Napakapit ako sa salamin ng canteen habang pinapanuod ang iba pang mangyayari sa babae.
"Kawawa si Ate girl alam niyang ganoon ang mangyayari ginawa pa niya." Bulong ko.
"At ikaw bakit mo ginawa 'yon?"
Mabilis kong nilingon ang lalaking nagsalita mula sa aking likuran.
Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa kinatatakutang miyembro ng lucifer kingdom. Iyon nga lang tahimik ito at hindi ko man lang nakitang tumawa.
"Anong ginawa ko?" usisa ko rito.
"Nag-iskandalo ka sa loob ng canteen!"
"Iskandalo? Fyi, kubyertos lang naman ang dahilan ng pag-iingay ko. Iskandalo ba tawag doon? Hindi ba't ang pag-i-iskandalo ang ginagawa niyo?"
Lumingon ako sa loob ng canteen. Sa tingin ko ay wala na ang Lucifer Kingdom.
"Maliit man o malaki ang dahilan mo wala akong pakialam. Gusto mo 'yata mabigyan ng stub."
Pananakot sa akin. Napalunok ako. Hindi maaaring pati ako ay masama sa mga-----
"I'm warning you." buong boses niya kong binantaan.
Muntik na kong manginig sa takot pero ginawa kong magpakatatag.
Tumalikod na siya.
"Ah, by the way, I'm Zayn ,always remember that."
Kaagad niyang hinakbang ang mga paa palayo sa kinatatayuan ko. Doon ko lang din naramdaman ang pangangatog ng aking tuhod.
"REIGN Annie Tanhueco." Napabuga ako sa alingawngaw ni Nicole.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Ngayon lang kasi na tapos mag-sermon ang mabait naming prof bakit nandito ka? 'Di ba sabi ko sayo mauuna kana kumain kapag wala pa ako?"
"Nauna nga."
"Eh bakit nandito ka?"
"Gumawa nang gulo ang lucifer kingdom." Napairap ako sa kawalan.
"Sa loob mismo ng canteen? Eh di nakita mo sila? Ano? Ano masasabi mo sa itsura nila? Ang guwapo ni Cedric ano? pero malakas din dating ni Zayn pero halos lahat naman mga guwapo."
Muli kong naalala ang mukha ni Cedric kung paano niya ipahiya ang babae. Maski si Zayn na iyon naturingang tahimik sa Lucifer kingdom pero magaspang din pala ang ugali.
"Hoy! Nangyari sayo? Don't telling me na starstruck ka sa L'kingdom? OMG! Sabi na nga ba at matitipuhan mo rin sila!" Nais sana nitong makipag-apir pero tinanggihan ko.
"Papasok na ako sa susunod kong klase magkita na lang tayo mamaya."
"Okay, huwag mo gaano isipin ang mga 'yon." natatawa nitong biro sa akin.
Paano hindi iisipin iyong Cedric at Zayn lang naman ang mas kinainisan ko. Hmp, huwag na huwag ko lang talaga sila makakasalubong sa bawat parte ng University na ito.
"HEY! Who's that girl?" Bulong ng classmate ko sa oras ng klase.
"I don't know wala akong kilala kinakausap si Zayn ng Lucifer kingdom" Sabi pa ng isa.
"Tama ka baka isa 'yan sa mga fan girls niya tapos nag-open-forum?" Humalakhak ang isa pa.
"Open forum talaga? Well, I think hindi naman tingnan mo sa litrato girl parang pamilyar ang tindig niya."
Pasimple akong sumilip sa cellphone muntik na talaga akong mahulog sa kinauupuan matapos kong makita ang picture namin kanina ni Zayn sa labas ng canteen.
"Tama na 'yang iniisip niyo hindi niyo pa ba alam na ganyan ang ginagawa ni Zayn? Kumikilos siya ng palihim para makaganti sa mga taong makasalanan." Bulaslas ng lalaki na nasa harapan kong upuan.
Ganoon pala 'yon? Kaya pala hinila niya ko palayo sa canteen. Wow! Akala ko nga knight in shining armor ko na.
Dumating si Professor kaya tumindig ang ilan upang bumalik sa kinauupuan. Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso muna ko sa locker upang kunin ang ibang kuwaderno sa huling klase. Nakita ko si Nicole nag-aayos din ng locker.
"Frenny tapos na klase niyo?" usisa ko.
"May isang subject pa saan punta mo niyan?"
"Mag-iikot-ikot sa library?" Kunwari hindi ko alam ang gagawin.
"Mas maganda 'yan nang maiwasan mo ang Lucifer kingdom." Umiiwas ito ng tingin.
"Bakit?"
"Sumama ka sa akin." Hinila niya ko pagkatapos pinakita ang mga nakadikit sa bulletin board.
"Teka." Hindi ko maikurap ang mata sa pagkabigla.
"May picture kana rito frenny. May White stub ka. Ano bang ginawa mo?" Nag-aalala nitong tanong.
Wala na rin akong maitatago pa.
"WHAAAAT??!!! Are you--- bakit mo naman ginawa 'yon?" Nag-hysterical ang kaibigan ko.
"Frenny, kubyertos lang 'yon ah?"
"Hindi mo pa kasi alam maliit man 'yan o malaki dapat ka nang maghanda."
"Ako pa talaga tinakot nila." Mayabang kong sabi.
"Yabang naman this girl. White stub pa lang naman huwag mo nang uulitin pa."
"Ano bang nakukuha nila sa pagiging gangster masaya ba silang may nasasaktan?" Iritable kong tanong.
"Magulang nila ang may-ari ng university. Ano man sabihin at gawin nila walang makapipigil dahil ganoon sila makapangyarihan at naghahari-harian kumbaga."
"So, what's the point porque sila ang may-ari nga ng University ay karapatan nilang manakit? Anong klaseng paaralan ba 'to?"
Isinubsob ko ang aking mukha sa Bulletin board. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante habang ako ay parang nagwawalang bata upang matanggal lang ang nakakabit na litrato.
"Tama na nga 'yan basta pinaalalahanan kita huwag na huwag ka nang sasangkot sa gulo ng Lucifer kingdom."
Bagsak ang aking balikat na nagtungo sa Library upang mawala na rin ang pag-aalala. Dapat kong itinuon ng husto ang isipan sa aralin mamaya.
Pinangingilagan pa naman ang professor sa last sub namin kaya dapat mag-aral ng mabuti at dapat ko rin mamaintain ang grades dahil gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral nang upang makatulong kina mama at papa.
Ako lang naman ang maaasahan nila upang maahon sa kahirapan. Ang anak ang nagiging sandata ng magulang upang lahat ng pinagdaanan nilang hirap hindi maranasan ng kanilang anak.
"Huwag ka muna pumasok sa loob nandiyan ngayon ang L-kingdom." awat ng gurong taga-bantay sa library.
"L-kingdom na naman." Bulong ko.
"Teka? Ikaw 'yong binigyan nila ng White stub, ah. Sige makapapasok kana." Halos masubsob ako sa sahig nang itulak papasok sa loob. Bastos na guro.
Ano bang balak niya? Saan ka ba makakakita na nais pa niyang may mapahamak na estudyante dahil sa L-kingdom?
Iba talaga ang patakaran ng University Kingdom na 'to. Iba talaga.
Sa pagpasok walang L-kingdom sa lawak ba naman kasi nito kaagad ko ba makikita? Mabuti na rin iyon kaysa may gulong mangyari. Pinili kong magtungo sa gitnang puwesto sapagkat nandoon ang aklat na hihiramin ko.
Swerte ka pa, Reign. Wala ang L-kingdom sa puwesto mo bilis-bilisan mo lang kumilos para may lusot.
Nang makuha ang aklat doon ko binilisan ang paglalakad mahirap na parang nasa horror movie lang kailangan kumilos ng mabilis para hindi mahabol ng killer...
"Ay, killer!" may na bunggo akong tao!
Ang lucifer kingdom!
Marahan kong tinanaw ang lalaking nasa harap ko.
"Zayn." Nag-aalangan kong tawag.
"Who's that girl? Nakikipag-usap ka na naman sa mga---" Palapit ang lalaking may hikaw sa gilid ng labi.
"That girl na binigyan ng White stub ,right?" Siyang dating ng isa may pilat sa pisngi ngunit bumagay naman.
Labis akong na bahala dahil sunod-sunod nang dumating ang mga lalaking kinatatakutan ng lahat. Hindi ko lubos akalain na makakaharap ko ang L-kingdom na ako lang ang tao at walang puwedeng tumulong.
"Sino nagpapasok sayo rito?" maangas na tanong ng isang lalaking may salamin sa mata.
"Tama na nga 'yan walang ginagawa masama 'yong tao." Awat ng huling lalaki na naka-bonnet.
"May ginawa 'yang kasalanan ?mapangahas siya!" Sigaw ni Cedric habang dinuro-duro mukha ko.
Lumapit siya sa akin sabay ngisi na nakaiinsulto.
"Hindi pa yata nararanasan na mabugbog."
"Tama na nga 'yan! White stub lang ang natanggap niya hintayin niyo na lang kung ipagpapatuloy niya ang kapangahasan." Awat nga ng naka- bonnet.
Naglisawan ang lahat habang papalabas sa Library. Kahit sobrang kinabahan ako sa mga presensiya nila ay nanatili akong matatag at hindi natinag. Kung ipapakita ko sa kanila na mahina ako sigurado na hindi nila ko titigilan.
=A Y IE S H IE N=