Nang lumabas si Oceana sa sasakyan ay nagulat siya nang bigla siyang binungad ng grupo ng mga babae. Lahat ng mga ito ay may ngiting tagumpay sa mga labi. "Yes?" "Oh my God! Ikaw nga, Ms.Oceana!" Turo ng naka-orange na shirt sa kaniya. "Akala po namin ay guni-guni lang ang nakita namin doon sa Freud Deluxe pero hindi pala! Totoong-totoo po kayo. Lalapit na sana kami sa inyo roon kaya lang may dress code po kaya sinundan na lang namin kayo hanggang dito," walang tigil na sabi nito. "At saka—" Pinatigil na niya ito kung anuman ang sasabihin dahil nag-alala siya. Baka bigla na lang malagutan ito ng hininga. "Tigil ka muna, inhale..." Huminga siya nang malalim at sinundan naman nito, "exhale." Saka inilabas ang hangin na hinigop niya na ginaya ulit nito. Pumasok na silang dalawa ni Dane p

