Chapter 3

1293 Words
"IYONG naka-bonnet kamo? siya lang naman si Joseph ang may-ari ng mga Cafeteria rito sa loob ng university." "Pinagtanggol niya kasi ako kanina," "Paanong pagtatanggol? Sinabi rin ba niyang tigilan kana ng mga kasama niya? Alam mo Reign, ganyan na ganyan din mga galawan ni Joseph pabait effect pero nakatatakot din siyang kaaway." "This is Axel," Itinuro ang picture nito sa ibabaw ng lamesa. "Pinakamaliit sa L-kingdom may red hair din dahilan para bansagan siyang RED. Sobrang sama nang ugali no'n siya ang dapat pangilagan mo sa walo pero for me lahat dapat iwasan mo." "Eh 'yong Zayn?" Tila nahihiya kong usisa sa aking kaibigan. "Si Zayn?" Lumapad ang ngiti. "Zayn my loves ang pinaka tahimik sa walo pero sobra naman kung manlait sa babae. Babae talaga puntirya niya." "Ganoon?" Hindi ko na lang pinahalata na medyo disappointed ako. "Si Frankie naman ito," Sabay turo sa lalaking may hikaw sa labi. "Ex boyfriend ko 'yan." Ayoko sana maniwala pero grabe 'yong pamumula ng mukha niya. "Seryoso?" "Oo naman frenny!" Hampas nito sa braso ko bago tumabi. "Paano? Paano ka nagkaroon ng boyfriend na ganyan ka sama ang ugali?" "Kababata ko siya hindi pa miyembro sa L-kingdom noong naging kami." "So ibig sabihin ba nito---" "Ngayon lang sumama ang ugali niya dati hindi naman, eh. Ngayon lang talaga siguro sa mga barkada niya kaya nahawa." "Ang swerte mo naman pala at mag ex-boyfriend kang gangster." Pang- aasar ko. Imbis na tumawa sa pang-aasar ko ay pinagpatuloy nito ang pagpapakilala sa ibang miyembro ng L-kingdom. "Ang pinaka matalino sa kanilang lahat si Erdem sa lahat ng mga panlaban siya ang ipinapasok nila. Sobrang henyo talaga kaya nga lahat ng ka-miyembro niya sa kanya nagpapaturo." "May mas matalino pa pala sayo." Naka-ngisi kong sabi. Ngumiti lamang ito na parang naiinis. "This is Calvin." Naku po nag-english spoken na sa inis, "Akala mo siguro kaya siya may panyo sa leeg ay dahil pangporma lang? Puwes ,you're wrong nagkatrouble dati rito kasama ang L-kingdom sa nakipag-away nalaslas ng balisong ang tagiliran ng leeg niya kaya naging pilat 'yon." "Parehas sila ni Peps iyon nga lang sa pisngi ang pilat niya. Alam mo ba kung sino may gawa no'n? Si Cedric lang naman pareho pala silang pinaglaruan ng babaeng minahal nila." Patuloy nito. "So you mean nag-away sila dahil sa isang babae?" "Correct! Grabe masaktan si Cedric dumating sa point na lahat ng mga studyante pinasok niya sa room at pinagsasabuyan ng harina sa mukha." "Grabe naman." "Grabe talaga siya magmahal papatay siya ng tao dahil lang sa isang babae kahit kaibigan pa niya." "Kilala siyang gangster at walang sinasanto pero dahil lang sa isang babae makikita mong marunong naman pala siya magmahal kaya lang nandoon pa rin 'yong pagiging masamang tao niya." "Kaya paulit-ulit kong ipapaalala sayo na umiwas kana sa L-kingdom huwag mo hintayin na iwasan na rin kita." Simple siyang sumilip sa akin at kaagad din umiwas. "Ano ibig mong sabihin?" "Kapag blue stub natanggap mo lahat ng tao rito iiwasan ka. Alam mo 'yon takot silang madamay sa parusa ng lucifer kingdom at iyon ang iniiwasan kong mangyari sa atin dalawa. Kaibigan kita, Reign." "Kung ganoon nga kung sakasakali bang makatanggap ako ng lue stub iiwasan mo talaga ako?" "Tunay akong kaibigan frenny pero kung tungkol sa L'kingdom na ang pag-uusapan gagawin ko. Maaari rin mapatalsik ako sa university kung patuloy akong lalapit sa iyo." Nakaramdam ako nang lungkot. Hindi ko akalain na iiwan niya ko dahil lang sa bagay na 'yon masakit isipin na may ganoon palang kaibigan 'yong iiwan kang mag-isa para hindi masaktan. ISINUOT KO ang helmet bago sumakay sa motor. Halatang luma na ito dahil sa maraming gasgas sa bawat parte mula pa kasi ito sa papa ko ibinigay na lang sa akin para hindi na ko maglakad o sumakay ng jeep na mag-isa. Pagkarating sa bahay hinanap ko kaagad ang mga ito. "Ma, pa. Nandito na po ako," Naghahanda nang makakain si mama para sa hapunan. "Maupo kana riyan," utos ng mama nang makita ako. "Si papa?" "Nasa banyo. Maghugas ka muna ng kamay bago kumain." "Hindi na ko bata para ipaalala 'yan palagi ko naman ginagawa 'yon." "Mas mainam na 'yong may magulang kang nag-aalala sayo iyong iba nga---" "Walang nanay at tatay kaya dapat maging mabait ako sa magulang ko kasi napaka swerte ko dahil nandyan kayo." Dugtong ko sa sinabi nito. "Mabuti alam mo." "At kung hindi kapag nainis kayo sa akin ay ipapadala niyo ako sa bahay nila tita sa probinsya." Dugtong kong muli. "Kaya lang hindi ko naman gagawin 'yon kahit mahirap tayo kailangan mong makapagtapos nang pag-aaral diyan sa University Kingdom." Patuloy ng mama. Lumabas si Papa galing banyo. "Nagsesermonan na naman ba kayo ng anak mo?" Usisa ni Papa.. "Pinapaalala ko lang, mahal." "Alam nang anak mo 'yan. Malaki na nga siya, eh. Magtiwala ka lang dahil pasasaan ba at makakapagtapos siya sa pag-aaral at siya na tutulong sa atin." "Tama po kayo riyan papa." Nakangiti kong sabi. "Hasuuus, nagkampihan pa kayo ng anak mo. Ako lang talaga walang kakampi rito." Nagkukunwaring umiiyak. "Madali lang 'yan bigyan natin ng kapatid si Annie para may kakampi kana."  Iyong ngiti ni papa kay mama parang masyadong malisyoso. Naglandian pa sa harap ko. "Ehem, nandito pa po ako sa harap niyo ituloy niyo na lang 'yan mamayang pag-tulog."  Biro ko rito. "Hayaan mo anak dahil bukas na bukas may kapatid kana." Halakhak ng papa. "Kaagad?" "Oh tama na nga 'yan. Mahal, maupo kana rito sa tabi ko para makakain na tayo." Paanyaya ni ama kay papa. Naghugas muna ko ng kamay saka naupo na rin. Nanguna sa pagpapasalamat si Papa sa harap ng mga pagkain. "Annie, magbihis kana kaagad pagkatapos mo kumain baka ma-late ka." "Okay po." "Anak, kailangan na kasi natin mag bayad sa kuryente. Sa katapusan pa kasi ang pera ko baka puwede bumale ka muna sa boss mo." sabi ni Papa. "Wala pong problema pagpasok ko mamaya." "Ihahatid kita." "Huwag na naka-motor naman ako." Tulad nang sabi ko ay naka-motor akong pumasok sa aking part time Job. Umaga sa school at gabi naman sa 24 hours na mini mart. "Good evening Reign!" Bati sa akin ng kaibigan ko rito nagtratrabaho rin sa store. "Good evening, Shien. Kumusta ang benta natin ngayon?" "Okay lang naman pero may isang hindi okay." "Ano 'yon?" "Straight na naman ako." "Ha? Bakit?" "Alam mo na dahilan na naman ang bruhang Georgia na 'yon ayaw pa kasi paalisin ni Boss kung laging ganoon." "Si Boss pa rin magde-decide. Nasaan nga pala si Boss?" Itinuro ang office sa bandang likuran ng mini mart. "Kausapin mo nga sabihin mo paalisin na 'yong bruhang babae." "Ewan ko sayo, ang init ng dugo mo sa babae na 'yon." Inirapan ako,"Parang hindi ka rin naman naiinis." "Magbantay ka muna kausapin ko lang si Boss." Paalam ko rito bago pumasok sa opisina ni Boss. "Hi boss!" "Reign, pasok." "Kumusta po?" "Heto guwapo pa rin." taas-baba kilay nito. Matabang lalaki ito na medyo panot sa bandang ulo isama pa ang mahabang balbas na parang ewan. Pero kahit ganoon pa man ay mabait itong boss namin sa sobrang bait palagi ako nakakapag-advance. "Alam mo na boss?" Nakangisi kong tanong "Kilala na kita magkano ba?" "Three kyaw?" "Bukas ng umaga bago ka pumasok sa university ibibigay ko." "Yes, salamat boss hindi kami mapuputulan ng kuryente." Halos matawa ako sa hitsura ng boss ko kung makatawa kasi halos kita na ngala-ngala. "Thank you Sir." Paalam ni Shien sa kustomer ng lumabas ako galing opisina. "Dami talaga bumibili kapag gabi." "Ano sinabi mo ba kay Boss?" "Nakalimutan ko bukas na lang baka pauwi na rin si Boss, eh." Napasulyap kami sa lalaki na pumasok. Pamilyar 'yong mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan. Umikot-ikot ito sa store saka nagbayad sa amin ni Shien. Tulala lang akong nakatitig dito pero hindi ko pa rin malaman kung saan ko siya nakita. "Bakit ganyan ka makatitig sa lalaki kilala mo?  "Hindi ko matandaan, eh." "Baka naman classmate mo." "Baka nga." "Parang hindi ka sigurado?" "Hindi ko kasi ka-close mga classmates ko." "Hinding-hindi ka mananalo ng Miss Friendship." Pailing-iling ulo ko. Sino ba kasi gugustuhin manalo sa Miss Friendship kung lahat naman ng kaibigan mo plastic. Huwag na lang. Mabuti nang isa o dalawa kaibigan at least mga totoo sa ipinapakitang ugali. A Y IE S H IE N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD