MARAHAN kong ibinangon ang katawan sa higaan ng clinic. Nandito pa rin si Peps hinintay talaga niyang matapos akong gamutin ng nurse na naka-duty ngayon.
Bahagyang nakayuko ang aking ulo habang siya naman ay nakatitig sa aking mukha. Dahan-dahan nitong ibinaba ang paningin sa aking blouse doon ko lang din na pansin na nawalan nang dalawang butones ang suot kong uniporme. Hinatak ko ang kumot na nasa tabi at itinakip sa dibdib.
May kaonting hiya siyang naramdaman dahil namula ang mukha nito.
"Okay kana ba?" Dinig kong tanong sa akin.
"Oo, salamat."
"Huwag mo isipin na kaya kita dinala rito ay dahil kinakampihan kita mali lang talaga ang ginawa niya kaya ko ginawa 'yon."
"Salamat pa rin." Diretso ko na itong tinitigan.
"Next time hindi na kita ililigtas huwag mo rin iisipin na ako ang knight in shining armor mo ha? Baka pati ikaw nag-asam na maging boyfriend ako."
Kusang umawang ang bibig ko sa kayabangan niya. Ganito pala si Peps kung titingnan ang seryoso niyang tao pero may pagkahambog din pala.
"I never in love with someone."
"Someone what?"
"Mapresko." Lakas loob kong sagot.
"Gusto mo ba madagdagan 'yang mga pasa mo sa mukha?" Banta sa akin.
"I mean, hindi ko naman sinabi na ikaw 'yon." Ngisi ko.
"Hindi ako naniniwala sayo maraming nakapagsabi na mapresko ako."
"Iyon naman pala eh bakit 'di mo na lang tanggapin?" Bulong ko.
"Narinig kita!" Sabay turo akin.
Nakipag-peace sign ako pero sinamaan lang ako ng tingin.
"Pasensiya na rin pala kung mapaparusahan ka nang dahil sa akin."
Tumayo na ito.
"Hindi mo kailangan humingi ng pasensiya ang totoo sanay na katawan namin sa mga parusang pinapataw sa amin. Oo nga pala, magpakalakas ka kaagad may mga pagdaraanan ka panghirap bago maka-uwi sa bahay niyo."
Walang paalam itong lumabas sa clinic.
May pagdaraanan pa kong hirap ? Really? Ibig sabihin ba nito may naka-abang panganib na naman sa akin?
Pinayagan ako ng nurse na lumabas. Nag tungo ako sa oras nang klase namin pero bgong prof naman ito kaya ng makitang may mga sugat at pasa ako ay hindi na rin siya nagtaka. Kapag pala may mga stub na binigay ang L-kingdom lahat makakaalam. Kakaiba rin kung makibalita ang lahat daig pa mga reporters kung gumalaw. Paano ba ko makakatakas ngayon? Paano ko ba matatakasan ang mga alagad ng L-kingdom? Kailangan kong makaalis at makatakas sa parusa nila.
"Miss Reign! Nakikinig ka ba?" Usisa ng Professor namin.
Tumayo kaagad ako.
"Pasensiya na sir."
"Alam ko ang pinagdaraanan mo ngayon Reign pero sana naman ay makinig ka baka iyan pa ang maging dahilan ng pagbagsak mo sa mga grades."
"Hindi na po mauulit." Sabi ko at naupo na muli.
"Hayaan mo ipagtatanggol kita sa mga lokong L-kingdom na 'yon." Bulong sa akin ng classmate kong lalaki na patpatin.
"Ano naman ang laban mo sa mga 'yon?" Taas-baba ko siyang tiningnan.
"Eh di sige ttulungan na lang kitang ilayo sa mga 'yon maraming paraan para makatakas o takasan sila."
Tumahimik na lang ako dahil hindi naman kapanipaniwala ang mga sinasabi nito. Hindi ko nga alam ang pangalan niya kaya bakit ko siya pagkakatiwalaan?
Malay ko ba kung isa rin siya sa mga magpapahirap sa akin.
BREAK TIME na at kailangan kong kumain ngunit dahil maraming tao sa canteen ay minabuti kong kumain sa ilalim ng punong mangga. Mahangin at mapresko ang lugar na ito. Mabuti nga at walang ganoong estudyante na tumatambay at least natatahimik yata ang mundo ko kapag nandito ako. Kahit na kailan talaga napakasarap magluto ni mama ng adobong isaw kaya nga mas type ko pa rin na magbaon ng kanin kaysa bumili sa canteen less gastos pa.
Sana naman hetong huling subject namin ay wala nang mangbugbog sa akin. Masakit pala mabugbog. Nararamdaman ko pa rin ang pamamaga ng mga kalamnan ko buhat ng pagsisipain at suntok sa katawan. Parang lumaban ako nito sa boxing na wala man lang laban. Dapat pala nagsanay akong mag-martial arts eh di sana hindi ko naramdaman itong nararamdaman ko ngayon.
"Frenny." Natigilan ako sa pagkain at pag-iisip. "Kumusta ka? Ang dami mong sugat." Pag-aalala niya.
"Bakit nandito ka?" Usisa ko.
"Ayaw mo ba?" Nahiya niyang tanong.
"Akala ko ba ayaw mong madamay? Eh bakit nandito ka ngayon at nilalapitan ako?"
Tumingin siya sa paligid, "Wala namang nakakikita puwede kitang lapitan at kumustahin. "
"Maayos lang naman ako umalis kana."
"Sasamahan kita."
"Huwag na!" Bulyaw ko.
"Bakit ba ayaw mo??" Naiinis naman nitong tanong.
"Dahil ayaw mong madamay di ba? Umalis kana Nicole ayokong may mangyari sayong masama at baka kasalanan ko pa 'yon."
"Gusto lang naman kitang damayan. Alam ko naman na kahit ganyan ka nagtatapang-tapangan ka lang pero ang totoo gusto mo nang umiyak At naghahanap ka nang masasandalan."
"Sa ngayon hindi ko kailangan 'yon kayang-kaya ko ang sarili ko."
"Sure ka ba?"
"Oo naman!" Iniligpit ko na itong gamit ko at saka siya iniwan.
Dapat pinanindigan na lang niya ang paglayo kaysa nasasaktan ako at ipamukha niyang wala akong matinong kaibigan na sasamahan kahit saan.
Sa paglalakad ko ay biglang bumuka ang ilalim ng sapatos ko. Sira na ito at Kailangan nang palitan mabuti nasa locker ko pa rin yong rubber shoes na regalo ni papa para sa akin.
Maingat pa rin akong naglakad patungong locker sa pagbukas hindi ko mahanap ang rubber shoes. Hindi ko naman 'yon kinukuha rito at lalong hindi ko rin inuwi dahil para may reserba nga ko sa school.
"Heto ba hinahanap mo?" Dinig kong usisa ng lalaki sa gilid ko.
Humarap ako sa nagsalita. Hindi ako naging handa dahil ibinato niya sa akin ang rubber shoes.
Sa kasamaang palad ay tumama sa aking mukha naging dahilan ito ng pagbuwal ko. Medyo nahilo ako dahil sa nangyari.
"Cedric, hindi mo dapat ginawa 'yon." Galit na sabi ni Joseph.
"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong pati ikaw ay maparusahan." Matapang na banta ni Cedric.
Nang maramdaman kong nawala na ang hilo ay kaagad kong kinuha ko ang rubber. Iyong dating kulay puti ngayon ay naging itim dahil sa putik. Iyong dating buong-buo ngayon ay sira na.
Naalala ko si papa. Naalala ko ang mga ngiti niya noong araw na ibinigay niya sa kin ito. Iyong mga ngiti niya habang inaabot sa akin ito. Imbes kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon ay galit na lang. Galit sa lalaking dahilan kung bakit nararamdaman kong magalit.
Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko naiwasan 'yon. Wala rin akong pakialam kung makita nilang yakap ko ang rubber shoes habang humihikbi sa sakit.
"Ang OA ha? Iniiyakan ang rubber shoes?" Natatawang sabi ni Axel.
Tinanaw ko ang tatlong nakatayo sa hindi kalayuan nasa gitna si Cedric habang katabi niya sina Joseph at Axel. Mga nakangisi ang mga ito except Joseph na nag-aalala sa kalagayan ko.
"Bakit ka ba umiiyak? Hindi naman malakas ang pagkakabato ko sayo ng sapatos ah!"
Inangasan pa ko ni Cedric.
Tumayo na ko hawak pa rin ang rubber shoes. Pinahid ko ang mga luha habang dahan-dahan na nilapitan siya. May isang pulgada ang layo namin sa isa't-isa.
"Hindi mo kasi alam kung gaano kahalaga sa akin ng sapatos na 'to. Ikaw kasi kaya mong bumili nang maraming rubber shoes, eh!"
"Mahirap ka nga talaga gusto mo palitan ko pa yang rubber shoes mo at ibat-ibang kulay pa!"
"Ang sama mo! napakasama mo! wala ka kasing alam!" Bulyaw ko bago sila iwan.
Tumakbo ako sa banyo ng mga babae doon ko ibinuhos ang sakit nadarama ko.
Ito na nga lang ang ala-ala ni Papa sa akin noong hindi pa siya nagkakasakit tapos gaganituhin lang ng mga hinayupak na 'yon at lalong-lalo na 'yang Cedric na 'yan! Makakaganti rin ako sa kanya balang araw. At nakasisigurado akong iiyak siya sa mismong harapan ko.
A Y IE S H IE N