Chapter 12

2871 Words
Cedric's Point Of View "Sira ulo ka talaga ! Ginawa mo kay Reign iyon?" Halos hindi makapaniwala ang mga ito sa sinabi ko. "Baka naman gusto mo si Reign?" Naka ngising usisa ni Axel. "Sira ulo ka rin ba? Hindi ko siya magugustuhan." Singhal ko. "Hindi nga ba? Eh bakit mo nga ginawa 'yon? Siguro hindi kana virgin noh?" Tawa ng tawa si Frankie. "Hoy ! For your info. Ako na lang dito ang Birhen sa ating walo. Wag nyo nga ko idadamay sa mga kalokohan nyo." Pagmamalaki ko. "Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong namin. Bakit mo nga ba ginawa 'yon kay Reign?" Seryosong tanong si Zayn. "Nainis lang naman ako dahil sayo!" Nandidilat ang aking mata habang naka ngisi itong naka titig. "Sa akin?" Wari ka pang Zayn ka! Alam ko naman na alam mong nakita ko kayo noon. "Teka , ano 'to? May away na naman ba?" Siyang awat ni Joseph. "Sinabi ko naman di ba huwag kayo lalapit sa mga binibigyan ko nang stub. Bakit ba ang titigas nang mga ulo nyo? Ikaw Joseph ,at ikaw rin Peps." "Wait. Akala ko ba titigilan na natin si Reign?" Usisa ni Erdem. "Oo nga." Nakasimangot sagot ni Axel. "Basta wag nyong gagalawin si Reign!" Singhal ko. "Aba teka. Mukhang may ibig sabihin na niyan." Usisa ni Axel. "Wag nyong bibigyan nang ibig sabihin 'non. Ako lang ang may karapatan manakit sa kanya." Banta ko. "Pero hindi mo siya maaaring saktan pa dahil miyembro ngayon siya ng Viper." Paalala sakin ni Erdem. "Alam ko. May limit lang naman ang pagiging mabait ko. Maaari ko pa siyang saktan kung gugustuhin ko." Lahat sila ay nakuhang umiling sa pinakita kong ugali. Eh bakit? Totoo naman ah? Ako ang batas dito. Ako ang Young Master kaya ako lang ang maaaring gumalaw sa taong trip kong saktan. Kahit pa sabihin Gangster na rin si Reign ay hindi pa sakin okay 'yon dahil baguhan lang ang tulad nito. "Yong ipinapakita mo palang kabaitan sa kanya eh wala lang pala 'yon?" Usisa ni Zayn. Marahan kong tinignan ang lahat. "Iwan nyo muna kami ni Zayn may dapat lang kaming pag-usapan." Seryoso kong utos. Mabilis din at sumunod sila sa akin. "Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?" Panimula niya. "Ano ba ang utos ko sainyo? Hindi ba bawal sainyo ang magkaroon ng babae dahil madadamay kapag may kaaway na naman? Hindi ka ba nag iisip ha ,Zayn?" "Wala akong girlfriend. " "Wala nga pero nagugustuhan meron. Tama ba ko?" Matagal itong naka sagot. "Ikaw ang inaasahan kong mas makakaunawa dahil alam kong subok kana. Ikaw ang papalit sa akin kapag nawala ako bilang leader ng group." "Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi ka maaalis sa grupo natin." "Hindi ako nakaka sigurado. May pangitain akong may magtra-traydor sa akin." Natahimik siya. "Hindi naman siguro ikaw iyon di ba?" "Ma-malabo. Bestfriend mo nga ko di ba?" "Mabuti nagkaka-unawaan tayo. Sana lang ,mali ang pangitain ko." Lahat sila ay tila nag bago ng ikinikilos. Kaya tuloy mahirap paniwalaang may isa rito sa mga kasama ko ang trinatraydor akong patalikod. Pero bago sana yun sana lang ay malaman ko nang maging handa ako sa taong makakalaban ko. "Si Reign." Mahinang sabi ni Erdem habang naka tanaw sa labas ng canteen. Lahat kami ay tumingin. Ibang-iba na ngayon ang kanyang pormahan. Iyong dati napaka simple niya ngayon ay halos makikilala mo siyang Gangster. May mga kausap ito ngunit mga simpleng estudyante lang. Nasaan na naman kaya ang viper Berus bakit hindi na naman niya kasama? "Ang bilis niyang mag bago. Tingin mo Ced ? Bakit pumayag siya maging leader ng Viper?" Usisa ni Axel. "Inofferan siya I think ng mga Viper kapalit ng kapangyarihan dito." Bulaslas naman din ni Frankie. "Paano naman? Teka... Tama! Maaari nga! pero bakit siya ang ginawang leader. Pwede naman kahit miyembro lang. Hindi ba malaking isyu yun pagdating sa mga matagal nang VIPER?" Tuloy ni Calvin. Wala pa kaming napag-uusapan ni Marnelie tungkol dito. Wala nga kong kaalam alam na umalis kaagad siya. Tanging kay Roselle ko lang na kumpirmang si Reign na talaga ang Leader. Pabor naman dito si Roselle pero may magilan ngilan nag rereklamo kay Roselle at isa na nga rito si Christina Go. Si Christina ang pinaka naunang kaibigan ni Marnelie rito kaya alam kong isa siya sa umaasang papatungan nang kamay ng kanilang Leader. "Siguro hindi na tayo dapat pangialam doon. Pabor naman ako maging Leader siya upang wala mag agawan sa mga pioneer member." Usal ni Joseph. "Tama ka Seph. Ang dapat na lang natin gawin ay iyong tulungan sila kapag may kailangan." Pagsang-ayon ni Peps dito. "Hindi ako pabor doon." Kahit mahina man ang sambit ni Zayn alam kong galit siya. "Kung sa atin ba mangyari yun at may bago pa lamang sa atin pero siya ang ginawang leader ni Cedric hindi ba kayo magpro-protesta?" "Lawakan mo na lang ang pang unawa mo Zayn. Kung totoong Lucifer Kingdom ka dapat alam mo kung saan ka lulugar. Kahit ikaw pa ang pinagkakatiwalaan ni Cedric kaysa sa amin." Wika ni Axel. Nagkatinginan kami sa mata nitong bestfriend ko. Alam naman niya. Alam niyang siya ang gagawin kong leader kung sakaling umalis ako sa grupong 'to pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko nais iwan ang mga kasama ko. Pamilya na rin ang maitatawag ko sa L'kingdom at iyon ang hindi kayang gibain ng ilan. Bahagya lang akong natanaw muli sa labas ng canteen. Tumayo ako upang lumabas. "Saan ka naman pupunta?" Usisa sakin ni Zayn. "Sandali lang. May kakausapin lang ako." Walang tingin tingin akong lumabas nang tuluyan. Nilapitan ko si Reign habang ang mga kausap niya ay kusang umalis nang makita ako. "Anong sa palagay mo ang ginagawa mo?" Dinilatan ko ng mata. "Ha?" Ngumunguya ito ng chewing gum. Lumingon ako sa loob ng canteen bago siya hilahin palayo. Dinala ko siya kung saan walang gaano tao upang maka usap siya ng maayos. "Nasaan na naman ba ang mga Berus? Tsaka , ano ba 'yang ayos na yan?" Dahan-dahan nitong tinignan ang kabuuan ng kanyang kasuotan. "Maayos." Pamimilosopo niya. "Tinatanong ko kung bakit ganyan! Bakit nag bago ka nang image!" Tinaasan niya ko ng kilay sabay irap na rin. "What do you think? I'm a Gangster , karapatan ko bilang isang gangster mag bago ng imahe para lamang ipakitang dapat nila akong respetuhin. Alam mo naman siguro dapat di ba?" "Kaya mo nga bang panindigan 'yan? Baka naman sa una lang 'yan ah? Alam mo, may panahon pa para umalis sa pagiging gangster dahil hindi mo nga alam kung ano ang maaari mangyari sayo sa pagpasok mo diyan." "Inuutusan mo ba ko? Hoy Cedric ! Baka nakakalimutan mo parehas na tayo nang kinalalagyan. Do you think na matatakot ako sayo ?" Napa singhap ako sabay ngiti ng nakaka loko. "Totoo ba 'yan o nagtatapang tapangan ka lang? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. Isang Reign Annie na binubully dahil sa pagiging ilap sa lahat ng mga estudyante pero ngayon kaharap ko na at nakikipag away sakin. Bakit? Magkano ba binayad sayo ng Berus para lang palitan mo si Marnelie?" "Kakaiba ka rin noh? Tama nga sila. Dapat nga raw kitang iwasan dahil kakaiba ang ugali mo. Parang noong isang araw okay pa tayo tapos ngayon aawayin mo ko." Maangas nitong wika. "Yan lang ba ang sasabihin mo?" Tumingin sa relo. "Sinasayang mo lang ang oras ko. Mabuti pa bumalik kana sa mga ka grupo mo." Ipinusod nito ang kanyang buhok. Kinapalan ang kanyang itim na lipstick bago ako iwan mag-isa.Kung tutuusin ,bumagay naman sa kanya ang ayos nito. Kaya lang hindi pa rin ako hanga sa pagiging gangster niya. Parang may something na pilitan na nangyari. Nakaramdam na ko nang pagka buwisit kaya nagawa kong magpaalam sa aming group chat. Alam naman nila kung bakit uuwi ako. Dumaan na muna ako sa Headquarters namin upang may kunin ngunit bago pa ko makapasok doon ay may humarang sakin. Sobrang lalim ng tingin nito na tila nag hahamon ng away. "Nang gigigil ako sayo Cedric! Paano mo naman nagawang iwan ako sa ere!" Sabi ni Alea. Kasama niya ang dalawang babae. "Hindi kita iniwan." Nakakaloko kong sagot. "Pwede ba Ced? Girlfriend mo ko!" Lintek! Hindi na siya natuto. "Umalis kana nga diyan! May utak ka naman di ba? Matagal na tayong wala. Hanggang kailan ka ba mag hahabol?" Iritable kong tanong. "Hanggang ngayon ba naman Ced?" Inaartehan na naman niya ko. Kaasar! "Nag agaw-buhay na nga ako sa Hospital hindi mo man lang ako dinalaw. Anong klaseng tao ka!" "Alam ko naman ba hindi eh. Kayang-kaya mo na yan! Ikaw pa ba?" "Hanggang kailan mo ba gaganyanin? Ano Ced! Mukha na nga akong tanga kakahabol sayo tapos ikaw naman diyan na nagpapakipot pa!" "Hindi ako nag papakipot. Wala sa vocabulary ko yata ang pakipot word." Kitang-kita ko pa rin ang gigil sa kanyang mukha. Talaga nga yatang naiinis na siya sa akin. "Sige. Pagbibigyan kita Ced pero wag ko lang malamang may babae kang nagugustuhan kung hindi..." "Kung hindi ano?" "Mapapahamak siya. Sisiguraduhin kong paglalamayan mo siya." Banta sakin. Akala ba niya natatakot ako? Hindi marahil dahil wala naman akong nagugustuhan. Sakit sa ulo lang ang mga babae, tulad na lang nang mga papansin sa University. Maraming humahanga sa akin. Hindi naman ako naiinis doon kaya lang ang ayoko sa lahat ay iyong pinakikita pa nilang naghahabol sila sa akin. Hindi sila nahihiyang mag confess kahit pinagtatawanan na sila. Kahit bina bastos ko ang nararamdaman ng mga ito. Mga walang kadala dala. "Hey dude! Alam mo na ba kung ano nangyari last night?" Bati sakin ng mga kasama ko sa Bar. Wala ngayon ang Lkingdom kaya na gawa kong sumama pansamatala sa ibang miyembro upang magliwaliw. "Last night?" "Yeah! Bumalik si Zen. Hindi mo pa ba alam?" Tama ba itong naririnig ko? Bumalik siya? Bakit? "Dude naman! Bakit mo sinabi kay Cedric. Alam mo naman na hindi pa rin maka move yan sa Zen na 'yon?" Epal na sabi ng isang lalake. Hindi ko siya ka close tanging ito lang kausap ko. Tinungga ko ang basong nasa harapan bago tumayo. "Wait." Hinarang ako ng isang babae. Hindi naman siguro ako nagkakamali sa nakikita. Nasa harapan ko na nga si Zen. Ang babaeng nang iwan sa akin. Technically , iniwan ako dahil sa future niya and blah.. Blah..so on! "Ikaw pala." Mahina kong sabi. "Hindi ka ba happy?" Nahihiya niyang tanong. Sarap sampalin. Hindi raw ba ko happy? Wow. "Happy." Sumilay sa kanyang labi ng ngiti. "Pero hindi dahil sayo." siya naman balik ang naka simangot niyang mukha. "So , may bago kana nga. Si Alea 'yon tama?" "Ano bang pakialam mo?" "Galit kapa rin ba sakin? Cedric ,please ...kausapin mo naman ako ng matino. Nandito na ko. Bumalik ako para sayo." Anak ng ... Hinila ko siya sa loob ng VIP room. "Bumalik ka?" Usisa ko. "Oo. Bumalik ako dahil para sayo. Hindi para kay Peps." "Kung balak mo na naman----" "Hindi! Hindi na kami nag uusap ni Peps simula nang umalis ako sa University. Iniwasan ko na siya at umuwi sa Venice. Maniwala ka naman. Cedric , bumalik ako para sayo. Bumalik ako dahil hindi ko kayang wala ka." Niyakap niya ko. Alam ko naman kung gaano kami nagmahalan noon. Kaya lang, na sira kami ni Peps dahil sa ginawa niyang panloloko sa amin. "Pag bilang ko nang tatlo at hindi kapa humihiwalay matatamaan ka sa akin." Banta ko rito na kaagad naman niyang ginawa. "Hindi kapa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang batas." Malumanay niyang wika. "Kung balak mo na namang sirain ang L-kingdom ,pwede ba wag na lang? Maayos na ang pamamalakad ko rito. Wag mo na lang sana balikan ang nakaraang matagal na namin kinalimutan." "Hindi naman kita masisisi kung bakit takot ka. Takot ka na magmahal muli. Takot ka na masira na naman ang miyembro mo dahil na naman sa akin. Nauunawaan ko." Tinapik ko ang balikat nito bago siya iwan sa loob ng room. Wala akong panahon para siya'y intindihin. Wala na rin naman sa akin ang lahat nang nangyari. Tapos na 'yon. Naka move on na kami ni Peps kaya sana naman ay mag move on na rin siya. "Good morning Young master." Nararamdaman kong may kakaiba ngayon sa Lucifer Kingdom. Tulala ko silang pinagmamasdan habang sila ay naka ngiti lamang. "Cedric! Tulog ka pa ba?" Biro ni Peps. Napa buntong hininga ako ng humarap siya sa akin. Napaka panget kasi ng gising ko. Nasulyapan ko sina Frankie at Erdem nag bulungan. "Wag mo muna sabihin." Iyon lang ang narinig kong sabi ni Erdem kay Frankie bago may dumating sa tambayan namin. Pikit mata akong tumingin sa babaeng may dalang papel. ( love letter ) dinampian ko ang aking batok. Parang sumakit ito at umakyat sa ulo. Kinuha ko ang sulat sa babae at binasa. Wala naman din kwenta ang mga sinabi niya. As usual , nagtatapat na naman ang isang 'to. Tumayo ako, pinunit ang papel ng sobrang pino. "Kainin mo." Malumanay kong utos sa babae. Sobra siyang nabigla sa sinabi ko. May sasabihin sana siya pero muli akong nagsalita. "Ang sabi mo sa sulat ay gagawin mo ang lahat para lang sa akin. Kung ganoon ay kainin mo ito sabay lunok." Hind nagsalita ito. Dahan-dahan niyang kinuha sa akin ang papel sabay subo sa mga pira-pirasong papel. Kasabay non ay inilunok niya. "See? Ginawa mo nga. Sorry pero hindi pa rin nag bago ang isip ko. Sa tingin mo ba ang tulad mo ay na babagay sa tulad ko? Kung sa palagay mo sa inyong sarili ay 'Oo' pero sorry talaga babae hinding-hindi ako papatol sa gaya mong malandi at papansin. Hindi ka ba nahihiya sa akin? O di kaya sa mga kasama ko? Hindi ka ba natatakot na maaaring bigyan kita ng White stub sa kahangalan mo?!" "Ka-kahit anong gawin mo. Kaya ko naman eh. Kahit black stub pa 'yan mapansin mo lang ako." Nagtawanan sina Zayn. "Ano ba istado nyo sa buhay?" "Kung ano ang istado mo." Balik niya. "See! Mayaman ka naman pala. Eh bakit nagpapaka tanga ka sa harapan ko!" Bulyaw ko rito kaya naman ang lahat ng estudyante ay bumaling sa amin. Umiyak ito. "Wala naman sa istado ng buhay kung paano mag mahal. Bakit ikaw? Hindi ka ba nakaranas ng pagmamahal? Kaya ba ganyan ka na lang mamahiya sa mga babaeng nagpa papansin sayo!" "Sino ka ba para sabihan mo ko ng ganyan? Para questionin ang nararamdaman ko?" "Dahil wala kang puso!" Tila umalingawngaw ang kanyang boses."Balang-araw magsisisi ka." Banta niya sa akin. "Hoy! Umayos ka! Hindi mo dapat binabantaan ang Young master! Pwede kang ma-kick out dito!" Hindi na pigilang sabi ni Axel. Wala ng ginawa ang babae kung hindi ang iwan kami. Kusang naglayuan ang mga tao sa amin dahil alam nilang madadamay sila kapag nakita naming nakikiusyoso sila. Muli kong hinawakan ang batok. Lumapit sa akin ni Zayn. "Alam nyo na ang gagawin sa babaeng 'yon." Mahina ngunit may banta kong utos sa mga ito. Kumilos sila sa dating gawin. Ginawa kung ano ang parte nila. Hindi dapat maka alis ang babaeng yon na hindi man lang nararansan ang masaktan. Masama kong tinignan ang guro namin dahil hindi pa ito nagsisimulang mag turo. Gusto pa nga yata niyang ma-kick out sa ginagawa niyang pagtanga sa harapan namin. Huminga ito ng malalim bago tumingin sa aming lahat. "Patawarin nyo ko. Bago sana ako mag-ligpit nang mga gamit sana ihanda nyo ang inyong sarili para pumili ng bagong magtuturo." Napaayos ako ng upo habang ang ilan ay nag bulungan. "Kusa akong nag resign sa University. Patawad dahil sa ginawa ng anak ko Young Master." Sa akin na ito naka tingin. "Anak ko po ang nag abot ng Letter sainyo at pinakain mo rito." Natigilan ako. "Naging mabuti kayo sa akin Mr. Cedric. Hindi nyo ko bina bastos sa tuwing nasa klase kaya ako na po ang humihingi ng kapatawaran para sa anak ko. Wag nyo lamang siya bigyan ng stub." "Bakit sinabi niyang magka level lang kami?" Hindi naman mayaman ang guro namin kaya natitiyak kong nagsinungaling siya sa akin. "Patawad. Patawad talaga. Aalis ako ng kusa ngunit bago iyon ay bawiin nyo ang white stub sa anak ko. Mahirap lang kami at ang Papa niya ay nasa Hospital pa." "By the way , hindi naman white stub ang ibinigay ng L-kingdom sa anak nyo. Black stub na. BLACK STUB." matapos kong sabihin yun ay tumakbo siya palabas ng room namin. Sumunod kaming lahat sa kanya hanggang sa datnan namin sa isang bakanteng lote ang babae kanina na binubugbog ng mga kalalakihan at kababaihan. Maaaring kanina pa nila ito binubugbog dahil sa mga dugo at sugat nito sa katawan. Gumitna ang babaeng guro namin umiiyak habang naka yakap sa anak na mawawalan nang malay tao. "MGA WALA KAYONG PUSO. LAHAT KAMI PINAIIKOT NYO LANG SA MGA KAMAY NYO. BAKIT BA PUMAYAG PA KONG IPASOK SIYA RITO." tumatangis niyang sabi habang naka tanaw sa kinaroroonan ko. "Kasalanan mo." Lahat kami ay tumingin sa likuran. Habang ang babaeng nagsalita ay naka tanaw sa kinaroroonan ng mag ina. "Ikaw lang naman ang nagpumilit makapasok dito sa University di ba? Dahil gusto nyong lumawak ang kaalaman ng anak nyo at kumita. Noon pa man ay hindi kana pinayagan ng principal para pumasok dito at dahil sa tigas nang mga ulo nyo napa hamak tuloy kayo." Tumingin siya sa akin ng maigi. "Tama ba ko Cedric?" "Pare-pareho lang kayo! Mayaman man o mahirap pinahihirapan nyo!" Sigaw muli ng guro namin. "Kung hindi ka titigil kakasalita mawawalan kayo ng karapatan at ari-arian!" Banta ng babaeng kasama ko. "Zen." Tawag ko. "Bakit? Wag mo sabihing naaawa ka sakanila?" "Bakit ba nandito ka?" Lumapit sa akin. Imbis na pakinggan ko ang kanyang sinabi ay mas napansin ng aking diwa ang kanyang maingay na takong nang sapatos. "Dahil bumalik na ko para sayo." Naka ngisi niyang tugon sa katanungan ko bago namin na rinig ang malakas na iyak ng aming guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD