Nagulat si Oceana ng may tumapik sa pisngi niya. Napatingin siya sa kaibigan niyang si Dane. "Kahapon pa kita napapansin, Ceana. Doon pa lang sa mall ay balisa ka na. Nawiwirduhan na nga ako sa 'yo." Kanina pa pala siya natutulala. Umupo ito sa tabi niya at nag-aalalang tiningnan siya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Are you sure that you're okay?" Kagat-labi siyang tumango sa tanong nito. Nagdududang tingin lang ang ipinukol nito sa kaniya. "Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo, Ceana?" "Nothing," umiiling na sabi niya. ''Kilala kita, Ceana. Kapag nagsasabi ka ng ganiyan ay maraming kahulugan iyan sa iyo." Tinaasan siya nito ng kilay at ipinagkrus nito ang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Napabuntonghininga siya at napasandal sa headrest ng sofa habang nakatingin sa kisame. "Naguguluha

