Chapter 10

3979 Words
TITIG NA TITIG ako sa hawak kong cellphone galing kay Cedric nagdadalawang-isip akong ibalik baka kasi hindi rin tanggapin. Isa pa baka iwasan ako no'n dahil sa mga na sabi ko noong isang gabi. Pumanik ako sa puno para kumain ng tanghalian. Katatapos lang ng isang subject namin kaya naman may oras akong kumain kahit matagal. Ibinili ko nga pala itong pagkain sa karenderya nasa hospital pa kasi si papa at binabantayan ni mama no choice  dahil kailangan kong tipirin ang ibinigay na tulong ni boss. Pinagmasdan ko pa nang maigi ang cellphone kakaiba kasi naalala ko ang huling ginamit na cellphone ko ay iyong 3310 pa. So napag-iwanan na talaga ako ng panahon habang ang mga ka-batch ,classmates ko nasa usong damit ,cellphone at kung anu-ano pa samantalang ako walang-wala. Nahulog ang tupperware nang biglang tumunog ang cellphone binigyan ko nang pansin ito kaysa sa pagkain kong nahulog. Kahit tipid na tipid inintindi talaga 'yong cellphone hanep. "H-hello." Nauutal kong sagot. "Bakit ang tangal mong sagutin!!!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko. Boses palang mukhang kilala ko na. Buwisit, kahit ba naman sa cellphone hambog na gangster pa rin. Itinapat ko muli ang cellphone sa tainga ko tapos kung anu-ano sinasabi na hindi ko maunawaan. "Bakit kako ngayon mo lang sinagot." Ngayon ay mahinahon na. "Hindi ko naman kilala kung sino tumatawag baka kako scam lang, eh." Sabi ko pa. "Scam? Ano ba akala mo sa akin?!" Alam kong nag-uusok na ang ilong nito sa galit. "Eh bakit ba kasi tumawag ka pa?" Irap ko sa kawalan. "Nasaan ka ba?" "Bakit mo tinatanong?" "Masama?" "Oo lalo at hindi tayo close! Puwede ba kunin mo na sa akin itong cellphone sagabal lang saka hindi ko naman kailangan ito." "Kung ayaw mo sa cellphone na ibinigay ko libre mo naman 'yang ipamigay sa iba o di kaya itapon mo." Sarap mong murahin sa isipan Cedric! "Nasaan ka ba?" Ulit sa akin na tanong. "Kumakain." Walang buhay kong sagot. Sabay silip ko sa tupperware na wala nang laman. Napa-ismid na lang ako dahil sa gutom. "Saan? Sa canteen? Wala ka naman dito." Tila nasa canteen nga siya at hinahanap ako. "Sa palagay mo ba makakain ako sa Canteen gayong kailangan kong magtipid?" Narinig kong nagtawanan ang mga kasama niya sa kabilang linya siguro naka loud speaker. "Manahimik nga kayo!" Sigaw niya sa mga ito. "Hoy Reign, pumunta ka nga rito hihintayin kita!" "Hoy Cedric, ano akala mo sa akin katulong?" Iritable kong tanong. "Pero--" hindi ko na hinintay ang sasabihin kaya pinatayan ko ito ng cellphone. "Buwisit !!!!!" Sigaw ko. Hingal kong binaba ang puno para kunin ang tupperware. Kakain na lang ako na g noodles pagkauwi sa bahay kailangan kong kumain dahil may pasok ako mamayang gabi sa store. Ipinasok ko ang tupperware at cellphone sa bag ko saka naglakad palayo sa kinaroroonan at walang ganang nagtungo sa locker namin. Muli na naman akong nakaramdam ng inis. Wala na kasi akong sapatos na matino. Badtrip. Sana totohanin ni Cedric na titigilan niya ako. Nang isara ko ang locker nakita ko kaagad ang L-kingdom mabilis akong lumayo sa locker ko at umiwas talaga sa mga taong makakasalubong. "Papasok kana ba?" Hinarang ako ni Frankie na kasama si Nicole. Nagkabalikan na siguro sila laging magkasama, eh. Well wala na kong pakialam sa kanya. "Oh mga LK! Nandito si Reign may sasabihin ba kayo?" Sabi ni Frankie habang nakatingin sa likuran ko. Kagat labi akong yumuko at nag-isip kung paano makakatakas. "Tabe!" Sigaw ko. Kumaripas ako ng takbo. As in binilisan na parang nasa marathon. Kailangan kong takasan sila saka ipinangako nilang hindi na ko guguluhin pero bakit habol pa sila nang habol? Tahimik akong pumasok sa klase namin. Balik sa dating gawi tahimik at hindi na ko binabatikos. Marahil humupa na ang issue sa akin at sa Lucifer Kingdom. Mabuti na rin 'yon kaysa dati na hindi ako makapag-aral nang maayos dahil sa kanila. Pakiramdam ko ay bitin na bitin ako sa klase namin. Sobrang bilis lang at nagpalabas kaagad si Sir. May sumipol sa akin ng inaayos ko ang bag ko palabas. Tulala akong nakatitig sa mukha nito. Seryoso? Tama ba ang nakikita ko? Classmate ko si Joseph? "May dumi ba sa mukha ko?" Himas sa kanyang  mukha. "Ha? Hindi, wala." "Sabay na tayo sa next subject?" "Magkasama pa rin ba tayo sa isang subject?" "Hindi ihahatid lang kita." "Hindi na. Sa library punta ko may titingnan pa ako." Lumabas ako pero nakasunod pa rin pala. "Ano ba titingnan mo sa Library?" "Lecture para mamaya." "Sasamahan sana kita." "Akala ko ba papasok ka pa sa isang subject mo?" "Naalala kong  may lectures pa kami na kailangan hanapin sa library." Tinaasan ko siya ng kilala habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa. "Okay." Tahimik lang kami nagtungo sa library. "Saan ka ba rito kukuha ng libro??" Malakas niyang tanong dahilan  para tumingin sa min ang ibang estudyante. "Bakit hindi ka nagtanong kanina noong mahaba ang nilakad natin? Nakaiintindi ka naman siguro ng english ano? bawal maingay dito." Sabi ko habang naghahanap ng libro. "Wala naman pipigil sa akin dito." Malakas pa rin niyang sabi. "Porque magulang niyo ang may hawak ng university na 'to magagawa niyo na ang lahat." "Nasa amin ang batas." Sinulyapan ko sabay kindat nito. Nailang ako sa pagiging gwapo niya parang mukha lang ni Alexander Lee . Nilayasan ko na siya ng makita ko ang librong hinahanap. "Ngayon ba masaya kana?" Usisa sa akin ng makaupo kami. "Para saan?" Hindi ko sinusulyapan dahil abala akong kumopya sa libro. "Wala nang L-kingdom na mang gugulo sayo. Wala ng mga taong bubugbugin ka ng walang humpay." "Ayos lang, back to reality na lang. Ganoon naman talaga 'di ba? Sabi nga move on, move on din 'pag may time." "Tumingin ka nga sa akin." Hinawakan niya ang baba ko. Magkalapit na pala ang mukha naming dalawa halos maduling ako sa ginagawa nito. "Ayoko sa lahat 'yong kinakausap ako tapos hindi man lang tumitingin. Feeling ko tuloy ang panget ko sa paningin mo." Hindi ko maikurap ang mata ko dahil baka bigla niya kong halikan. Hindi ko  magawang huminga dahil baka maamoy niya ang hininga ko. Hindi pa naman ako nakapag toothbrush pagkatapos kumain ng tanghalian. "H-hindi ah. H-indi ka panget." Nautal kong sagot. Ngumisi sa akin saka lumayo sa ginagawang paninitig. "Alam ko naman 'yon nasasaktan lang talaga ang ego ko kapag hindi ako tinitingnan ng tao lalo at kausap ko." Huminga na lang ako ng malalim bago tumayo at ibalik ang libro sa istante. "Tapos kana ba? Hintayin mo naman ako." Sigaw niya. Napapapikit na lang ako dahil sa ginagawa niyang pang- iiskandalo sa library. Nakahanap ako ng paraan para malayuan muna siya. Sagabal lamang ang isang ito sa pag-aaral ko. "Hi Reign Annie !" Makakasalubong ko si Roselle kasama ang iba pa niyang kasama sa viper berus. Ibang landas sana ang tatahakin ko nang hilahin ni Christine ang bag ko. "Saan punta mo?" Nakangiti niyang tanong. "May klase pa kasi ako." Sabi ko. "Mamaya na lang 'yan mag-usap muna tayo." Utos ni Cristina. "Pero hindi ko dapat pabayaan pa ang pag-aaral. Ilang araw akong hindi nakapasok dahil sa nangyari." "Nakapag-isip kana ba sa alok namin?" Si Thania naman. "Ahm, hindi pa ko nakapag-isip eh. Marami kasi  nangyari lately kaya sorry ah?" "Ikaw din alalahanin mo ang mga inalok namin sayo." Bulaslas ni Marnelie bago nila ako lisanin. Napasandal ako sa mga sinabi nila at ano nga pala 'yong offer nila? May benepisyo naman daw akong matatanggap kapag tuluyan na kong umanib sa kanila. First, sisikat ako sa University lahat ng tao bibigyan ako ng atensyon at lahat ng iuutos ko susundin nila. Itong pagiging scholar ko ay maaaring mag-upgrade. Kung dati sa tuition lang ako libre pero kapag naging Viper na ko lahat libre na. Every month may matataggap akong fifty thousand malaking tulong ito lalo kay Papa pagkatapos kukunin nila akong leader ng VB? Wala nga kong alam sa pagiging leader eh. Kahit sa mga activities na ginagawa ayoko pumayag dahil mahirap maging pinuno. May tumutulak sa aking isipan na gawin ko ito at pumayag sa alok nila. Grabe,marami talaga magbabago kapag nangyari iyon. Isang oo ko nga lang ay magbabago na ang lahat. Haaay, Ewan ko wala pa ko maisip ng matino dahil kay Papa. Pumasok na ko sa last subject. Matagal ang klase namin hindi katulad kanina na parang ang bilis. Matapos ang subject ay umakyat muna ako sa puno. Gusto ko muna umidlip pero may dumating. "Ngayon lang ako nakakita na babaeng sanay umakyat sa puno para kang tibo kung kumilos." Inirapan ko siya. Ano bang karapatan niya para  sabihan ako ng tibo? Babae ako pure babae. "Bumaba ka nga riyan," "Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Isa…" "Bigyan mo ako nang dahilan para babain kita riyan." "Dalawa..." "Hoy! Zayn!" Bulyaw ko sa inis. "Tatlo..." Pumorma na itong parang kukuha ng bato at ipupukol sa akin . "OO NA! ETO NA NGA OHHH! SANDALIII! Buwisit! Buwisit ka Zayn!!" Irita kong sigaw habang pababa ng puno. "May sinasabi ka?!" "Walaaaaa!!!!" Sa inis ko namali ako ng napatungan ng paa. Akala ko katapusan ko na naman ito at balik sa hospital pero thankful ako kay Zayn dahil niligtas na naman niya ko sa pangalawang pagkakataon. "Inaaraw-araw mo na naman ang pagiging lampa." Dahil nasa tabi ng tainga ko ang labi niya ay labis akong nakiliti. Hindi ko naiwasan na ngumiti. "Anong nakakatuwa sa sinabi ko?" Muli niyang sambit. Napansin pala niya ang ginawa ko. "Bitawan mo ako." Mahina kong utos. Hindi nga man lang ako pinagsalita ng matagal dahil ibinagsak nga talaga niya ko sa damuhan. Ang sakit sa puwet sobrang sakit mahit may mga damo pa itong binagsakan ng puwet ko. "Araaay!" Masama kong tingin. "Ano ba kasi ginawa mo sa puno?" Naka-crossed armed niyang usisa. "Naliligo." Pilosopo kong sagot. "Ayusin mo sagot ah?" Sa tono nito parang wala talaga siyang balak makipagbiruan. "Ano ba kasi sa palagay mo ginagawa ko sa itaas? Kumukuha ng bunga? Tingin mo ba may prutas sa itaas?" Irita kong sabi. Pareho kaming tumingin sa taas ng puno pagkatapos ay lumalapit na siya pero ako naman ay umaatras patungo sa trunk ng puno. "Ilang lalaki na ang humalik dyan sa labi mo?" Itinukod nito ang kamay sa trunk habang nakatingin sa mata ko sunod sa labi. "Bakit ko naman sasagutin 'yang makalokohan mong tanong? Ano ka siniswerte?" Napakagat ito sa labi at muling tumingala. "Gusto ko lang malaman kung pang-ilan ba ko sa hahalik dyan !" "Baliw ka ba? Bakit mo ko hahalikan? Ano ka possessive??" Humalakhak ito tapos lumayo. "Tingin mo talaga gagawin ko 'yon? Alam mo ba na pili lang kung sino hahalikan ko?" "So? May nag-tatanong?" Inirapan ko. "Gusto ko lang malaman mo na hindi kita hahalikan dahil hindi kita gusto." "Alam ko hindi ako assuming tulad ng mga babae sa paligid mo. Hindi lahat ng babae gaya nila gets?" Kinuha ko ang bag pero inunahan niya ko. "Hoy ! Ibalik mo nga 'yan!" "May titingnan lang ako." "Bitawan mo nga sinabi 'yan!" Hinalungkat nito ang bag ko sa loob lahat ng laman ay itinapon ng wala siyang makita na mapapakinabangan ay inihagis sa kin ang bag. "Wala man lang bang gadget diyan sa bag mo?" Napakapa ako sa bulsa dahil nandito ang cellphone na galing kay Cedric. "Akina." Lahad  nito ang kamay."Yang cellphone sa bulsa mo." Nakanguso nitong turo. Inirapan ko na lang bago ibigay ang cellphone na nais niya. "Aba, tama nga ako maganda at mamahalin ang ibinigay sayo ni Young Master." "Kung gusto mo sayo na lang hindi ko naman kailangan 'yang cellphone." "Kaya ko naman bumili ng ganito ikaw naman kasi hindi..." Sabay balik sa akin. Bago ko makuha ay may tumatawag sa Cellphone. "Ow? Number 'to ni Young Master ah? Tumatawag sayo?" Nanlaki mata ko. Kukunin ko na nga eh pero siya na mismo sumagot. "Hello Young master!" Tila pinaliit nito ang boses na parang babae. Bahagya niyang inilayo ang cellphone dahil may isinisigaw si Cedric dito. "Easy Cedric wala akong ginagawa rito puwede ba kumalma ka?" Natatawa pa rin niyang sabi. "Puwede ba ibigay mo na sa akin 'yan!" Bulyaw ko rito. "Oo na Young Master ibibigay ko na." Seryoso na nitong sabi. Inabot sa akin ang cellphone pero sinamaan ko ng tingin saka ko itinapat sa tainga. "Magkita tayo rooftop!!" Sabay patay niya sa cellphone. Pinulot ko ang mga  gamit at ibinalik sa bag. Pinapanood nga lang ako ng isang gwapo na ito eh. "Sa susunod huwag na huwag kang makisawsaw ha? Ako napapahamak sayo, eh!" Galit kong iniwan ang guwapong Zayn na "yon at pumunta ng rooftop. Akala ko wala pa si Cedric pero mali ako. "Bakit pinahawak mo kay Zayn ang cellphone?" "Kinuha niya." "Sinabi ko ba na ipahiram mo?" "Hindi ko nga pinahiram kinuha nya gets mo ba?" "Puwede ba huwag mo ako binibilog?" Kainis 'to wah? kung magalit parang boyfriend ko. "Ano bang kailangan mo at bakit pinapunta mo ko rito?" Itinuro niya ang isang direksyon kung saan nandoon ang puno na pinagtatambayan ko. "Nakita ko lang naman ang ginagawa niyo ni Zayn." Umirap ako, "So? Ano bang ginawa namin?" Bigla ko naalala yong nasalo ako ni Zayn at i-corner sa trunk ng puno. Nakita kaya nya 'yon? Pero teka? Bakit naman? Ibig kong sabihin bakit siya magagalit kung mayroon siyang nakitang hindi kaaya-aya? May issue ba? "Magtatanong ka pa!" Masama niyang tingin sa akin. Umatras ako dahil sa masama niyang titig. Hindi ko inasahan na sasakalin niya ko. "Di ba sinabi ko naman sayo iiwasan kana ng Lucifer Kingdom?! Bakit ikaw pa lapit na lapit sa kanila!" "A-raaay, h-hindi ako makahinga n-nasasaktan ako Cedric b-bitawan mo a-ako." Hindi ko na talaga kaya. Hindi ako makahinga sa ginagawa niyang pananakal. "H-hindi ko a-alam 'yang s-sinasabi mo b-bitawan mo na ko h-hindi ako m-makahinga." "Layuan mo na kami ng L-kingdom! Layuan mo na kami! Ayoko na may nalalapit sayo ni isa sa kanila!" Hindi ko dapat hayaan na saktan niya ko. Tinadyakan ko siya sa tuhod dahilan para mabitawan niya ko sa leeg. Tumakbo ako ngunit imbes na sa pintuan ako tumungo ay dito pa rin ako sa rooftop nakatakbo. Iyong kanina niyang pananakal ay napalitan ng pagnanasa isinandal niya ko sa pader hnalikan niya ko sa labi. "Huwag! Tama na ! Cedric tama na!"  Naiiyak kong pakiusap ngunit hindi siya nakikinig. Dumating sa puntong napunit niya ang blouse ko. Hinalikan niya ang leeg ko pababa sa aking dibdib na wala ng takip na damit. Umiiyak ako habang nagmamakaawa sa kanya. Huminto ito sa pagnanasa ng magising siya sa katotohanan na nawalan ako ng blouse at tangkaing halayin ako. Nayuko ako sa aking tuhod habang umiiyak. Naramdaman kong niyakap niya ko mula sa aking tagiliran. Dinig na dinig ko ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib. "Patawarin mo ako, Reign. Hindi ko sinasadya." Pakiramdam ko nawalan ako ng dignidad sa sarili. Ganito pala ang pakiramdam kapag may balak gumahasa  sayo. Ganito pala pakiramdam na masusuklaman ka sa taong kasama mo. Kahit ganyan si Cedric alam ko naman na hindi siya bastos pagdating sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan niya. Maaaring mauunawaan ko kung dahil sa L-kingdom pero sana 'yon lang ang dahilan hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam. Pinahiram niya ko ng jacket upang maitago ang sira ng blouse ko. Pumasok akong tulala hanggang sa magpalit ng uniform. "Reign, okay ka lang ba?" katok ni Shien sa banyo. "Oo palabas na." "Mukhang 'di kapa yata maayos ah?" "Okay na ako medyo na pagod lang ako sa maghapon na klase." "May kakaiba sayo? Umiyak ka ba?" "Hindi. Wala ito. Masakit kasi mata ko puro libro kasi ang tinutukan namin." "Ganoon ba? Sige labas na tayo dahil paalis na 'yong kapalitan natin." "Sige." Sa buong magdamag isa lang ang pumapasok sa isipan ko ang nangyari kanina sa amin ni Cedric. Hindi naman niya nakuha ang dapat makuha kaya lang may iniwan namin siyang marka na hindi ko makalimutan. Napapapikit ako kapag naaalala ko ang mga labi niyang dumampi sa labi ko at ang pagdausdos nito sa aking leeg pababa sa dibdib. This is the first time in my life. May humalik sa akin at muntikan ng halayin. Ewan ko kung balak man niyang gawin iyon o hindi pero basta naiinis ako sa aking sarili dapat pala noon palang ay iniiwasan ko na siya at ang L-kingdom. Mukhang kailangan ko na talaga ng proteksyon ng ibang tao lalo ngayon ay muntik ng mawala ang pinagkaingat ingatan ko. "Gusto mo makausap si Marnelie?" Galak na tanong ni Desirie sa akin. "Oo." Ngumiti siya at may kinontak sa phone niya. "Sumama ka sa akin." "Saan tayo pupunta?" "Basta sumunod kana lang." Sabi nito. Isinakay niya ko sa kanyang kotse. Dinala niya ko sa sinasabi niyang headquarters ng Viper Berus. Tulad sa mga nakikita ko sa mga palabas ang Headquarters nila ay may kalakihan ng isang planta. Maraming mga bombilya ng ilaw sa mga pader at ito ang nagsisilbing liwanag sa planta na ito. "May bisita tayo." Sabi ni Desirie. Lahat ay kanya kanyang labas sa parte na madilim. "Oh hi! Reign your here?" Masayang bungad ni Leah. Ngumiti ako sabay lapit ni Marnelie. "May balita na ba kami sayo?" Usisa niya sa akin. "Nakapag desisyon na ko aanib na ko bilang bagong miyembro ng Viper Berus at  bilang pinuno na rin ng grupo." Walang tuminag sa sanabi ko si Marnelie lang ang tumingin sa mga kasama na tila nasiyahan sa kanyang mga narinig. "Kung ganoon ay umpisa na natin ang misyon mo?" "Ha?" "Well wala kapa nga talagang alam Reign. Sige, bukas ng umaga makipagkita ka sa amin sa puno kung saan ka tumatambay." KINABUKASAN, maaga akong dumating sa usapan.  Wala pa sila kaya naghintay ako ng ilang sandali. Kahit noong dumating ay seryoso lamang ako nakatingin sa mga bawat kilos. "Tulad ng sabi ko ikaw ang gagawin kong bagong leader ng Viper Berus may mga misyon kapa na gagawin para mapatunayan mong isa ka ngang karapat-dapat na great leader umpisahan na natin?" Kinabahan ako. Katulad nga siguro ito ng nalalaman ko sa TV or sa isang blog na kapag umanib ka sa isang organizations ay may pagpipilian ka. Hirap o sarap? sa itsura nila ay parang hindi naman siya gaano kasama para pahirapan ang magiging bagong miyembro nila. "Handa kana ba?" Ulit ni Marnelie. "Handa na ako." Itinuro ang dalawang estudyanteng lalaki naglalakad. "Lapitan mo ang dalawang iyon gawin mo ang nararapat sa kanilang dalawa." Kunot noo akong tumingin sa dalawa pero wala akong maunawaan. "Ang isang gangster gumagawa ng gulo kung alam niyang may nakikita siyang mali kaya dapat mong malaman kung ano nga ba ang mali sa dalawang 'yon." Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero lakas loob kong nilapitan ang dalawang lalaki. Nong una ay nagulat ito sa akin pero ng marealize nilang ako lang pala ito ay ngumisi ang mga ito. "Annie? Ikaw pala iyan. Kumusta ang mga sugat at pasa mo?" Tawanan sila. Naalala ko na isa sila sa mga nagpahirap sa akin. Mukhang pagkakataon ko na ito para makaganti ngunit sabi ni Marnelie ay may dapat akong alamin na mali sa dalawang ito. Napukaw ng mga mata ko ang kanang kamay ng isa. "Ano 'yang itinatago mo sa kanang palad mo?" turo ko na may katapangan. Nagkatinginan sila. "Ano bang alam mo rito?" Maangas na tanong. "Drugs ba 'yan?" "Drugs man o hindi ano bang pakialam mo? Buhay mo ba ang masisira rito?" Tumingin ako viper berus at tumango lamang si Marnelie. "Gusto niyo ba ng mas masarap diyan?" Tinginan sila. Itinuro ko ang Viper Berus nakita nila ito at tila mga parang asong bumahag ang mga buntot sa takot. "Ano mas pipiliin niyong kamay ang virgin kong palad o ang mga kamay ng mga bihasa sa p*****n? Pumili kayo." "H-hindi ka n-naman 'di ba m-miyembro ng Viper Berus hindi ba??" Takot na takot na tanong ng isa. "Kapag nalagpasan ko ito ay talagang may pag-asa akong maging Viper Berus ngayon ibibigay niyo ba sa akin 'yan o sa mismong VB tayo haharap?" "H-heto…h-huwag mo na kami isumbong sa VB." Nanginginig nilang pagmamakaawa. Nang maibigay nila ito sa akin ay tila hindi ako na kontento para na rin makaganti ay inutusan kong labanan nila ang L-kingdom. Well, wala na akong pakialam kung sino ang mas aangat basta ang importante makaganti ako sa dalawang iyon at kay Cedric hambog na Gangster. Sinundan ko sila para malaman ang kanilang gagawin pang-iinis sa L-kingdom. Sakto kompleto ang L-kingdom talagang ratrat sila rito. Nag-uusap sila nang biglang tumingin silang lahat sa akin nagtago ako sa isang poste. "Oh bakit nagtatago ka riyan na parang natatakot? Hindi pa ako nasisiyahan sa misyon mo." Bulaslas ni Marnelie. Nag-chin up ako, inayos ang damit at ipinusod ang buhok. Tila nag-slowmo ang buong paligid ng maglakad ako palapit sa L-kingdom at sa dalawang lalaki. Lahat ng kanilang mata ay sa akin lang nakatutok lahat ng kanilang mga labi ay may nakangisi na tila ba may ipinagmamalaki. Wala akong ideya sa mangyayari pero isa lang ang dapat kong isipin ang mapatunayan na miyembro na ko ng Viper Berus kapag na tapos ko na ito. "Ano ba ang inuutos ko sa inyong dalawang bugok?"  Humalukipkip ako sa harap nila habang ang L-kingdom naman ay nakatingin lamang sa amin. Iyong kanina parang takot na takot nilang mukha ay napalitan ng katapangan marahil ay lumakas ang loob ng mga ito dahil katabi nila ang L-kingdom. "Ano bang laban ng isang babae na naghahangad maging isang miyembro ng Viper Berus?" Maangas tanong sa akin. "Ikaw ba ano ba masasagot mo roon?" Balik ko. "Wala dahil baguhan ka lang! Walang-wala 'yang lakas mo sa Kingdom." "Talaga? Eh ito kaya ba niyang gawin sayo?!" Hindi siya naging handa sa ginawa kong pagsapak sa mukha tumumba ito at halos mag-dugo ang Ilong. Masakit man sa kamao pero hindi ko dapat ipahalatang nasaktan ako sapagkat nais kong ipamukha sa kanilang lahat na hindi mahihina ang babae. Tawa nang tawa ang ilan sa L-kingdom habang si Cedric ay nakatingin sa akin. "Ikaw? Saan mo ba  gusto masapak?" Banta ko rito sa isang lalaki. "Ah hindi! Wala na sige na suko na ako! Kusa akong papasok sa Disciplinary room!" Patakbo itong lumayo sa amin. Ipinagpag ko ang aking kamay na tila tapos sa gagawin. Handa ko nang talikuran ang buong L-kingdom ng magsalita si Cedric. "Sandali lang." Hindi naman ako bastos para hindi siya harapin kahit hindi ko pa rin malimutan ang ginawa niya sa akin. "Can we talk?" Ngumiti ako, "Sorry busy ako huwag mo na rin pala asahan na kakausapin pa kita…Young Master. " mariin kong sambit dito bago layasan. Bumalik ako sa Viper Berus tuwang-tuwa ang lahat dahil nagawa ko ang isang misyon. May susunod pang-gagawin so lumakas loob kong magagawa ko ito sa pangalawang pagkakataon. "Sa pangalawa mong misyon ay dapat isipin mo ang taong dapat mong gantihan isipin mong mabuti dahil buhay ang nakataya sa iyong desisyon." Sabi ni Marnelie. Buhay? Buhay ang nakataya? Ibig sabihin ba nito ay may buhay akong kukuhanin? "Bibigyan kita ng sampung segundo para iwan at mag-isip randaan mo umaandar ang oras. Maaaring kumilos kana ngayon dahil babantayan ka namin tandaan mo ha? buhay ang nakataya rito." Iniwan na nila ako may sampung segundo pa ako para mag-isip kung sino nga ba ang dapat kong hatulan gamit ang kamay kong ito. Sa kaiisip ay napadpad ako sa likod ng Oval tahimik pa rin dito ngunit may ibang presensya akong nararamdaman  tulad noong unang punta ko rito. May babaeng humarang sa daraanan ko. Hindi ko siya makalilimutan dahil sa mukhang iyon. Dahan-dahan binabali ang kanyang leeg habang lumalapit sa akin. "Buhay kapa pala?" "Kung patay ako marahil isipin mong isa na akong multo." Pilosopo kong sabi. "Ang talas talaga ng dila mo babae ka!" "Bastos ka kasi," "Ah ganoon? Gusto mo ba na maulit uli ang nangyari sayo?" "Kung magagawa mo pa." Hamon ko. "Talaga??" Inilabas nito ang balisong na ginamit sa akin noong unang pagkikita namin. Inindayan niya ko ng saksak ngunit naka-iwas ako. Naagaw ko ang hawak nito sa pangalawang sugod. "Pumili ka? ang buhay mo o ang pagbitiw mo bilang pinuno ng grupo niyo?" Lakas loob kong tanong. "Nababaliw na ba ko para ibaba ang aking tanyag na nakuha magkakapatayan muna tayo pero sinisigurado kong ikaw na ang paglalamayan ng mga kaanak mo!" Nag-agawan kami sa balisong halos magkasing-lakas lang kami pero mas lamang ako sa bilis. Walang kahirap-hirap ay pumaibabaw ako sa kanyang tiyan magsasalita pa sana ito ng saksakin ko ang kanyang dibdib ng balisong. Nawalan na ko ng kontrol lahat ng hinanakit at pagsubok ko ay idinaan ko sa pagpatay sa babaeng minsan na kong alayan ng kamatayan. May pumigil lamang sa aking kamay kaya napansin ko ring wala ng buhay ang babaeng dagan-dagan ko. Hindi na siya tumitinag kahit pilit akong hinihila ng kamay na umawat sa akin. "Enough." Buong boses niyang pakawala sa akin. Punong-puno ng dugo ang aking damit ,kamay at mukha. Nanginginig akong tumayo at nagising sa katotohanan na nakapatay pala ako. Teka, patay na nga ba siya? Nakapatay nga ba ako ng tao?? "Isa ka nang ganap na pinuno ng Viper Berus." Sabi ni Marnelie ng makarating ito sa pinangyarihan ng krimen. Pinagmasdan ko si Cedric wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Nandito siya at nasaksihan niya ang ginawa kong pagpatay sa babaeng ito. Siguro naman ay matatakot na siya, matatakot na kalabanin ang dating mahina at inaapi. A Y IE S H IE N
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD