Chapter 11

1865 Words
( Walang Papalit - Music Hero) "Bakit mo nasipan na umanib sa Viper Berus?" Mahinang tanong ni Joseph. "Gusto ko lang? Ah hindi...desperada kasi akong makuha ang gusto ko tutal naman kailangan mo makalagpas sa buhay kolehiyo kaya  naki-ride na rin ako." "Mahirap ang maging isang pinuno ng isang mafia o gang. Handa mo ba isugal ang mga bagay na nakasanayan mo baka na bibigla ka lang." "Sure na ako, handa na rin ako sa kung ano maaaring mangyari." "Kung ganoon." Inilahad ang kamay pagkatapos tumayo. "Friends?" "Friends." Ganti ko. "Welcome to our club sana ma-enjoy mo lang nang husto ang pagiging gangster at the same time ang pagiging leader ng Viper Berus." "Umaasa ako." "Maiwan na kita bina-batas na naman kasi ako ni Cedric." "Akala ko ba ikaw ang batas? Bakit tila natatakot ka sa isang 'yon?" "Ibang batas kasi ang hawak niya nakatatakot kung susuwayin mo. Advice ko lang kapag naghain kana ng rules para sa iyong grupo siguraduhin mong matatakot sila sayo."Mahina kong pagtango bago pa niya ko iwan mag-isa. Dalawang araw buhat ng inanunsyon ni Marnelie ang pagiging leader ko sa Viper. Madalas din kami magkita ni Joseph dito saibrary kahit mag-classmate kami sa isang subject. Nandito naman ngayon ang lalaking kinaiinisan ko. Halos lahat nang L-kingdom kilala ko at nakasama ng ilang araw mabilis ko lang din sila nakasundo pero ang isang 'to? Padabog niyang ibinaba ang libro. "Bakit hindi mo kasama ang mga Viper Berus?" "Kapag aral ay aral at kung away ay away. Hindi naman lahat ng oras nasa rambol ang Viper Berus 'di ba?" "Ano ba ang rules mo?" Sandali akong nag isip. Rules? "Kailangan pa ba no'n?" Usisa. "Syempre, paano ka nila susundin kung wala ka naman batas na panghahawakan." "Wala kasi akong alam pagdating sa ganyan." buntong-hininga ko. "Bigyan kita ng tips puwede rin kahit isang rule." "Isa lang? Hindi ba puwede tatlo ganoon?" reklamo ko. "Puwede pero sabihin mo sa ibang rule bawal ang laglagan," "Common na 'yan, eh." "Pangalawa, tungkol sa pakikipag cooperate ng team." "Ganyan ba ang rules mo?" "Oo." "Sus ang baduy!" "Baduy?" "Yes, baduy means jologs," natahimik ito. "Ano kaya kung isang rules ko ay bawal mag-boyfriend?" Patuloy ko. "Seryoso ka? Ang gaganda niyong Viper Berus kaya malabo 'yang sinasabi mo." "Kung pinuno ang tingin nila sa akin ay matatanggap nila ito ng buong-buo." "Eh iyong iba pa?" "Pag-iisipan ko." hindi sinasadyang nagkatitigan kami pero ako na lang din ang umiwas. "Paano pala sa rules mo na 'yan ikaw ang bumale? Mapangangatawan mo ba?" Seryoso nitong tanong. "Malabo, malabo pa riyan sa isipan mo. Hinding-hindi ako maiinlove at lalo kung ikaw ang lagi kong makikita sobrang labo talaga." Humalakhak ako upang siya naman itong maasar. Tagumpay naman dahil nagbago ang awra niya. Alam ko naman na pikon siya pagdating sa akin. "Papasok na ako." tumayo na para umalis. "Saglit!" Napalakas ang boses ko kaya lahat sila tumingin sa akin. "Anong tinitingin-tingin niyo? May angal? Siya ang bagong pinuno ng Viper Berus kaya tigil-tigilan niyo ang pangmamata sa kanya!" Bulyaw nito sa mga estudyante. Pasimple akong ngumiti. Iba rin pala talaga kapag umanib ka sa isang sikat at kinatatakutang gang. Akala ko puro karahasan lamang ang alam ng mga ito ngunit hindi pala nais ko pa makilala ang Viper Berus para mas maganda ang samahan namin lahat at mapagtuunan ko nang pansin ang miyembro as a leader. "At ikaw naman Reign samahan mo ang mga ka-miyembro mo!" Taas kilay ko siyang tinayo. "Alam ko ang gagawin hindi mo ko dapat diktahan, gets?" Pangbabara ko rito. Para makaiwas sa away ay ako na itong lumayo. Mahirap na baka kung saan na naman mapunta ang pag-aaway na ito. "Teka nga sandali..." at dahil respetado akong tao ay huminto ako. "Yayain sana kita sa headquarters namin mamayang gabi puwede ka ba?" "Bakit?" "W-wala lang, I mean si Marnelie madalas nandoon para pag-usapan ang mga taong dapat iwasan namin." "Magkakampi ba ang Lucifer Kingdom at Viper Berus? Curious lang ako dahil ang pagkakaalam ko ay kayo ang mainit na magkatunggali." Tumawa siya kahit wala naman nakatatawa sa aking sinabi. "Maling balita ang nakarating sayo. Ang VB at LK pinaka sikat dito sa University. In other words, never kami naging magkatunggali kahit sa anong larangan." "Ibig sabihin nito ay palagi kita makakasama?" "Hindi naman sa lahat ng oras kapag kailangan niyo lang ng tulong kaagad kami darating." "Okay! Marami pa nga ko dapat malaman sa grupong ito sana lang ay huwag kang masyado obvious ha?" "Obvious?" "Na gusto mo ako," Ngisi ko, "Alam ko naman 'yon at hindi ako manhid Cedric." Tanging tawang malakas ang narinig ko nang mag-walk out. Eh ano naman kaya nakatatawa sa sinabi ko. Buwisit na hambog na gangster 'yon. Nag-message ako sa buong Viper magkita kami sa headquarters mamayang gabi sabi ko sa text. "MAYROON na akong inihandang rules. Hindi lang ito para sa akin kung hindi para sa atin lahat. Isa tayong samahan na dapat kung ano rules ibinigay ng leader ay susundin. Siguro naman ay walang kakalaban sa akin kahit baguhan pa lamang ako, right?" Pabalik-balik kong lakad habang nagsasalita. "Unang rules," Tumingin ako sa kinauupuan nila Leah, Thania at Christine. "Kung ano mayroon sa isa ay dapat mayroon din ang lahat. Kung nauunawaan ang aking sinabi pakitaas ang kamay," Lahat nagsipagtaas ang kamay at mukhang nauunawaan nila ang nais kong iparating. Hindi man sa materyal na bagay ay dapat maging mapagbigay din sa mga gawain na itinalaga namin. "Ikalawang rules," kina Desirie, Christina at Roselle naman ang tanaw ko. "Mga babae tayo at dapat pangatawan natin na tayo ang dapat hinahabol ng mga lalaki in short dapat sarado ang puso natin pagdating sa pag-ibig." bulungan ang lahat. "May problema ba sa sinabi ko?" Duda ko sa mga ikinikilos nila. "Ano ba nais mong ipunto na bawal kaming magmahal?" Masamang tingin ni Christina. "Exactly, hindi maaaring magmahal ang marunong pumatay kaya kung ako sa inyo iwasan niyo ang mga lalaki lalo kung alam niyong gusto rin kayo nito." "Ano naman ang kaparusahan kung lumabag sa ipinag-uutos mo?" Maangas na tanong ni Roselle. "Dalawa lang naman ang pagpipilian, mapapaalis ka sa grupo. Kung napatunayan na lumabag ka nga sa ipinag-utos ko mawawalan ka nang kapangyarihan upang diktahan ang ilang tao. Kayamanan, pamilya, at kaibigan ay mawawala kaagad sayo at kailangan mo magpakalayo-layo." "Eh ano naman 'yong isa pa?" Tila naguguluhan wika ni Leah. "Viper berus or love? kung pinili mo ang Viper mananatili kang miyembro ngunit ikaw ang papatay sa taong minahal mo. Simple lang 'di ba?" Lahat ay tumango hudyat ito na pumapayag sila at umaayon sa nais kong patakaran. "Sana nagkakaunawaan tayo Viper's." "Yes leader!" tugon nang lahat. "Roselle, maaari mo ba akong samahan sa headquarters ng L-kingdom?" tumingin muna siya sa akin sunod kay Christina. "Nais kong ipalawak pa ang samahan ng L-kingdom at Viper berus." "Ngunit hindi maaari 'yang nais mo, Reign. Mga lalaki sila hindi maiiwasan na sa lahat ng pagkakataon makakasama natin sila at baka hindi sinasadyang may mga mahulog ang loob na isa sa atin." Napa-ismid ako. "Kung talagang nasa puso mo ang pagiging gangster hindi mangyayari iyon." "Bakit ba kasi naisipan mo ganyan ang rules curious lang." Nahihiyang tanong ni Leah. "Kayo ang dapat mas makakaunawa niyan di ba? alam niyo naman sa patakaran ng mga gangsters kapag nalaman nila kung sino kasintahan niyo ay pag-iinitan ng mga kaaway at iyan ang nais kong maiwasan natin hanggat maaari ay tayo ang umunawa sa mga rules natin." "May point ka nga naman may ibang gang na pupuntiryahin nila ang mahal mo kaysa direktang ikaw ang saktan. Hindi ba mahirap 'yon para sa atin? Kaya guys, sana nauunawaan niyo ang nais ng ating pinuno. Kapakanan lang natin ang iniisip niya at maging ating nararamdaman. Kung kaya naman natin mabuhay na walang minamahal iwasan natin. Huwag natin ito babaliin ng isang beses o pangalawa pangbeses. Ang rules ay rules." Pagsang-ayon ni Roselle na kahit paano ay dapat si Roselle ang pinuno dahil may mas alam siya kaysa sa akin ngunit dahil nga nais ni Marnelie na wala isa sa kanila ay ako ang pinili. Sinamahan ako ng Viper Berus  sa Headquarters ng mga L-kingdom. Kompleto ang LK kaya hindi magiging mahirap para sa akin na makipagkasundo kung ano ang nais ni Cedric. "Hindi mo ako binigo." may kasamang galak na wika ni Cedric sa akin. "Kasama ko ang vipers ano ba pag-uusapan natin?" Usisa ko. Tumayo ito sa kinauupuan. "Napag-alamanan namin na buhay pa si Alea, ang pinuno ng shadow blade. Hindi ako maaari magkamali sa puwedeng mangyari. Maaaring balikan ka niya at ang grupo mo." "Buhay pa pala? Ilang saksak nga ba ang natamo niya?" Maangas kong tanong. "Nasa doseng saksak? May pagkakulto yata ang isang iyon hindi man lang nag-agaw buhay sa hospital." Siwalat ni Axel. "Kaya nga nais ko kayong makausap ukol dito kilala ko ang shadow blade hindi iyon nagpapahinga para gumanti. Sa mga oras ngang ito baka nagbabalak na silang puntahan kayo sa Headquarters pero hindi nila kayo maaabutan." Ngayon ko lang napansin na kakaiba rin si Cedric kapag kausap na ang Vipers at Kingdom. Pinunong-pinuno ang kanyang datingan. "Nais ko lang mapalawig ang samahan natin. Kung gusto niyo ay makipagkaisa kayo." "Ngunit hindi maaari nasa rules namin na bawal makipagkaisa sa mga kababaihan lalo kung riot na ang pag-uusapan." Pagtanggi ni Zayn. "Kayo ang dapat mas makakaunawa niyan 'di ba? alam niyo naman sa patakaran ng mga gangsters kapag nalaman nila kung sino kasintahan niyo ay pag-iinitan ng mga kaaway at iyan ang nais kong maiwasan natin. Hanggat maaari ay tayo ang umunawa sa mga rules natin." "Young Master." Tawag ni Erdem na may hawak na Cellphone. Kinuha ito ni Cedric. "Hello." Umpisa ni Cedric. "Alea, napatawag ka yata may kailangan ka ba?" Nagbago ang awra ng kanyang mukha. "Hindi kita matutulungan diyan dahil naunahan kana," Nakangisi tingin sa akin. "Oh C'mon Alea, alam mo naman ang patakaran rito first come, first serve." Pinatay ang cellphone sabay balik kay Erdem. "Can we talk? tayo lang sana." Akala ko sa akin nakatingin ngunit kay Roselle pala. Pumasok sila sa isang kuwarto na sila lang dalawa. Hindi ko pag-iisipan ang Viper Roselle dahil alam niya ang bagong rules. 'ZAYN'S POINT OF VIEW' ISINARA ko na ang zipper ng pantalon pagkatapos ay umupo na parang walang nangyari. "Ibig sabihin nito ay wala pa rin tayong pag-asa na ipaalam ang ating relasyon ?" Tanong ko. "Ganoon na nga, kahit bago lang si Reign bilang pinuno ay dapat namin sundin dahil na rin kay Marnelie." "Hanggang tago na lang pala tayo. Hindi ko man lang maipakita ang tunay na hangarin ko." "Zayn, may naisip ako bakit kaya hindi natin pagkaisahan sina Cedric at Reign? Tutal sila naman itong gumawa ng rules. What if nagkagusto sila sa isa't-isa?" "Ikaw na ang nagsabi na kapag may lumabag sa rules nila ay papatayin. Kaibigan ko si Cedric hindi yata ako makakapayag." "Kung magagawa nga ni Reign? Paano kung sa sobrang pagmamahal niya kay Cedric mas piliin niyang umalis na lang sa grupo? So ang ibig sabihin niyan ay ako ang magiging bagong pinuno ng viper berus." "Mautak ka rin ano? Kaya lang dapat natin planuhin ang lahat. Huwag tayo basta-basta mag-pla-plano na hindi nag-iisip." Sabi ko. "Mauna ka susunod ako sa plano. Kaibiganin mo nang husto si Reign at ipaglapit kay Cedric. Pagkatapos ay ako naman ang gagawa ng hakbang para dumating sa point na hindi na sila makakawala sa parusa." "Ang taba talaga ng utak mo. Tara nga rito." Lumapit naman ito sa akin at kaagad humalik sa labi. Matagal na kaming may relasyon ng babaeng ito at walang sino man ang maaaring makaalam dahil sa mga rules na ibinibigay ng aming pinuno. Kung maaaring ipagkaluno namin ang isa't-isa ay gagawin namin paraan ng sa huli ay kami ang maging bagong pinuno sa aming gang. May kumatok sa pintuan kaya nagmadali kaming lumayo sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD