Chapter 6

1393 Words
TULALA  kong pinagmamasdan ang kisame sa aking kuwarto. Lumipas man ang isang ngunit nakatatak pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ng Viper Berus. "Kailangan namin ng cooperation mo mawawala nang ilang buwan si Marnelie at kailangan namin ng bagong miyembro sa grupo." Paliwanag ni Roselle. "May benefits kang makukuha kung papayag ka," Dagdag ng kanilang pinunong si Marnelie. "First, sisikat ka sa university lahat ng tao bibigyan ka ng atensyon at lahat ng iuutos mo susundin nila." tila pangungumbinsi ni Thina. "'Yang pagiging scholar mo puwede mag-upgrade kung dati sa tuition ka lang libre pero kapag naging Viper kana lahat libre na sayo and every month may matatanggap kang fifty thousand pesos." Paliwanag pa ni Desirie. "Pumayag kana hindi maaaring mangyari na hindi kami kompleto. Kung sana kahit papaano ay dapat may tatayong group leader." Siwalat ni Thania. "What? Group leader? Eh teka ang inaasahan kong kukunin mong pansamantalang leader ay isa sa amin?" Gulat na gulat na sabi ni Leah kay Marnelie. "Mga kilala ko na kayo." Naka-ngiting sabi ni Marnelie. "Hindi ba maganda nga 'yon mas kilala mo kami kaysa sa kanya. Natural na alam mo na kung paano kami mag-handle nang ganitong samahan." Depensa ni Thine. "Okay pag-iisipan ko pero sa ngayon ang kailangan ko lang 'yong cooperate ni Miss Reign." Wala akong maisagot. Ako ay magiging miyembro ng Viper Berus at the same time magiging pinuno? Isang tulad ko lang na simple ang buhay na kontento kahit hind marami ang kaibigan. Ako pa talaga ang napili nilang operan nang bagay na hindi ko kayang tapatan? Hindi ko kaya maging isang Gangster ayoko maging marungis ang pagkatao ko para lang pagbigyan ang gusto nila mangyari. Ayoko maging gangster dahil mahirap. Ayoko maging gangster dahil maraming bawal. Ayoko maging gangster dahil hindi ako magiging malaya. At ayoko maging gangster dahil hindi ako magiging masaya sa buhay. Marami ang maaaring magbago sa buhay ko kapag pinasok ko ang ganitong buhay. Ang dating tahimik bigla 'yang gugulo kaya hanggat maaari ayoko maging gangster. Ayoko talaga. Huwag na lang din nila kong pilitin dahil hindi mangyayari 'yon. Tumigil ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Mama taranta itong pumasok sa kuwarto ko at ka gagaling lang sa pag-iyak. "Ma? Bakit?" "Ang papa mo Annie! Ang papa mo!" "Bakit anong nangyari kay papa?" Bumalikwas ako upang lapitan si Mama. SA HOSPITAL, ayon sa doctor ay na stroke si papa marahil ay dahil sa pagod tapos isabay pa ang init ng panahon. Awang-awa naman ako kay mama dahil wala itong tigil kaiiyak simula nang mapunta kami rito sa hospital. Hindi makausap nang maayos si papa dahil nga stroke ang kalahating katawan. Nakakaawa siya, at alam kong nahihirapan din siyang makita na ganito kami nag-aalala. Close na close kami ni papa kaya naman ganoon na lang kasakit para sa akin na hindi ko marinig ang kanyang boses lalo na ang pagtawa. "Pa, magpagaling ka kaagad ha? Nandito kami ni Mama aalagaan ka namin hanggang sa gumaling ka, mahal na mahal kita papa." Bulong ko habang nakatingin lang sakin. Mahirap pala makita na ganito ang magulang mo at akala ko ganoon lang kadali tanggapin kapag iba ang nakikita mo sa sitwasyon pero kapag pala ikaw na ang nakaranas nito sobra-sobra ang sakit. Iyong hindi mo inaasahan na sakit mas doble pa pala sa hindi mo inaasahan. Pumasok na ko sa University kahit hindi ko man gusto ngunit kailangan. Magtatampo ang papa kapag pinabayaan ko ang pag-aaral dahil lang dito. Baka isipin din niyon ay magiging pabigat siya kung maraming sitwasyon sa buhay namin ang mababago. Sa pagpasok ko pa lamang ng gate ay parang may kakaiba hindi na nila ako gaano iniiwasan at sadyang ikinapagtataka ko ito. Naalala ko ang huling sagutan namin ng Cedric sa hallway at kabata ako sa posibleng mangyari. Napaka-tahimik nang lugar sadyang nakakapanibago. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Sa pagbukas ko ng locker may sumaboy sa aking mukha ng likido na kulay berde. Malagkit ito at hindi rin maganda ang amoy. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa na kaagad ipinunas sa mukha. Siguro ang L-kingdom na naman may kagagawan nito nakuha ko tuloy i-kuyom ang kamao sa galit. Sa loob ng locker may nakita akong stub. "B-black Stub." Usal ko. Isinara ko kaagad ang locker nang may sumigaw mula sa aking gilid. "Hayon siya!" Turo ng isang lalaki na may kasama iba pang lalaki. Nagmamadali itong tumakbo na tila nais akong saktan. Umatras ako. "Tatakasan niya tayo!" Singhal pa ng ilan. Tumakbo ako nang mabilis hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ngunit kailangan kong matakasan sila. Nakatago ako sa isang madilim na sulok, pigil ang hininga at talagang tanging kalabog ng puso ang naririnig ko. Inuusal kong sana ay walang makakita. Nang tingin ko wala ng tao ay sumilip ako ngunit hindi ako naging handa dahil may nakatingin pala sa kinatataguan ko. "Ayon siya! Nakita ko na!" Sigaw ng nakakita. Tumakbo na naman ako. Tumakbo nang tumakbo ng may humaltak sa akin papasok sa imbakan ng mga panlinis ng school madilim dito at bahagya ring may kasikipan. Didistansiya sana ako sa kanya ngunit niyakap ako dinig ng aking tenga ang pagtibok ng kanyang puso. Wala akong kamalay-malay na isa pala siyang L-kingdom. Paglabas lang namin sa madilim na lugar nalaman kong si Joseph ang nagligtas sa akin. "Salamat." bakit kaya niligtas niya ako? "Pumasok kana sa klase nyo baka nasa malayo na mga iyon." "Salamat ulit." Ngumiti ito at tuluyang tumalikod na ko. Parang ninja ako nito kung maglakad. Ingat na ingat sa makakasalubong  kong tao. Matiwasay kong napasukan ang klase namin. Wala pa rin silang kibo at maski ang prof namin ay hindi ako pinapansin. Siguro ay alam na nilang may Black Stub na ko at ano man sandali ay may mangbubugbog sa akin. Bumukas ang pintuan ng room namin. May mga kalalakihan na nasa sampu kilala ko ang ilan doon ang mga humabol sa akin kanina. Pagkatapos akong ituro ng isang lalaki ay sapilitan akong hinatak ng dalawang lalaki. "Bitawan niyo ko! Sir tulungan niyo ko!" Hingi kong pakiusap sa aming guro ngunit takot itong tumingin sa mga tao. "Kukunin lang namin ang isang 'to para magtanda." Bossy voice ng lalaking may hawak sa akin. "O-oo…" walang kuwentang guro! "Ano klaseng guro ka bakit pumapayag kang may masasaktan na estudyante mo!" hysterical kong sumbat. Ramdam ko ang paghapdi ng sikmura ko dahil sa isang suntok. Nang hina ang buo kong katawan sa nangyari. Hanggang sa nawalan ako ng malay. SA OVAL nila ako pinagtulungang bugbugin. Halos wala na akong lakas para makaganti kahit man lang isang beses. Parang eksena sa action movie tapos pinapanuod lang ng ibang tao kung paano pahirapan ang bidang babae. Sa bawat tadyak, suntok na nakukuha ko mula sa kanila ay halos hindi ko na maramdaman sa kamanhiran ng katawan ko. Mga hayop sila. Nagpumilit akong bumangon ngunit mahinang-mahina ang tuhod ko para makatayo pa ng tuwid. "Mga wala kayong puso!" Naisigaw ko pa. Humalakhak lang ang sinagot. "Pareho lang kayo ng L-kingdom! Lalo na ng Cedric na 'yon!" Gigil kong hiyaw. "Talaga?" Tila natakasan ako ng tapang nang marinig ko ang boses ni Cedric. Sa sobrang ba naman ng sigaw ko marahil dinig nga niya. Lumuhod ang isang tuhod nito ng upang magpantay kami. "Hindi ka marunong matakot binalaan kana pala ng kaibigan mo hindi kapa nakinig. Ano ba akala mo? Malakas ka? At ikaw lang ang makakatalo sa akin?" "Wala kang puso. Asal hayop ka. Halimaw!" Matapos kong isumbat sa kanya yon ay isang sampal ang dumapo sa aking pisngi. Sinampal niya ko ng ganoon kadali. Lalong na dagdagan ng dumugo ang labi ko. "Wala ka rin talagang respeto ano? Nakukuha mo kong sigawan nang ganyan. Hindi mo ba kilala kung sino ba talaga ang nasa harapan mo?" Nandidilat niyang satsat. Ngumisi ko, "Isang hambog at ugaling hayop lang naman ang nasa harapan ko." "Aba't talagang----"  sasapakin sana niya ko nang sumigaw si Peps? "Tama na 'yan Cedric sobra kana hindi ka pa ba masaya na halos may dugo at sugat na siya?" Dahan-dahan itong lumapit sa akin. "Pasensiya kana." Bulong nito at mabilis niya kong binuhat na parang bagong kasal. "Ano pang hinihintay niyo?" Lumayas ang mga lalaking bumugbog sa akin. "Dadalhin ko siya sa Clinic." Paalam niya kay Cedric. "Bakit mo naman gagawin 'yon? Ano ba ang rules natin bawal makialam sa batas ko." "Alam ko ihanda mo sa akin ang kaparusahan pagkatapos ko siyang ihatid sa clinic." Matapang na wika ni Peps. Seryoso lamang si Cedric na nakatingin sa amin. "Ihahatid na kita." Naglakad na nga si Peps. Hindi ko naiwasan na tingnan siya sa mukha. Guwapo rin pala ang isang ito kahit may pilat sa mukha ay halatang magandang lalaki. A Y IE S H IE N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD