Chapter 9

3252 Words
LIWANAG lang ang natatanaw ko sa mga oras na ito. Bahagyang naramdaman ko ang temperatura sa loob ng silid. Sinikap kong aninangin kung sino ang kasama ko sa loob ngunit bigo ako. Nanghihina pa rin ang katawan ko lalong-lalo na ang sugat sa aking tagiliran. Pakiramdam ko nga naubos ang aking buong lakas dahil lang sa tumusok na balisong. Ganoon pala ang feeling na masaksak? Ugh, ayoko nang maulit pa ayoko na. "Gising kana pala." Dinig kong magsalita ang lalaki sa ulunan ko.Naramdaman kong tumayo ito upang lapitan ako. "Kumusta pakiramdam mo?" Inaaninag ko pa ang mukha hanggang sa matuklasan ko kung sino ang kasama ko ngayon. "Bakit ka nandirito?" parang gusto kong magwala o kaya mag-walk ganoon. "Ganyan ba talaga ang ugali mo? Imbis na mag-thank you magtatanong pa talaga?" Oh, Zayn. "Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" "Hindi." Seryoso naman nitong sagot pero kaagad din binawi, "Napadaan kami ni Axel sa likod ng Oval at saktong nakita ka namin." "Bakit tinulungan niyo ko?" "Sino ba may gustong TULUNGAN ka?! Ikaw lang naman 'yong mapilit,eh. Gusto mo pa kamo mabuhay para sa pamilya mo lalong-lalo sa papa mo." Tila alangan nitong pahayag. Si papa nga pala. Panigurado hindi nila nalalaman ang nangyari sa akin. Kailangan ko nang makapunta sa hospital. "Lalabas na ako." Nabigla ang pagkakagalaw ko dahil biglang kumirot ang sugat. "Hindi pa mahilom ang sugat mo." May pumasok na isang nurse tinanaw ang dalawang lalaking kasama ko. "Ako na," siyang tayo ni Axel at sinundan ang nurse. "Ano ba number ng magulang mo? Tatawagan ko na lang para may magbantay sayo rito." Tanong muli ni Zayn. "Wala kasi akong cellphone pero puwede naman na akong lumabas kaya ko na rin naman, eh." "Makulit, tingin mo ba kaya mo pang- maglakad?" Naglakad-lakad ito habang pinaglalaruan ang susi. "Kung may gagawin ka puwede mo naman akong iwan pero sorry ha? Wala akong pambayad dito sa hospital." "Huwag mo nang isipin 'yon." Tumingin sa relo. "Puwede kana umalis salamat nga pala sa tulong. Tatanawin ko nang malaking utang na loob itong ginawa mo sa akin niligtas mo ang buhay ko." Panandalian itong natulala sa pagkakatitig bago lumabas ng kuwarto. Ayoko talaga sa hospital dahil sa bukod na nakatatakot ramdam mo rin 'yong lungkot lalo't nag-iisa ka lang. Sana hindi na niya ako dinala sa hospital sa palagay ko mahal ang babayaran ni Zayn kapag na discharge ako. Dahil sa lungkot nahiga akong muli. Since wala akong magawa kung paano tatawagan si mama dahil wala kaming cellphone na ginagamit. Maya-maya dumilat ang mata ko hindi ko natandaan na mahaba-haba rin ang naitulog ko. May narinig akong nag-uusap malapit sa higaan ko. "Nakita mo ba kung sino may gawa?" pamilyar na boses. "Oo, nakita namin ni Zayn. Mabuti nga raw sabi ng doctor na naisugod kaagad namin kung hindi mauubusan siya ng dugo." I think si Axel 'yong nagsasalita. "Sino ba gumawa nito." "Si Alea, sino pa nga ba? Alam mo pinagtataka ko bakit sasaktan ni Alea 'yang babae na 'yan? Hindi ba ang pinagseselosan lang naman ni Alea 'yong mga nagpapansin sayo?" Saglit silang tumahimik. Hindi ko na kinaya kaya idinilat ko ang aking mga mata. Shocking! Nandito pala ang walong gangster ! Nakatingin sa akin. Hala, anong gagawin ko? "Gising kana." Masiglang wika ni Joseph. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Si Peps. Nakita kong dinilatan ng mata ni Cedric ang dalawa na kaagad tumahimik. "Puwede na akong lumabas maayos na ako." Katwiran kom "Kailangan mo pa nga nang pahinga." Bulaslas ni Zayn. Alam kong sumenyas si Cedric na huwag akong kausapin pero mapilit si Zayn. "Nabanggit ko na kay Nicole na nandito ka baka papunta na rin 'yon." Sabi pa ni Frankie. "Bakit pinaalam mo pa sa kanya?" Inis kong sabi. Nagkatinginan sila ni Erdem. "Kaibigan mo si Nicole 'di ba?" Paniniguro ni Frankie. "Dati 'yon! Noong hindi niyo pa ko pinag-tritripan!" Bulyaw ko sabay turo sa kanila. Ang ilan sa kanila ay ngumisi pero ang ilan din ay parang wala lang. "Hindi siya tunay na kaibiga biruin mo iniwan ka sa panahon na alam niyang kailangan mo nang makakasama?" Yabang talaga si Axel pero may tama ang pinupunto nito. "Hindi ganyan si Nicole." Pagtatanggol ni Frankie. "Kung hindi bakit siya iniwan? ano ba ibig sabihin no'n? Kaibigan lang siya kapag okay at kung may problema hindi na? Ganyan ba ang paniniwala mo sa pakikipag-kaibigan?" Panunuya ni Zayn. "Ang importante naman doon may kaibigan siyang makakasama ngayon." sabat ni Peps. "Bakit Peps? May alam ka pala sa pakikipagkaibigan?" Maangas na tanong ni Cedric dito. "Ang alam ko sa pakikipagkaibigan ay iyong walang agawan 'di ba?" Tumikhim ang iba. "Tama na 'yan, pinag-uusapan dito ang relasyon nila Reign at Nicole bakit sa inyo napunta?" Awat ni Joseph. "Sino ba may pakialam?" Walk out si Cedric. Ang sama talaga nang ugali. Akala mo kung sinong guwapo eh guwapo naman talaga. Sino ba may pakialam? Bakit sinabi ko ba pag-usapan nila ang pagkakaibigan namin ni Nicole? Dapat nga hindi na sila mangealam sa amin. BUMUKAS ang pinto at si Nicole ang iniluwa nito habang tahimik na papalapit sa puwesto ko. "Frenny." Gustuhin ko man na iwasan pero wala na kong magagawa lantang gulay ako ngayon. Lumabas na ang L-kingdom habang kami na lang ni Nicole ang naiwan. "Okay kana ba? S-sobra akong nag-alala sayo. Oo nga pala nasabi ko na kay tita tungkol  baka papunta na rin sila rito." "Bakit nandito ka pa? Hindi ba iniiwasan mo ko dahil sa L-kingdom na 'yon?" "Frenny, nangako ang L-kingdom na titigilan kana nila. Alam ko nagagalit ka dahil pinabayaan kita sa pangbubugbog sayo ng mga tao. Alam ko 'yon masakit man para sa akin pero inisip ko rin 'yong kapakanan ko." "Pero 'yong kapakanan ko? Iyong pagkakaibigan natin wala lang ba sayo ang lahat ng iyon?" Nandidilat ang mata nito ng hawakan ang kamay ko. "Bakit ba ganyan kana magsalita? Hindi ikaw 'yong kaibigan ko dati na mabilis makaunawa sa isang sitwasyon." "Alam mo kung ano ang nakakainis? Nagawa mo na ngang maging mabuti sa tao ikaw pa ngayon ang agrabyado." Makahulugan kong sambit. "Frenny, inaamin ko naman 'yon, eh. Oo na kasalanan ko pero sana isipin mo naman." "Pwede kana umalis hntayin mong ako mismo lalapit sayo tutal alam na ni mama na nandito ako." "Pero...." "Umalis kana." "Frenny..." "Umalis kana nga sinabi!" Bulyaw ko. Kagat labi niya akong binitawan para lumabas ng kuwarto. Mahaba ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Ako na lang din lagi ang umuunawa sa tuwing may problema sa aming dalawa. Masama na ba magalit? Masama na ba minsan siya naman ang sisihin ko sa lahat? Kasalanan ko nga ba kung ganito ang mangyari sa akin? Hindi ba ang tunay na kaibigan kahit hindi mo siya kasama sa kaparusahan ay sasamahan mo siya basta ang importante pareho kayong masasaktan? Pero bakit ganoon si Nicole? Gaano ba kataas ang label ng pagkakaibigan namin para sa kanya? Pareho lang ba o mas mataas ang expectations ko sa friendship namin? Now I know... 'Limit your expectations.' "Anak!" "Ma!" Humagulgol ng iyak ang aking mama habang yakap ako nang mahigpit. Panay tanong kung masakit pa ba ang sugat ko kung gutom ba ko o kung may kailangan akong ipagawa. "Ma, sapat na sa akin na nandito ka." "Ano ba kasi nangyari?" Usisa sa akin habang nagbabalat ng ponkan. "Yan mukha mo rin puno ng galos,sugat at pasa. Anak, nakipag-rambulan ka ba? Gangster ka na ba anak?" "Ma, alam mo naman na hindi ako sasali sa mga ganoong samahan. Sa isang kaibigan nga iniwan ako paano pa kaya kung madami na sila? Eh di ganoon din o baka iwan din nila ako kapag ako ang naipit." "Eh ano ba kasi nangyari? Bakit may saksak ka? Sino may gawa sayo niyan!" "Nasa presinto na po ang may gawa sa anak niyo huwag na po kayo gaano mag-alala sa kanya." Siyang pasok ni Cedric sa kuwarto. "Anak, sino siya manliligaw mo?" Bulong nito. Ba't ba ganito ang ilang magulang? May makita lang lalaki itatanong kaagad kung manliligaw hindi ba puwede itanong  kung KAAWAY? "Ma!" Inirapan ko silang dalawa. "Ah hello po. Ako nga pala si Cedric, kaibigan ako ng nagdala sa anak niyo rito sa hospital." Magalang na pagpapakilala nito. Tinamaan ka talaga ng magaling. Marunong ba talaga siyang gumalang? Samantalang sa University para siyang Devil, eh. "Hi, pasensiya na kung naabala pa namin kayo gusto ko sana magpasalamat sayo at sa kaibigan mo. Napakalaki kasi ng hospital na ito hindi katulad sa hospital ng papa ni Reign siksikan sila sa isang kuwarto." "Ma...." Saway ko. "Ano pong sabi niyo?" Usisa nito kay Mama. "Ma, tumigil kana nga." Awat ko. Tiningnan niya ko sabay kindat. "Ay naku, wala. Nagulat lang talaga ako dahil masuwerte si Reign naka-hospital sa mamahalin baka malaki ang babayaran namin dito. Naku, eh wala kaming pangbayad." Kaasar naman si Mama oh! Wala man lang preno ang bibig! Kainis. "Huwag niyo na po alalahanin ang bayarin dito sa Hospital sinabi ko na rin naman kay papa na wala kayong pambayad." Talagang sinabi niya 'yon? Walang pambayad? Hmp, Oo na totoo naman,eh! "Maraming salamat ah! Bawas gastos ito alam mo kasi Ijo nasa hospital ang papa ni Reign." "Ma naman!" Awat ko pa. "Oh bakit? Gusto ko lang naman sabihin ang totoo baka kasi isipin ni Cedric na kaya natin bayaran itong bill mo. Ano ka ba? Ang laki na nga ng bill ng papa mo sa Hospital tapos dadagdag ka pa?" Napapapikit na lang ako sa hiya at inis kay Mama bakit kasi kailangan pa niyang sabihin 'yon. Wala naman pakialam ng isang 'yan sa mga ikukuwento niya mag-aaksaya lang siya ng laway. "Ano ho bang nangyari?" Isa pa 'tong lalaki na 'to eh! Geh ,tanong pa! Wala kana naman pakialam di ba? "Kasi ganito 'yon Ijo." Magsisimula na sana magsalita si mama nang magtalukbong ako ng kumot sa inis. Dinig na dinig ko pa na nagsasalita si Mama tapos may paiyak-iyak pa. Grabe, kahit anong lumabas diyan sa mata mo Mama, wa'effect yan kay Cedric. Hambog at walang modo yang tao. Never 'yan maaawa sa gaya nating mahirap may allergy sila sa gaya natin na isang kahid, isang tuka. "Ganoon po ba? Okay lang po 'yon. Ang importante hindi na kayo magbabayad ng bill. Bukas po puwede na makalabas si Reign pero sana huwag muna siya magkikilos a-ang sabi ng doctor." Minumura ko na nga siya aking isipan, eh. Pabait effect. Akala yata niya mauuto niya ang mama ko? Never! "Alam mo Cedric guwapo ka. Naku, sana gaya mo ang maging first boyfriend ng anak ko. Alam mo bang NBSB 'yan!" Grabe talaga, grabe. Bakit binabanggit niya ang tungkol doon? "Ah talaga po? Sige po ah? Babalik na ako sa amin. May dala po pala akong mga prutas at pagkain para sa inyo." "Salamat Ijo ha! Salamat!" Sigaw ni Mama ng magsara ang pinto. "Ah miss! Dito mo na lang ilagay sa lamesa, salamat ah."  muling sumara ang pinto. Sa inis ko itinapon ko ang kumot sa lapag sinamaan ko ng tingin si Mama. "Bakit mo ginawa 'yon ma!" Sigaw ko. "Ang alin?" Denial pa! "Bakit mo sinabi yong tungkol kay Papa! Bakit sinabi mo na wala tayong pambayad!" "Eh totoo naman ah? Akala mo ba madali lang para sakin 'to? Alam mo ba nag-iisa lang si papa mo sa Hospital para samahan lang kita tapos mag-e-enarte kapa na bakit sinabi ko ang totoo." "Kahit na ma, hindi mo pa nga kilala ang taong 'yon, eh." "Mukha naman mabait ah?" Like duh? Iyon ang inaakala mo mama. "Saka mayaman anak ah?Ka-schoolmate mo ba siya? Gusto ko siyang maging boyfriend mo!" "Sumasakit ulo ko sayo mama." Reklamo ko. "Kumain kana." Tila nagbago na ang emosyon niya. "Pagkalabas mo rito sa Hospital huwag ka na pumasok sa Unibersidad." "Po? Bakit Ma? Akala ko ba  gusto niyong makapagtapos ako nang pag-aaral?" "Anak hindi na namin kaya nalulubog na tayo sa utang dahil sa bill ng papa mo. Hindi pa nga natin alam kung kailan siya makaka-recover. Hindi ko na nga sinabi sa papa mo na nasa hospital ka at baka mapano pa." "Ma, gagawa ako ng paraan kung maaari maghahanap ako ng mas malaking sweldo o kaya dalawang trabaho ang gagawin ko walang problema doon saka nangako ako na magtatapos ako ng pag-aaral kahit na anong mangyari." "Baka naman sa kakaintindi mo sa amin ikaw naman itong mahirapan, anak." "Ma, kaya ko." "Salamat anak ah? Maaasahan ka talaga alam mo naghihinayang talaga ako kung bakit hindi kita binigyan ng kapatid. Eh di sana hindi lang ikaw ang nagpapakapagod para lang tumulong sa amin ng papa mo." "Basta kaya ko, basta nandiyan lang kayo para akin kayang-kaya ko." Niyakap ako ni Mama. Isang yakap na hindi kayang tumbasan ng kahit sino man. LALABAS na raw ako ngayong araw pero magdamag akong nag-iisa at tanging isang nurse lang ang pabalik-balik para asikasuhin ako. Hindi ko inasahan si mama na susundo sa akin dahil inaasikaso nito si papa saka baka kung ano pa isipin ni papa at kung mapano. Bandang tanghali sina Nicole at Frankie ang sumundo sa akin saka hinatid sa bahay namin. "Okay kana ba rito? Gusto mo samahan kana namin ni Nicole." Sabi nito sa akin. "Makakapagpahinga ako kung walang ibang tao salamat ulit sa paghatid." Binuksan ko ang pintuan. Walang imik din silang lumabas ng bahay namin. Nahihiya man na ipakita kay Frankie ang bahay namin ay iwinaksi ko na lang 'yon. Uunahin ko pa ba ang hiya kung wala rin naman akong mapapala? Kumakalam sikmura ko nang ibaba ko ang mga gamit sa lamesa. Wala nga pala akong pera at wala rin kami stock na pagkain dito. Ang labas nito tiis gutom. Maya-maya lang pumapasok si Shien may dala itong plastic. "Salamat dahil magaling kana kumain kana ba??" "Tamang-tama may dala akong tanghalian." Masaya niyang banggit habang inilalabas ang pagkain. "Paano mo pala nalaman na galing ako sa hospital?" "Sinabi ni boss." "Paano nalaman ni boss?" "Hindi ko alam, eh. Sinabi lang niya sa akin na bisitahin kita. Oh, ibigay ko raw sayo ito." Sabay abot ng pera. "Para saan 'to?" "Tulong, alam kasi niyang nasa hospital din ang papa mo." Wika nito. "Pakisabi  salamat. Uhm, baka sa susunod na araw na lang ako pumasok pakisabi ha?" "Alam naman ni boss 'yon kaya nga binigyan ka ng budget, eh. Ang swerte talaga natin sa boss natin kaya huwag na huwag kang aalis sa trabaho natin ah?" Nakonsensya tuloy ako sa sinabi kay Mama na maghahanap ako nang panibagong trabaho. "Wala ka ba kasama matulog ngayon? Day-off ko naman kaya puwede kita samahan." "Talaga?" "Oo naman. Hindi ako makakatulog ng maayos kapag alam kong ikaw lang mag-isa rito." Napatitig ako sa kanya. Heto ang tunay na kaibigan handa kang samahan kahit masyadong mapanganib. "Kumain ka pa." Sarap na sarap kami sa kinakain. Ngumiti na lamang ako dahil sa kabutihan nito. Maaaring siya na lang ang makakasama ko hanggang sa huli. Sana ka-university ko rin siya pero hindi sa ibang school ito. "SO you mean iyong Frenny na tumatawag sayo ay hindi mo na kaibigan?" Satsat nito habang nagtitimpla ng kape. Mga ala-una nang madaling araw na pero wala pa rin kaming balak matulog. "Oo alam mo hindi ko talaga inaasahan ito kasalanan din 'yon ng L-kingdom." "Iyong L-kingdom ba na sinasabi mo ilan ulit silang lalaki?" "Walo. Halos mayayabang din pero ang pinaka talaga 'yong Cedric." "Alam mo mas mabuti kung ikaw na ang umiwas sa kanila nang di na maulit 'yang nangyari sayo baka sa susunod mabalitaan ko na saksak ka na naman." "Nangako ang L-kingdom na hindi na nila ako guguluhin iyon ang pagkakasabi sa akin ni Nicole." Nakanguso kong sabi. "Eh di mainam makakapag-aral kana ng mabuti dahil wala nang sagabal sa buhay mo tama lang 'yan." "Sa pagpasok ko siguradong babalik na ulit ako sa dati iyong mag-isa nga lang." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya mo 'yan nandito lang naman ako para samahan ka  kahit saan pa 'yan. Pupuntahan kita sa school kapag kailangan mo nang makaka-usap." Kumamot ako sa tenga. "Kapag may cellphone na ko, ah? Alam mo na." "Okay! Walang problema, ibibigay ko sayo itong number ko." May sinulat sa isang maliit na papel. "Call mo lang ako ha." "Oo ba, ikaw pa." May kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami dahil sa takot at pagkabigla. "May inaasahan ka bang bisita?" Usisa sa akin. Tumaas ang magkabilang balikat ko. Tumayo kami pareho upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok sa labas. "Teka baka masamang tao 'yan may kahoy ba kayo riyan?" Concern nito. Naalala ko ang baton ni Papa na nasa ilalim ng papag namin. Kinuha ko ito at saka akmang ipupokpok sa ulo ng taong nasa labas. Si Shien ang pumihit ng pinto habang ako ay nag-aabang lamang. Muntik ko na talagang mahambalos sa ulo ang lalaki na nasa labas. "Cedric?"  Gulat na gulat kong tanong. "Siya si Cedric?" Bulong ni Shien. "Oo." Sagot ko bago tumingin muli kay Hambog na Gangster. "Anong ginagawa mo rito?" Ulit ko pa. "Baka puwede papasukin mo muna ako malamok dito sa labas." Reklamo nito. "Pasok!" Si Shien itong nag-ayang pumasok sa hambog na gangster. Lingon at tingala ang gawa ni Cedric sa loob ng bahay namin. "Ano bang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang bahay namin?" Masama ko siyang tiningnan. "Naka-usap ko ang mama mo ako na bahala sa bills ng papa mo." Taas kilay kong tiningnan, "At bakit?" Matagal itong hindi sumagot. "Wala na kayong gagastusin sa hospital Reign." Bulong ni Shien. Imbis na tingnan siya ay hinintay ko ang sagot ni Cedric na hambog na gangster. "Kasalanan ko naman kung napahamak ka. Actually, wala sa plano na masaktan ka o masaksak kaya konsensiya ko ang nangibabaw." "Meron ka pala no'n?" "At isa pa puwede ba na huwag mo ko binabastos young master ako." "Oh my Goodness! Ikaw 'yong anak ni Mr. Kasilag ?" Gulat na tanong ni Shien rito. Tumango lamang si Cedric habang nakatingin pa rin sa akin. "Sa pagpasok mo wala ng L-kingdom na magpapahirap sayo tapos na ang parusa mo sa kalapastangang ginawa mo." Nakahalukipkip itong nakatingin sa amin dalawa. "Tapos ka na ba? Iyon lang ba sasabihin mo? Alam mo nag-aksaya ka lang ng oras mo. Puwede naman kahit hindi mo na sabihin sa akin 'yan kasi kahit tigilan niyo na ako o hindi wala naman akong pakialam doon." "Para sabihin ko sayo ang mama mo ang nagpapunta sa akin dito dahil wala ka raw kasama ngayon. Tingin mo ba pupuntahan pa kita kung alam kong nandito na pala ang kaibigan mo!" Singhal nito. "Hindi ko maunawaan kung bakit nakikinig kapa kay mama. Puwede naman na hindi kana magpunta kahit inutos ni mama sayo 'yon,eh. Wala kana dapat pakialam doon kahit mag-isa lang ako o mapahamak dito!" Tinaasan ko ng boses. "Alam mo napaka taas ng pride mo!" Tumayo ito, "Ikaw na nga iyong inaalala ikaw pa itong galit. Tingin mo ba gusto ko itong pagpunta sa bahay niyong nabubulok?!" "Ah ganoon?! Bulok ba kamo? Lumayas ka!" Sabay turo sa pintuan namin, "Huwag kanang babalik ha! Salamat sa gagawin mong kabutihan para kay papa babayaran kita kapag nagkapera na ako. Sige na alis!" Tiim bagang niya akong tinitigan sabay hagis sa akin ang isang paper bag. Walang salita niya kaming iwanan. "Reign, bakit mo naman inaway si pogi." Sabi sakin habang sinisilip pa sa labas ng bahay. "Hoy, Isara mo na 'yan baka bumalik pa ang hambog na gangster!" Utos ko. Sinilip  niya ang paper bag na inihagis sa akin ni Cedric habang ako hindi pa bumababa ang dugo sa ulo ko. Nakakainis. Nakakainit ng ulo ang hambog na gangster na iyon! "Oh my Goodness! It is real?" Bulaslas ni Shien. Tiningnan ko siya habang may hawak na cellphone mula sa paper bag. Kunot-noo ko na lang siya nilapitan habang manghang-mangha sa hawak na cellphone. "Binigyan ka niya ng cellphone? Umayghad! Usong cellphone ito wah?" "Itigil mo nga 'yang ginagawa mo ibabalik ko 'yan pagnakita kami sa University." "Hindi mo na gustuhan?" Sinilip ko pa, "Ayoko magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon." Simangot kong sagot. "Kaso mayroon ka nang utang na loob sa tao tinulungan ka niyang magbayad ng bills mo sa hospital at maging sa papa mo tapos binigyan ka pa ng Cellphone. I think, tama nga ang sinabi niya na gusto nitong bumawi sa kasalanan niya baka nga na konsensiya siya dahil sa nangyari sayo." "Gangster siya malamang na dapat hindi siya maawa sa napili nilang bigyan ng stubs." "Hindi ka ba happy? Malay mo sayo lang niya ginawa 'yon." Saglit na naman akong nag-isip nang malalim. "Ah basta! Ibabalik ko 'yan!" Hindi ko magawang tingnan ang cellphone dahil mukha lang ni Cedric ang nakikita ko. Baka masira pa ng husto ang buhay ko kung mananatili siyang ganyan sa akin kahit sabihin na bumabawi lang siya. A Y IE S H IE N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD