napatahimik siya bigla. Ngayon lang siya nito sinigawan nang ganito. Ano ba'ng problema ng mga ito kung pupunta siya sa Pilipinas? Gusto niyang pumunta roon, naririnig kasi niyang magandang puntahan ang lugar na iyon. Tumawa lang nang pilit ang ina niya para mawala ang tensyon. "Alam mo, Ceana, doon ka na lang sa Paris magbakasyon or 'di kaya sa Greece? 'Di ba hindi ka pa nakapupunta sa Greece? Doon ka na lang kaya?" pag-iiba ng kaniyang ina sa usapan. "Oo nga, Ceanna." Malumanay na ang boses ngayon ng kaniyang ama. Kahit labag sa loob niya ay tumango na lang siya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya tutuloy sa Pilipinas. Hindi siya ng mga ito mapipigilan. Basta gusto niyang pumunta sa Pilipinas para magbakasyon. Magpapasama siya sa kaniyang bestfriend o manager. "Nakapagpaalam ka na ba sa agency na pinagtatrabahuhan mo?" Tumango siya nang malamya. "I already called them and they agreed for me having a vacation." Tumango ang mga ito at ngumiti nang tagumpay. "Mama, nakapunta na ba kayo sa Pilipinas o may kakilala ba kayo roon?" Kumunot ang noo ng kaniyang ama dahil sa pagbabalik niya ng usapan sa bansang iyon. "Bakit ka ba interesado sa lugar na iyon?" Nagkibit-balikat siya at tumayo na. "Sige Ma, Pa, magpapahinga po muna ako." After that, she went upstairs. Pagkaalis ni Ceana ay hindi niya alam na pinag-uusapan na pala siya ng dalawang taong minamahal niya ng lubos. "Antonio, muntik na iyon," kinakabahang sabi ni Liza, ang ina ni Ceana. "Hindi tayo papayag na mabulilyaso ang mga plano natin dahil kay Oceana. Kailangan maging maingat tayo at ilalayo natin siya. Kung kinakailangan nating pumatay ay papatay tayo." Nangangambang tumingin si Liza kay Antonio. Hinawakan ni Liza ang braso nito at umiling. "Sobra naman iyan, Antonio. Hindi tayo papatay. Masamang pumatay, Antonio. Tama na inilayo natin siya sa Pilipinas. Kawawa ang batang iyon." Niyakap nito ang asawa. Pagak na tumawa si Antonio "Kawawa? Mas kawawa ang anak natin, Liza. Matagal nang inaasam na makasama ng ating anak ang pinakamamahal niya." Tinabig nito ang pagkahawak sa braso at tumalikod. Yumakap ito mula sa likod ni Antonio at humilig sa likod nito. "Hindi ba dapat na pangaralan natin ang anak natin at hindi kukunsintihin?" malumanay na sabi ni Liza. Hinawakan nito ang mga braso nito na nasa beywang nito. "Liza, makinig ka. Huwag kang maaawa sa iba." Tinanggal nito ang pagkakayakap ni Liza at hinarap pa ng asawa. "Tingin mo, kung maaawa ka ay makapipiling ba ng anak natin ang mahal niya? Hindi naman, 'di ba? Kaya nga natin siya tinutulungan sa mga plano niya? Ayaw ko na maging malungkot siya. Gusto kong mapasaya siya hangga't nandito pa tayo. Hindi natin siya papabayaan at handa natin siyang tulungan sa abot ng ating makakaya." Tumango na lang si Liza sa sinabi ng asawa. Kahit mali ay gagawin na lang nito para maging masaya ang nag-iisang anak nila. "Sorry sa mga gagawin namin sa 'yo, Oceana," bulong ni Liza. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD