"BYE Reign!"
Dalawang oras lang naitulog ko kaya para na naman akong zombie pagpasok sa school. Dala ko na rin ang pera na ibibigay kay mama. Okay na itong madalas mag-advance at least kahit paano may pagkukunan kami ng panggatos sa araw-araw.
Nilagyan ko nang kadena ang bike matapos iparada sa tabing puno. Pagkatapos sinimulan kong maglakad papasok sa gate.
"I'D mo?" hanap ng guard.
Iaabot ko na sana nang bigla itong pumasok sa guard house at hindi na lumabas pa. Nagtataka man ay pinili kong pumasok baka kapag hinintay ko siya ay paniguradong late na ako.
Inamoy-amoy ko ang sarili wala naman akong mabahong amoy pero kung makaiwas sa akin ang mga estudyante parang umiiwas sa amoy basura. Parang iba kutob ko dahil kung todo sila iwas. May iba nga makakasalubong ko pero biglang liliko na at nagmamadali. Wala akong ka-ide-ideya sa nangyayari. Ano ba? Mabaho na ba ako??
Nang makita ko si Nicole ay kaagad ko siyang nilapitan. Iyon nga lang itong kasama niyang lalaki kung todo hatak sa kanya palayo sa akin.
"Good morning, Nicole." kahit nagtataka ay nakuha kong batiin.
"Morning," hindi mapakali itong lingon nang lingon sa paligid.
"Sino ba hinahanap mo?"
"Reign sorry ha pero may klase pa kasi ako." Hindi man lang niya hinintay na magsalita ako at siya na mismo humatak sa kasama nitong lalaki palayo sa puwesto ko.
Ano naman kaya problema ng isang iyon? Mamaya ko siya kukutusan kapag nagkita kami.
Binuksan ko ang locker saka inilagay ang ibang gamit ko sa loob.
"May blue stub na nga siya. Hindi ko akalain na bibigyan pa ulit siya ng Lucifer." Sino naman kaya pinag-uusapan ng mga estudyante na ito?
Pagsara ko sa locker ay halos lumaki mata ko dahil nawala kaagad ang mga estudyante sa paligid. Kung iisipin parang ako lang pumasok at nag-iisa.
Sino kaya binigyan nila ng blue stub? Napakasama talaga ng lucifer kingdom na 'yon.
Pagdaan ko sa malaking bulletin board ay may mga nagkukumpulang estudyante na tila may binabasa. Lalapit sana ako para makibasa pero iniwasan ako ng isang babae pagkatapos lahat ng mga ito ay tumingin sa akin. Binigyan nila ako ng way na parang takot na takot at iyong iba ay naka-ismid ang mukha.
Lumapit ako sa board saka binasa ang nakadikit doon. Halos pagpanawan ako ng ulirat sa mga nabasa. May blue stub ako. Kaya pala, kaya pala kung todo nila akong iwasan dahil may blue stub na binigay sa akin ang buong lucifer.
Sa takot na baka makarinig ng kung ano ay nagmamadali akong pumasok sa unang klase. Halos kauupo ko pa lang sa upuan ng tingnan ako ng mga classmates ko. Alanganin ngang umupo itong katabi ko kung hindi lang ako sumenyas na maupo.
"Reign Annie." Tawag ng Prof namin.
"Po?"
Sumenyas na tumayo ako.
"Nabigyan kana pala ng L-kingdom ng blue stub ano bang balak mo?"
Nagtataka ko siyang tiningnan. Nagmamadali itong nagsara ng pintuan ng room namin. Takot na takot.
"Mag-drop kana Reign hanggat hindi ka pa binibigyan ng black stub.
"Bakit ko naman ho gagawin iyon?
"Hindi mo ba alam?"
"Alam ko ho pero bakit ako mag dra-drop? Nandito ako para mag-aral para maka-graduate kaya bakit naman ako magkukusang mag-drop sa KU?"
Namilog ang mata nito na parang natatakot tumingin sa labas ng bintana.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo kapag nakakuha ka ng black stub hahabulin ka ng mga tao rito at hindi lang 'yon walang awa ka nilang pagtutulungan para bugbugin." Takot na takot nitong paliwanag.
Dinig kong nagbulungan mga tao sa paligid namin.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo Reign Annie!" bulyaw niya ng hustong humarap sa akin.
"Hindi ko na binabawi ang salitang nasabi ko na lalo at hindi ako mag-dra-drop kahit makatanggap ako ng black stub mula sa mga Lucifer Kingdom na 'yon!"
Sa galit ko ay nakuha kong mag-walk out. Mga mahihina. Hindi man lang nila naisip na mas mataas ang ranggo nila kumpara sa mga gangster na 'yon. Oo, anak sila ng may-ari ng university na ito pero karapatan ng mga prof na respetuhin sila.
Tanging dito lang din ako nakakita ng gurong handa itaboy ang kanyang estudyante baka maunawaan ko pa kung concern siya pero iyong sundin ang maling patakaran ng unibersidad na ito? Wala na talaga akong masasabi.
Malalaking hakbang ang ginawa ko habang naglalakad ng corridor. Isang malakas na presensya naramdaman papalapit sa akin.
Sa kaba ko nakuha kong yumuko habang naglalakad doon ko naramdaman may na bunggo na pala akong tao pero hindi lang basta isang tao kung hindi walong lalaki ang nakaharang sa daraanan ko.
"Hoy babae hindi ka ba hihingi ng sorry sa Young master?!" maangas na sabi ng Axel.
Tiningnan ko ito ng masama.
"Aba, mukhang lalaban ang isang 'to, ah?" Natatawang sabi ni Calvin.
"Ano ba kasalanan ko sa inyo?"
Umismid lamang si Cedric na ngayon ay nakapasok ang kamay sa bulsa.
"Sino ba nagsabi sayo na pumasok ka sa Library kahapon?" Mayabang na tanong ng Frankie.
"Alam mo ba kung bakit ka na bigyan ng blue stub?" Mahinang tanong ni Joseph.
"Kaya nakapagtataka wala akong ginawa sa inyo tapos nagkaroon ako ng walang kuwentang blue stub!"
"Wala kang ginawang masama?" sabay hatak ni Cedric itong I'd ko. "Reign Annie Tanhueco."
"Wala kang karapatan tingnan itong I'd ko. Umalis nga kayo sa daraanan ko." hindi ko dapat ipakitang kinakabahan ako. Ayoko ipakitang kaya nilang sindakin ang isang Reign Annie.
"Kapangahasan pumasok ka sa library na nandoon kami hindi mo ba alam kasama iyon sa policy ng school?" Nanggigil na siya.
"Hindi naman talaga ako papasok may tumulak lang sa akin na guro!"
Patay! Alam ko nga pala na nandoon sila. Itinulak lang talaga ako ng guro kaya nakapasok ako sa loob.
"Ipatawag niyo kung sinong guro sinasabi nito." Maotoridad na utos ni Cedric.
Mayroon tinawagan sa cellphone si Erdem at maya-maya lang may isang gurong papalapit sa amin at ito iyong walang kuwentang guro na handang sabahin ang sarili kahit may estudyante mapapahamak.
"Mrs. Loizaga totoo nga ba sinasabi ng babaeng ito na pinapasok mo raw siya kahapon sa library kahit alam mo nasa loob kami?!"
"Hindi po Young Master Cedric sinabi ko sa kanga nandoon kayo sa loob pero nagpumilit pa rin siyang pumasok sa katunayan pa nga itinulak niya ako."
Tangna, sinungaling na guro dapat ba tuluran ang isang ito?
"Mawalang galang na ho pero bakit kailangan mo magsinungaling sa harap nila. Ikaw mismo nagpapasok sa akin at itinulak mo ako sa loob."
Ramdam ko ang takot ng guro. Medyo naawa ako sa sinabi ko pero kailangan kong ipagtanggol ang sarili. Kahit pa sabihin siya mapaparusahan kapag lumabas ang katotohanan.
"Madadamay ka rito kapag pinagtakpan mo ang isang 'yan." banta ni Cedric sa guro.
"Sinabi ko na ang parte ko siya mismo nagpumilit at dapat labas na ako sa isyung ito."
"Napaka sinungaling mo. Guro pa man din pero napaka sinungaling mo! Bakit ba takot na takot kayo magsabi ng totoo ha? Bakit ba natatakot kayo sa mga ito!"
Nabigla ako dahil hinatak ni Cedric braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak halos mapahiyaw ako sa sakit.
"Tumigil kana gusto mo yata mabigyan ng black stub sa ginagawa mong paninigaw sa isang guro!"
"Kayo ba alam niyo mga ginagawa niyo ha?! Masasama ang ugali walang sinisino kahit mas mataas pa sa inyo. Aaaaaaraaaayyy!" Lalong hinigpitan ang pagkakahawak.
"Ang lakas nang loob mo."
"Cedric." awat ni Joseph ngunit pinigilan siya ni Erdem.
"Kahit babae ka kayang-kaya kitang patayin."
Kumalabog ang puso ko ng husto sa binanta niya sakin. Hinawakan ni Zayn ang balikat ni Cedric at may binulong pagkatapos lahat sila ay tumingin sa babaeng padaan. Marahang binitiwan ni Cedric ang braso ko at napahamak ako rito. Walang-hiya talaga ang isang ito walang ginagalang kahit babae pa.
Napansin ko ang ganda ng babae ng huminto ito sa tapat namin. Para siyang anghel na nasisinagan ng araw. Halos katangkaran ko lang ito.
"May bago na naman kayong biktima?" Bakit ganoon kahit boses niya mala-anghel sa ganda.
May sumenyas sa guro ang magandang babae para umalis.
"Cedric, can we talk?"
Sinulyapan ko ang mayabang na Cedric na parang naiinis pa sa pakiusap nito.
"Busy ako Roselle." Aba, ikaw na nga gusto makausap ng magandang babaeng ito tapos maarte ka pa.
Ganoon ba talaga kapag sobrang guwapo sanay na sa magagandang babae kaya ganoon na lang kung tanggihan. Ay, hindi ko ito dapat sabihin ng sobrang guwapo dahil ubod ito ng yabang.
"Are you sure? Okay, let's talk later." Tumingin sa akin. "Miss, isumbong mo sa akin kapag sinaktan ka ng mga 'yan."
Naka-awra at taas noo umalis ang magandang babae na parang sanay na sanay sa kasungitan ni Cedric. Samantala tahimik nag-alisan ang lucifer kingdom sa kabilang banda rin ay pasimpleng ngumiti sa akin si Joseph.
Sa sobrang suspense nakuha kong maghabol ng hininga papalapit sa plant box ng building. Mga mga babae akong nakita nakatayo sa ilalim ng puno. Kapwa magaganda ito at walang maitulak kabigin sa gaganda ng kutis. Sa tagal ko nang nag-aral dito bakit ngayon ko lang napapansin ang mga taong nakakasalamuha ko araw-araw.
"Oh, si ate ganda iyon ah?" sabi ko sa sarili ng makita ko si Roselle.
"Hi." Sadyang ikinagulat ko ang pagdating ni Joseph hindi ko lang pinansin kasi snob ako sa personal lalo kung gangster.
"Alam mo ikaw pa lang naglakas-loob patulan si Young master."
Tiningnan ko, "Bastos siyang tao, Ahh--- hindi kayong lahat. Mga walang pakundangan at waalang pakialam kung makakasakit kayo ng ibang tao."
Sumandal ito sa pader matapos humalakhak na nakakabuwisit. Sa ganitong ayos lalo kong na pagmasdan ang kanyang mga mata, ilong at labing mamula-mula.
"Kakaiba ka talaga gusto kita maging kaibigan." Sabay abot sa akin ng isang kape at dahil maarte ako hindi ko kinuha lalo pa tuloy siyang tumawa pero mahina lang.
"Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga masasamang tao lalo sa mga gangster."
"Grabe ka pero sige matatanggap ko lahat ng mga sinabi mo dahil totoo naman."
Humarap muli ito at saglit itinuro ang mga kababaihan sa ibaba.
"Mga Gangster din 'yan."
Gangster ? Sila? Mukha naman mga matitino.
"Pamilyar sayo 'yong magandang babae kanina?" Itinuro 'yong babae na maganda.
"Isa 'yan sa mga leader pero syempre ang pinaka leader sa kanila si Marnelie." Sabay turo sa babaeng parang tomboy kung kumilos.
"Hindi halatang gangster sila."
"Hindi naman lahat ng gangster masama ang ginagawa."
"Alam ko dahil hindi lahat katulad niyo."
Humalakhak na naman, "Alam mo iba ka talaga. Makaalis na nga baka makita ako ng mga kasama ko baka malagot pa ako."
Iniwan niya ang kape. Nahihiya man ay ininom ko ito upang mabawasan ang stress ngayong umaga.
Naisip ko lang, paano kaya kung mabigyan ako ng black stub? Ano kaya mangyayari? Ito na kaya ang simula nang magulo kong buhay?
A Y IE S H IE N