NAKASALAMPAK ako sa damuhan iniisip ko kung paano pa ako makatatakas sa sitwasyong ito. Marami ang nagbubulag-bulagan, marami ang hindi kayang lumaban kahit alam naman nilang may kakayahan sila na ipagtanggol ang sarili.
Ako? Walang karapatan para pigilan sila sa maling gawain pero ganito nga ba ang kapangyarihan ng salapi?
Kaya niyang lokohin at bulagin ang tao sa katotohanan?
Sa dinami-rami kong na pasukang school dito lang ako nakakita ng mga gurong gustong nasa panganib ang kanilang students. Dito lang din ako nakakita na binubully ay hindi, karahasan na pala tawag dito. Iyong pikit ang kanilang mga mata kahit alam nilang mali ang ginagawa ng ilan.
Tanyag ang Kingdom University dahil sa mga baluktot na rules.
Kung ako man ang tatanungin ayoko na rito sa KU ngayon pa nga lang ako napahirapan pero unti-unti kong sinisisi ang sarili sa kamaliang patulan ko ang buong miyembro ng lucifer.
Nang makita kong lalapit si Joseph ay pinili kong tumayo ngunit pinigilan lamang ako sa gagawin nakiusap itong maupo muli at mag-usap.
"Ano na naman ba sasabihin mo? Babantaan mo rin ba ako gaya nang ginagawa ni Cedric ha?!"
"Hindi."
"Nandito ka dahil may parusa ka sa akin."
"Hindi rin." Marahang tumabi.
"Ano ba ginagawa mo?" Hinubad nito ang kanyang sapatos ngunit itinira lamang ang medyas. Tahimik pa rin nitong inilagay sa paa ko ang sapatos.
"Wala kang gagamitin bakit mo ba ginagawa 'to?"
"Para makabawi."
"Tingin mo nakabawi kana dahil sa ginagawa mo?" Mapan-insulto kong tanong.
"Sinusubukan kong bumawi sa sarili kong paraan. Alam kong wala akong karapatan para humingi sayo ng dispensa pero sana kahit man lang iyang sapatos tanggapin mo."
"Huwag na lang dahil may motor naman ako," kusang hagis ko sa sapatos.
"Iba pa rin kung may sapin ka sa paa," dinampot ito saka isinuot muli sa paa ko.
"Kung inaalala mo wala akong gagamitin nagkakamali ka. Tanggapin mo na lang ito nang buong puso, Reign."
"Pinapakitaan mo ako ng kabutihan at sigurado akong may kailangan ka."
"Wala akong kailangan sayo." Mariin niyang pagtatama bago tumingala sa kalangitan. Dinig ko ang sunod-sunod nitong pagpapakawala nang hininga.
"Gusto mong linisin ang pangalan mo dahil alam kong masasama ang ugali ng lucifer kingdom hindi ba??"
"Mali ka,"
"Eh kung ganoon bakit mo ginagawa ito? Bakit mo ako tinutulungan?"
"Dahil---" seryosong titig sa mga mata ko.
"Dahil??" napapahawak ako nang mahigpit sa palda ko.
"Anong ginagawa niyo?" Kaagad kaming lumayo sa isa't-isa nang marinig namin ang boses mula sa likuran.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong nakatayo si Joseph habang nakapasok ang dalawang kamay magkabilang gilid na bulsa.
"Iyong sapatos mo…" sabi ko pa nang akmang aalis. Umiling lamang ito saka tumingin kay Cedric na masamang-masama ang mukha.
"Ano ba sa palagay niyo ang ginagawa niyong dalawa?"
Sa inis ko rito kay Cedric ay nakuha kong harapin ang kinaroroonan niya. Halos mamilog ang mga mata ko nang makitang magkakasama ang buong lucifer kingdom.
"Joseph." Dinig namin tawag ni Zayn sa kaibigan. "Bakit kasama mo ang babaeng 'yan?"
"Kinausap ko siya dahil classmate kami sa isang subject." Marahang isinuot ni Joseph ang sapatos na hinubad ko pagkaraan ay tumabi sa buong L-kingdom.
Maraming mga mata ang nakatingin sa kinaroroonan ko. Alam kong pinapatay na nila ako sa kanilang isip at sana lang ay makaalis kaagad ako rito bago pa magkaroon ng gulo.
Naglakad ako nang pakaliwa ngunit humarang sina Erdem, Peps, at Calvin. Tumungo ako nang kanan ngunit sina Joseph, Frankie, at Zayn ang humarang sa daraanan ko. Balak ko na lang sana dumaan sa gitna pero nandoon sina Cedric, at Axel.
Nakakapanggigil.
Sinusubukan nila akong kalabanin. Ano kayang balak ng mga ito?!
Dahil sa inis nakuha kong samaan nang tingin sina Cedric at Axel.
"Lumayas kayo sa daraanan ko kung ayaw niyong masaktan." Kaya mo 'yan, Reign. Ipakita mong hindi ka natatakot sa mga tulad nilang gangster. Hindi pa yata nila nalalaman mahusay ako sa taekwondo gusto yata masubukan ang kakayanan ko.
Nawala ako sa pag-iisip dahil sa mga tawanan. Lumapit si Cedric na mayroong ngisi sa labi bago pitikin ang noo ko.
"Whoooooo." Ingay ng mga tao sa paligid.
At dahil pahiyang-pahiya na ako ay nakuha kong hawakan ang magkabilang balikat nito saka mabilis kong tinapakan ang kanyang sapatos. Mismong sakong ang pinangtapakan ko para mas dama niya ang sakit. Hindi ako nagkamali sapagkat panay ito sigaw na kung anu-anong mura.
"Talaga bang ginagalit mo ko!" Para hindi halatang takot ay ngumiti lang ako sa mukha niyang namumula sa galit. Ngunit hindi rin nagtagal ay napawi ito dahil sa matindi niyang paninitig na tila gusto niyang kumain ng tao.
May humila sa akin palayo sa L-kingdom saka dinala sa likod ng oval.
She's not familiar pero mababakas dito na gangster din dahil sa maraming tattoo sa buong braso.
"Ang lakas nang loob mong saktan ang boyfriend ko!" sigaw niya.
"Boyfriend mo?"
"Si Cedric!"
"Boyfriend mo ang sira-ulo na 'yon?"
"What the hell!" After niya sumigaw may mga taong lumabas mula sa likuran nito.
Natitiyak kong limang babae at isang lalaki. Hinawakan ng dalawang babae ang braso ko pagkatapos no'n ay sinikmuraan ako ng babaeng kausap ko kanina.
"Hindi mo ba kilala ang miyembro namin?! tandaan mo 'to Reign kami ang Shadow Blade at dapat mo kaming katakutan!" Walang humpay nitong pinagsusuntok ang sikmura ko.
Halos mawalan ako ng lakas ng bitawan nila ang braso ko. Gusto kong sumuka ngunit wala naman lumalabas. Hirap na hirap din akong huminga pero pinilit kong tumayo upang lapitan ang babaeng nanakit sa akin.
"Wala akong pakialam kung sino kayo pare-pareho lang kayo ng L-kingdom masasama ang ugali!"
"Ah ganoon?" Dahan-dahan niyang pinakita sa akin ang isang balisong.
Napalunok ako at hindi nakapag-isip pero bago ako makalayo at gumalaw ay naramdaman kong may tumusok sa aking tagiliran. Naghabol ako ng hininga nang makita ang dugong umaagos mula sa aking tagiliran. Tinakpan ko ito ng aking palad ng upang mabawasan ang pagdurugo.
"Siguro naman madadala kana matuto kang rumespeto sa mas nakaka-angat sayo. Tandaan mo, shadow blade ang grupo nang gangster na dapat mong katakutan." Huling wika bago niya ako iwan mag-isa.
Sumigaw ako para humingi ng tulong. Wala nga lang nakaririnig kaya minabuti kong maglakad kahit nakahawak sa tagiliran kong walang tigil kaaagos ng dugo.
"Tulooooong!" Anumang oras ay mawawalan na ko ng hangin at mawawalan ng ulirat.
Hindi ko na balance ang katawan kaya muntik akong mabuwal mabuti na lang may nag-magandang loob na tulungan ako.
"Tulungan mo ko, a-ayoko pang mamatay, tulungan mo ako kailangan pa ko ng magulang ko at lalong-lalo ni papa."
Ewan ko ba.
Kung bakit nagawa ko pa mag-salita kahit alam kong nasa panganib na ang buhay ko. Kailangan akong mabuhay dahil kailangan din ako ng aking mga magulang.
A Y IE S H IE N