Chapter 5

1516 Words
PINAG-IISIPAN ko pa kung papasok ako ngayong araw at para mawala ang inis ay nagpunta ako sa dating tambayan kung saan tahimik at walang istorbo. Takbuhan ko ito sa tuwing malungkot, kinakabahan, o maging masaya man. Siguro ganito rin nararamdaman ng iba, may comfort zone sila para re-release ang good at bad vibes. Itong tuktok ng building palagi kong inihahambing sa pakpak ng ibon. At kung bakit ganito ay dahil kapag nandito ako tinatanaw ang buong kapaligiran at tao ay pakiramdam ko malaya ako. Malayang magawa lahat, malayang maisigaw kung ano totoo kong nararamdaman. "Mama, papa, sorry." "Sino nagsabi sayo na umakyat ka rito?" Pamilyar ang kanyang boses at kung bakit nakuha ko itong titigan nang maupo sa pinaka sandalan ng halaman ay hindi ko alam. Masyado yata siyang cute sa pagbubuntong-hininga. "Pati ba naman dito ay may lucifer kingdom." "Anong sabi mo?" Alam ko naman narinig mo 'yon Cedric. Arte mo! "Wala. Huwag mo nga akong kausapin." "Sino ba matino na gusto kang kausapin?" "So hindi ka matino?" Makikipagtalo sana nang may dumating at si Roselle iyon ang anghel sa lupa. "Oh may tao pala rito." Siwalat ni Roselle. "Baba na ako." mahina kong sabi sa dalawa. Pero dahil may pagka-chismosa ang bida ay makikinig ako sa usapan. "Nakausap ni Marnelie sina Rica at Brix nasabi ba sayo?" Si Roselle. "Ang tagal na rin buhat ng makapag-usap sila and sa palagay mo anong dahilan" "I think almost six months." "Yeah, iyon nga lang sino sa inyong Viper berus ang pinatungan ng kamay?" "Wala pa siyang sinasabi," "Tiyak na ikaw iyon," aba, marunong din pala tumawa ang Cedric na ito, ah. "Hindi natin alam si Marnelie pa rin ang masusunod," "Kung sakali anong gagawin mo na bagong rules? Huwag mo sabihin maaari na kayong pumatay ng tao sa tuwing may riot?" "Bakit hindi kung mayroon tahasang nakikinig sa usapan natin." Hinatak niya ako sa braso upang lalong makita. Magandang babae si Roselle pero hindi ko naisip na maaari pa rin magalit ang isang tao kahit gaano pa ito kaganda sa paningin mo. "That girl. Ang lakas talaga nang loob mo makinig sa usapan namin." "Wala akong narinig," tatakas na sana nang hilahin ni Roselle ang damit ko sa likod. "Bitiwan mo ako!" "Wala ka nga ba narinig?" Paniniguro ni Roselle "Wala nga," "Eh halatang nagsisinungaling ang isang ito, ano sapakin ko na ba?!" Pasuntok na sana nang awatin ni Roselle. "Kung wala kang narinig makipagkita ka sa akin mamayang gabi sa plaza. Siguraduhin mo ikaw lang nag-iisa at kung sakaling hindi ka sumipot asahan mong hinding-hindi kana makapapasok dito sa paaralan." Sa dami nang paalala sa akin ay tanging lunok lang naisagot ko. Nakatatakot siya. Parang may isang salita. At parang katapusan mo na yata ito sa mundo. Paano na, paano na kung lalong na dagdagan ang kaaway kong gangster. Ano nga kaya balak niya sa akin? Ipapabugbog kaya niya ako sa miyembro ng Viper Berus? No way, hindi maaari sapagkat hindi ko na kakayanin ang masaktan. Mahina pa naman ang pangangatawan ko. "Anak? Bakit ang aga mo?" Takang tanong ni Mama sa akin ng maaga akong umuwi. "M-masama po ang pakiramdam ko." "Kumain kana ba at uminom ng gamot? Ano masakit sayo para madala ka na namin sa hospital." "Hindi pa ako mamamatay para maghurementado ka, mama." "Huwag kana muna pumasok sa trabaho mo magpahinga ka muna," I nodded, "Oo nga pala heto na 'yong pambayad sa kuryente," abot ko rito. "Salamat anak." "Papasok po ako mamaya sa trabaho hindi po puwedeng umabsent baka madaan naman ito sa pagpaapahinga." Pumasok na ko sa kwarto at nahiga. Naririnig ko pa nagsasalita si Mama pero ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Mahaba rin ang na itulog ko dahil alas-singko na ako nakabangon upang ihanda ang sarili sa pagpasok. Naalala ko na naman ang sinabi ni Roselle. Hindi na lang kaya ako magpunta? Kaya lang baka totohanin niya ang sinabi nito. Alas-sais pa naman ang pasok ko makakapaghanda pa ako ng sarili. "Annie, tawagan natin ang papa mo bago ka umalis ha?" "Ma? Wala naman akong cellphone." Reklamo ko. "Oo nga pala hindi bale baka naman uuwi rin siya kinabukasan," "Wag kana po mag-alala kayang-kaya ni papa ang trabaho na 'yon." "Tama ka naman diyan." Gaya nang dati ay nag-motor akong pumasok. Wala ngayon si  Shien dahil day-off nito at ang kasama ko ay ang bagong pasok lang na lalaki. Bandang alas-otso ng gabi may mga pumasok sa store namin. Sa palagay ko ay mga nasa anim sila. Ang gugulo kung saan-saan nila inilalagay ang mga paninda namin. "Miss! Magkano 'to?" Usisa ng lalaki. "Twenty five." Sagot ko. "Eh ito ba miss?" Usisa naman ng isa. Inirapan ko bago sagutin. "Kinse." "Eh ito ba? saka ito? ito rin ohh? Magkano ba mga ito?" Kinuha lahat ng lalaki ang mga paninda namin. "Kuya bibili ba talaga kayo nakita niyo naman na may price na riyan 'di ba?" Dahan-dahan lumapit sa akin ang lalaki na maraming dalang pagkain. "Costumer's always right." Sabi pa. "Talaga? Pero ngayon hindi muna uso 'yon umalis na kayo rito kung hindi niyo bibilin 'yan!" "Bastos ka rin ah? Ganyan ka ba makipag-usap sa mga costumers niyo? Nasaan ba ang may-ari ng store na 'to?" "Wala rito kaya kung puwede bayaran niyo na 'yan nang makaalis na kayo." Inihagis ang mga cheese curls sa harap ko. "Bilisan mo baka mainis mo ako at hindi ko 'yan bayaran." Inirapan ko na naman ito saka padabog kong kinuha ang mga bibilin nila. "Hindi ka bagay magtinda rito bastos ka kasi," ang daming sinasabi. Inihinto ko ang paglagay sa plastic bag dahil medyo nang-aasar. "Lumayas kayo rito hindi namin kailangan nang gaya niyong walang mga modo!" "Aba't talaga..." Sasapakin sana ako nito ng may kamay na pumigil sa kanya. Si Cedric, nandito ngayon si Cedric? Oh my goodness. "Ilang babae na ba ang nasaktan ng mga kamay mo?" Seryosong tanong niya sa lalaki. "Anong sabi mo?" Iritang tanong nito. Binitawan ni Cedric ang kamay saka ipinakita ang palad nito. "Sa akin kasi hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba nagamit ito sa pananakit." Matalim na titig ang iginawad niya sa mga lalaki. "Baka maulit na naman at may mabasag akong mukha." Patuloy nito. Sumuntok sa cashier table bago mga nagsitakbuhan ang mga lalaking kanina ay parang mga siga. Pagkalayas ng mga siga ay tumingin sa akin si Cedric inihagis nito ang hawak na tissue paper. "Punasan mo mga dugo sa kamao ko." Kung makautos akala mo kung sino. "Bakit?" "Anong bakit kasalanan mo kung bakit nag-dugo ito!" "Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako?" Kaya ko naman labanan ang mga iyon dumating pa siya. "Imbis na magpasalamat dahil tinulungan kita ikaw pa yata parang galit." Nagsamaan kami nang tingin. Binuksan ko ang tissue pagkatapos ay binalutan ng tissue ang kamao. "Hindi ka talaga natatakot ano?" "Tapos na." Itinulak ko ang kamay. "Kanina ka pa hinihintay ng Viper Berus gusto mo yatang dito sila gumawa nang gulo?" "Nasa trabaho ako hindi ba?" "Sino ba may pake? Bibigyan kita ng limang segundo para kumilos kung hindi malalagot ka." Tinirikan ko nang tingin bago tingnan ng diretso. "IsaAa ,DalawaaAa ,TatlooOO, Apatttt.." "Ohh ayan na nga oh!" Hinubad ko ang apron sabay abot sa kasama ko. "Bayaran niyo ang isang gabi ko dahil sa pang-iistorbo niyo!" Bulyaw ko nang makalabas kami sa store. Humarap sa akin matapos nitong huminto sa paglalakad. "Bayad na ako dahil ipinagtanggol kita 'di ba?" Sabay talikod. "Hoy! Wala naman akong sinabi na ipagtanggol mo ako ah!" "Sabi ko naman kasi sayo na wala akong pakialam nautusan lang ako ni Roselle para dalhin ka sa plaza." "Wapake! Kaya kong magpunta mag-isa roon." Sumakay na ko sa motor at mabilis pinaandar palayo sa lalaki na 'yon. Pagdating ko sa plaza ay nandoon si Roselle ngunit may mga kasama pa na ibang babae. "Dumating ka rin." Mukhang kanina pa yata siya naghihintay. Lahat ay nakatingin na sa kin na parang binabalak na ako ay saktan sa bawat titig lamang. "Ano ba sasabihin mo?" "Bago 'yon gusto lang kita ipakilala sa leader namin at miyembro." Umpisa nito "Kilala mo na ba ang grupo namin?" "Narinig ko lang." mahinang tugon ko. "Viper Berus isang samahan ng mga kababaihan mga gangster din kami pero hindi katulad ng mga L-kingdom na marunong pumatay kung sila puro kaguluhan ang hanap kami naman kapayapaan. Sa kabila nang lahat ay mayroon hangganan din minsan ang pagiging mabait namin lalaban kami sa abot  ng aming makakaya." Mahabang paliwanag ni Roselle. "Ako si Marnelie Agub ang lider ng Viper Berus nabalitaan kong ikaw ang bagong warning ng L-kingdom tama ba?" "Oo." "Hindi ka ba natatakot sa kanila?" "Hindi," Tawanan ang lahat. "Hindi ka ba nababahala na baka bukas marami nang humahabol sayo?" Usisa ng maikling buhok. "Ah by the way I'm Thania Parado pinaka bata sa kanila." "Like duh? Magka-age lang tayo Thania!" Angal ng babae na may chewing gum. "I'm Leah Tugom." "Hi! Ako nga pala si Christine Republica! Ikaw na ba ang bago naming miyembro?" Nakahawak sa kamay ko. "Hindi." Mabilis sumimangot ng sagutin ko nakuha tuloy lumayo at bumalik sa pagkakaupo. "Ano kasalanan ko sa inyo bakit pinapunta niyo ako rito? "Kung sa Lucifer mayroon pero sa amin Viper ay wala. Nabanggit kasi ni Roselle na nakikinig ka raw sa usapan nila Cedric. Ako nga pala si Christina Go, just call me Thina." Bukod tanging siya lang may itim na lipstick. "At ako si Desirie Dela Cruz." pinaka simple siya kung pumorma. "Ngayong kilala ko na kayo ano ba kailangan niyo sa akin??" Malalapad na ngiti ang sinagot nila bago magtinginan sa isa't-isa. Hindi ako mapakali sa mga susunod pa nilang sasabihin. Sana lang ay huwag nila maisip na utusan ako at gawing alalay sa university. A Y IE S H IE N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD