bc

HERZELLE OSIAS (MY MAN)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

A man with an ambition, a man who stands with dignity. And a man with compassion. That'll get your heart fall hard.

chap-preview
Free preview
C H A P T E R O N E
Inayos kong muli ang maikli at kulot kong buhok nang umihip nanaman ang malakas na hangin papunta sa banda namin ni Cruzzette, malakas ang aming naging tawanan dahil sa pag-angat ng aming palda, mabuti nalamang at wala masyadong nagagawi at tumatambay sa lugar na'to ng school namin. Masyado kasi itong liblib at may kadiliman din, siguro'y natatakot ang ibang mga studyante na pumunta diyo kaya kaunit lang ang taong naririto. Minsan ay dalawa o isa lang ang nadadatnan namin kapag nagagawi kami sa lugar na'to. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuang putol na puno at maarteng pinagpagan ang likod ng kaniyang skirt uniform, pagkatapos ay pumangalumbaba sa kaniyang kaliwang kamay. Actually, hindi naman talaga nakikita ang dumi sa palda namin dahil kulay itim ito, masyado lang talaga siyang malinis sa katawan kaya nagmumukhang maarte. Above the knee ito sa amin at may mahabang white na sock kaya hindi kami masyadong nababahala sa sugat. "Alam mo Lilia... gusto kong e try ang magkaroon ng boyfriend na college, alam mo 'yon... pang experience lang. " Umikot siya at humarap sa akin. "Ang sabi ni Danica, ang mga college student daw ay talagang eksperyensiyado, magaling nga daw silang humalik e." Binigyan ko siya ng space nang umupo siya sa tabi ko at iniyakap ang kaniyang kaliwang braso sa akin. "Nakakaexcite... hindi ba, Lilia?" Pagkatapos ay humagikhik siya sa aking tabi. Sa totoo lang ay madami na siyang naging boyfriend, sa sobrang dami ay hindi ko na matandaan kung sino-sino sa kanila. Minsan nga ay napagpapalit-palit ko na ang kanilang mga pangalan sa tuwing magkakasalubong kami sa school o kung saan man, ang sabi nga niya ay huwag ko nalang sila pansinin dahil EX niya na ang mga ito, pangit daw tingnan kapag nakikipagkaibigan pa kami sa kanila. Kaya tanging tango nalamang ang sagot ko sa kanila kapag binibigyan nila ako ng ngiti, ito kasing si Cruzzette deadma lang palagi. Talagang pinanindigan niya ang kaniyang sinabi sa akin. "Hindi ba't may boyfriend kang Senior High School ngayon, Cruzzette?" Pagpapaalala ko sa kaniya. One week palamang niyang ipinakikilala sa akin ang boyfriend niya ngayon kaya hindi ko maiwasang maguluhan, pakiramdam ko'y masyado siyang mabilis sa pakikipaghiwalay sa isang relasyon. Natatandaan ko ring tatlong araw pa lang ay may hiniwalayan na siyang karelasyon niya, siguro'y hindi niya nagustuhan ang pag-uugali ng lalaki. Sinuklay niya ang kaniyang maikli ding buhok gamit ang kaniyang mga daliri at sumimangot na tumingin sa akin. "Hmmp... oo nga pala!" Nabigla ako sa mabilisan niyang pagtayo, ngingiti-ngiti siya sa aking harapan. "Edi, makikipaghiwalay na ako mamaya!" Pareho kaming natahimik dahil sa 'pitong' aming narinig malapit sa amin. Sabay kaming tumingin sa isa't isa habang nanlalaki ang mga mata. Sa nanginginig na kamay ay mabilis niya akong hinawakan sa pupulsohan at tinungo ang mataas na pader. Hinaplos ko ang aking dibdib na walang tigil sa pagkabog, pakiramdam ko ay may kung anong bagay na gustong lumabas mula dito. Dahil sa pagkataranta ay hindi ko namalayang nakasampa na siya sa mataas na pader hangggang sa likod niya nalamang ang nakikita ko. "Lilia... ikaw naman!" Rinig ko ang pagkalampag niya sa likod ng pader na ito. Iniapak ko ang aking kanang paa sa may kataasang bato, kahit na ramdam ko ang panginginig ng nga ito, dahil dito ay may kaunti akong natanaw galing sa labas. Hindi ko mapigilang mapatili nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa batong aking kinatatayuan. May malaking braso ang pumalibot sa aking bewang at dahil doon ay napahilig ako sa matigas niyang dibdib, alam kong lalaki ang isang 'to, base na rin sa panlalaking cologne niya na aking nalalanghap. Pilit ko siyang nililingon ngunit tanging ilong niya lang ang nakikita ko, ni hindi manlang ito nasasaktan sa mga hampas na ibinibigay ko sa kaniyang braso at sa kaniyang likuran. Napagpasiyahan kong manahimik nalamang dahil baka maisipan niyang itapon ako sa isang sulok, paniguradong sugat sugat ang aabutin ko, sa isang kilos niya lang ay talaga namang wala akong magagawa. "Hey! Wait lang! Ang higpit ng pagkakapulupot ng braso mo sakin...ang sakit." Patiling usal ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang aking labi sa malawak na pagkakangiti ng maramdaman ko ang paglapag niya sa akin mula sa kaniyang pagkakabuhat. Agad akong kumawala sa kaniya nang lumuwag ang kaniyang pagkakapulupot ng kaniyang braso sa akin. Dahil sa pagmamadaling makatakbo ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kaya naman tinakbo ko nalang ang pasilyong malapit sa amin. Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong nararamdaman ang pag angat ng aking katawan mula sa pagtakbo, pinasan niya ako sa kaniyang balikat na parang isang sakong bigas. Sakong bigas! Ano ako, kanin! Para bang sanay na sanay na siyang magbuhat ng ganito ang pwesto dahil ni hindi ko manlang maramdaman na nahihirapan siya sa akin. Syempre, dahil malaki siya ay malalaki din ang kaniyang hakbang, hindi na ako magtataka na agad niya akong naabutan. "Huwag kang malikot, baka malaglag ka." Walang emosiyon niyang utos sa akin. Umawang ang aking bibig at napatigil sa pagpapadyak sa kaniyang balikat nang gawin niya iyon sa akin. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng daluyan sa aking katawan papunta sa aking mukha para sa dugo ko, hindi maitago ng aking maikling buhok ang pamumula ng aking pisngi. Parang may itinurok sa aking karayom dahil sa pamamanhid niyo'n. Shet! Nakakahiya! D-did he...did he really just spank me...my butt?! "W-what d-did you...why did you do that, huh?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya at malakas na pinaghahampas ang kaniyang likuran. Halos mapunit ko na ang kaniyang walang kagusot gusot na uniform dahil sa mahigpit na pagkakakapit nang bigla niya akong binuhat pahiga sa kaniyang dalawang braso. Mataman siyang nakipagtitigan sa akin bago magsalita. "I told you not to move that way...kung hindi ka makikinig sa akin ay mapipilitan akong ilaglag ka nalamang para matigil ka sa pag iingay." Pinili kong manahimik habang patuloy niyang tinatahak ang pasilyong ito. Ngayon ko lamang napagmasdan ng maayos ang kaniyang mukha, lalo na sa malapitan. Talaga ngang matikas ang lalaking ito. Malinis ang pagkakagupit ng kaniyang itim na buhok, halatang masunurin siya sa rules ng school, ganitong gupit kasi ang gusto ng Principal, 'clean cut' yung parang malapit ng makalbo, kaunti lang ang natirang buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay parang sa trained na sundalo ang gupit niya. Samantalang kailangang nakatali ang buhok ng mga babae para malinis din daw tingnan. Ito ang dahilan kung bakit kami nagpagupit ng ganito kaikli ni Cruzzette, bukod sa laging nawawala ang ponytail naming dalawa ay hindi kami pareho marunong magtali ng maayos sa buhok namin. Ang kaniyang makapal na kilay na laging straight lang, minsan ko lang iyan nakitang gumalaw, kapag nangungunot ang kaniyang noo. Siya lang yata ang lalaking binagayan ng makapal na kilay at hindi nagmumukhang nerd, kung sa bagay, kahit magsuot pa siya ng makapal na salamin ay magmumukha lang siyang isang genius na gwapo. Hindi ko masabi kung anong kulay ng kaniyang mata, minsan ay nagiging kulay brown ito, pero nagiging kulay blue kapag tinititigan ng matagal, o talagang malabo lang ang aking paningin dahil bigla itong naging kulay itim. Maikli lang ang kaniyang pilik mata, hindi nga masyadong napapansin dahil hindi naman nagbabago ang kaniyang emosiyon. Pero, imbes na maging pangit ang kaniyang hitsura ay mas lalo itong nakadagdag sa aura niya. Kahit yata nakatayo lang siya ay dala niya ang kaniyang s*x appeal. Matangos ang kaniyang ilong, talagang panlalaki ang kaniyang ilong dahil mataba iyon na matangos. Palihim kong hinawakan ang aking ilong, maliit ito kung ikokompara sa kaniya. Hindi din gaanong katangusan, siguri dahil bata pa ako kaya hindi pa gaanong nahuhulma sa ayos. Tikom ang kaniyang bibig habang deretso ang tingin sa dinadaanan, wala manlang kangiti-ngiti, laging tikom. Kung magsalita naman ay wala ding emosiyon. Paano kayang may ganitong tao sa mundo?! "Mr. Osias...what happened?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng malamyos na boses at doon nakita ko ang Dean, prente itong naka upo sa kaniyang office chair habang may hawak na ballpen sa kamay at tambak ang mga papeles sa kaniyang opisina. Halatang busy ito, inayos niya ang kaniyang suot na salamin atsaka marahang tumayo at lumapit sa amin. She guided us inside. "Sit down, sit down..." Napa angat ako ng tingin sa kaniya ng marahan niya akong iupo sa isa sa mga upuang nasa tapat ng mesa ng Dean, kasabay niyo'n ang pag upo niya sa katabing upuan at magalang na bumaling sa Dean. "Ms. Rivera and her cousin, Ms. Cruzzette Rivera are caught up having a cutting classes, Ms. Dean, exactly at the back of our gymnasium. In any minute, her cousin, Ms. Cruzzette will be here with Mr. Sandejas Ms. Dean." Pormal niyang pahayag sa Dean at muling itinikom ang kaniyang bibig. Tumango tango ang Dean sa kaniyang sinabi. "Hmmm...is that so?" Nakangiti niyang usal at pinagcross ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib at bumalik sa pagkakaupo. "Okay...Ms. Rivera, siguro naman ay alam mo na ang rules natin dito. Kapag nahuli kang ngaka-cut ng class, hindi ba Ms. Lilia?" She tilted her head at binigyan ako ng mapanuring tingin. "P-po?" Hindi ko mapigilan ang mapayuko dahil sa sagot kong iyon. Ngayon ko lang naisip ng mabuti ang naging sagot ko. Syempre, lahat ng studyante ay alam iyon, bakit hindi ko manlang iyon binasa kahit tatlong minuto lang. Ngayon tuloy ako nagsisisi. "Ako na po ang bahala sa kaniya Ms. Dean," He politely said to the Dean before taking his eyes back on me. "Okay Mr. Osias... it's a big help for me, lalo na't madami akong kailangang gawin." She tilted her head on my way. "Cooperate with him Ms. Rivera," she paused. "Kung hindi ay mapipilitan akong ipatawag ang mga magulang niyo ni Ms. Cruzzette." In my little voice, I nod at what she said before getting up. "Yes Ms. Dean, I will po..." Sa isang taon naming pagpasok dito sa ESSU main Campus ni Cruzzette ay ngayon lamang kami nahuli, kung hindi pa bumalik ang dalawang ito na matinik sa panghuhuli ay tiyak na makakalusot pa sana kaming dalawa. Paniguradong sumabog na sa galit ngayon si Cruzzette, sa pagkakatanda ko kasi ay galit siya sa kaibigan nitong si Herzelle Osias.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
243.6K
bc

NINONG

read
396.6K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
439.2K
bc

Worth The Wait

read
204.8K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
658.3K
bc

The Professor's Wife

read
467.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
91.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook