Malakas na iyak ang namayani sa field.Kung saan andoon pa rin ang mga estudyante at ibang guro upang saksihan ang kadramahan nang mag-ina. Humawi ang mga tao dahil paparating si Reign.Gamit ang mga mata nito ay may iilang nanunuod na biglang lamang umalis.Lumapit siya sa mag-ina pagkatapos ay naupo ito upang matiyak ang kalagayan ng dalawa.
"Pasensiya na po." Tumingin ito sa ilang kalalakihan. "Dalhin nyo sila sa Clinic." Utos nito. Kaagad naman inalalayan ng mga lalake ang babaeng binugbog.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Maangas kong usisa sa kanya na kaagad nitong tanaw sakin.
"Ano pa bang hinihintay nyo! Dalhin nyo na 'yan sa clinic!" Sigaw niya sa mga ito.
"Isang hakbang nyo lang sisiguraduhin kong hindi na kayo makakatapak sa Unibersiting ito." Banta ko naman,dahhilan upang hindi sila gumalaw sa kinatatayuan.Tumingin siya sa akin at Tumayo.
"Hindi kapa ba masaya? Wala ka rin kontento sa buhay noh? Ikaw na nga diyan ang nagugustuhan ang lakas pa nang loob mong manghamak ng tao." Kaliwa't-kanang bumaling ang leeg ko.
"Ano bang problema mo? Akala ko ba okay na ang Lucifer kingdom at Viper Berus? Bakit tila nangingialam ka sa mga ipinaguutos ko?" Iritable kong tanong.
"Dahil mali ang ginagawa mo!" Sigaw niya.
"Ganoon? Nakipag kasunduan ka lang ba sa'min para ituwid ang baluktot naming gawa?" Natatawa ko pang sabi.
"Parang ganoon nga.Gusto ko lang ituwid ang baluktot nyong gawain dito sa KU!" Papalapit sina Axel at Joseph sa akin.
"At sa palagay mo ikaw ang makakapag patuwid non?" Tumawa kaming tatlo. "Marami nang sumubok pero walang nag tagumpay.Marami nang umangal ngunit wala rin silang binatbat. Sinasabi mong gusto mong itama ang baluktot? Ang gaya mong baguhan pa lamang sa Mafia Gang?" Tumahimik ang mga tao sa susunod na sasabihin ni Reign.
"Matakot kana dahil ako na ang sinasabi mong makakapagpabago sa lahat." Mas lumakas ang tawanan namin. Hindi ko napansin malapit na siya sa akin.
"Wag mo ko pinagtatawanan !" At doon tila gumuho ang mundo ko. Isang sapak ang ginawa niya sa akin. Hindi ako naging handa sa maaari niyang gawin. Pinagmasdan ko ang galit na galit niyang mukha. Naka tiklop pa rin ang kamao nito halatang nanginginig pa. Lalapitan sana siya ni Axel upang gumanti pero itinaas ang braso ko.
"Marami na rin sumapak sa mukha ko." Kunwari nag bibilang ako sa mga daliri. "Mga nasa forty pero bumabawi naman ako dahil ginagantihan ko rin sila!!" Dapat ang matatamaan nang aking kamao ang mukha nito ngunit ibang mukha ang natamaan. Huli nang mapansin kong si Zayn ang sumalo nang sapak.Bahagya siyang nabuwal ngunit kaagad siyang inalalayan ni Reign.
"Sa forty na sinapak mo hindi ba't lahat sila mga pioneer pagdating sa gulo?" Kahit mahina ang boses nito ay dinig ko pa rin. "Nakakatawa ka Cedric,dapat alam mo 'yan."
"Heto nga ang masarap pagdiskitahan! Wala pang karanasan pagdating sa ganitong pakulo ng mga Gang. Humarang harang kapa. Ano ba palagay mo sa sarili mo? Isang super hero?" Tumingin ako sa mukha ni Reign. Alalang alala ito sa kaibigan ko habang naka hawak sa kamay at braso. Nahuli niya kong naka tingin.
"Yan ang napapala sa mga taong hambog.Kung lagi mo pinaiiral ang init nang ulo hindi maiiwasang isa sa mga kaibigan mo ang masasaktan."
"Calm down." Bulong pa ni Zayn.
"Nagkakampihan ba kayo?" Nang gigigil kong tanong.Imbis sagutin nila ang tanong ko ay inutusan ni Reign ang mga tao dalhin ang mag-ina sa Clinic. Habang nilapitan niya si Zayn papalayo sa akin.
"May namamagitan ba sainyo?" Mariin kong tanong sa dalawa. Huminto naman ang mga ito at humarap.
"Sobra kana rin kaya 'di ko matiis kampihan siya. By the way , kung meron man namamagitan samin may problema ka ba roon?" Ngayon lang ako bina bastos nang ganito ng bestfriend ko.
"Binabali mo na ba ang ipinag-uutos ko?" Angal ko pa.
"Hindi.Hindi mangyayari 'yun pero kung ganyan ka rin naman nang ganyan --baka nga."
Ipagpapalit nya ang pagiging L'kingdom dahil sa babaeng 'yan?! Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan ang kanilang pag layo.
"Fvck*! Nasuntok ko ang pader nang Headquarter.
"Kung sa tingin mo binabali na rin ni Zayn ang pagka kaibigan nyo bakit hindi mo kausapin?" Payo ni Erdem.
"Tawagan nyo si Zayn. Kailangan namin mag-usap." Mariin kong utos.
Nagmamasdanan kami habang ako ay naka tayo at siya ay naka upo sa upuan. Naka de-kwatro ,naka pasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Tumayo siya upang umalis pero nagsalita ako.
"Naninindigan ka ba sa mga sinabi mo?"
"Kung ano iniisip mo."
"Bakit mo ginawa 'yun?"
"Alam mo naman di ba?"
"Kahit na! Gusto mo ba ang babaeng yun?" Matagal bago maka sagot.
"Ano ka ba? Bakit ko naman gugustuhin ang gaya niya? Tingin mo ba ipagpapalit ko ang pagiging gangster sa tulad niyang wala pang nalalaman?" Binabasa ko ang kaniyang mukha. Alam ko naman kung nagsasabi ito nang totoo o hindi. At ngayon? Kita ko naman nagsasabi siya nang totoo.
"Oh baka naman ikaw ang may gusto sa kanya. Nagseselos ka?" Dugtong niya.
"Akong si Cedric? Magkaka gusto sa gaya niya? Alam mo naman wala sa kanya ang lahat nang katangiang gusto ko sa isang babae."
"Nagseselos?"
"Bakit mo ko pinaghihinalaan?"
"Dahil iba ang galit sa selos."
"Pero hindi nga ko nagseselos. Naiinis lang ako dahil masyado syang mapapel."
"Oh? Ano balak mo?"
"Hindi ko pa alam."
"Hindi na rin ba tayo makikipagka sundo sakanila?"
"Malalaman natin. Iniisip ko rin ang sasabihin ni Marnelie. Baka isipin niyang may kinikilingan tayo."
"Meron naman di ba? Napaka laki nang respeto natin kay Marnelie habang dito naman kay Reign parang pinakikita natin na hindi siya karapat-dapat."
"Talaga?" Paniniguro ko.
"Oo naman. Pansin na pansin ko yun."
"Gagawin?" Usisa ko.
"Dapat mas maging malapit pa tayo o ikaw mismo kay Reign."
"Malabo. Alam nyo naman kapag nag dikit lang kami lagi may na mumuong sama nang panahon."
"Ikaw naman kasi. Try mo minsan maging sweet. Lagi mainit ulo mo. Tsaka pwede naman pag bigyan mo nalang siya sa gusto niya."
"No way!"
"Sige bahala ka."
"Ituwid ang baluktot? Tsk ,kalokohan." Inis kong wika.
"Bakit hindi? Malay naman natin siya pala ang makakapag pabago sa atin?" Tila nag alangan itong magsalita ukol dito.
"Do you think dapat tayong matakot? Hindi ang isang gaya niya ang makakapag pabago nang buhay natin."
"Sinasabi ko lang naman. Tsaka malay lang natin."
"Pero hindi mangyayari yun." Diin ko.
"Kay Zen lang gusto mo." Bulong niya.
"Alam mo nandito siya?"
"Oo naman. Ako ang una niyang tinawagan."
"Hindi ako?" Pamimilit ko naman.
"Tinawagan ka ba?"
"Hindi." Mabilis kong sagot. Humalakhak ito nang sobrang lakas. Tila nagkaroon ng echo ang buong paligid.
"Umaasa kang tatawagan ka niya? Kahit alam mo naman ikaw ang binalikan niya rito?"
"Hindi ko alam." Hindi ko matignan ang kaibigan ko.
"Siguro naman umamin ang Zen na yun?"
"Ano pa nga ba."
"Well. Ikaw pa rin talaga ang mahal niya."
"Hindi ako kumbinsido."
"Dahil kay Peps? Siguro nga layuan mo nalang siya."
"Makulit yun eh."
"Nagpapa kulit ka naman? Bakit ayaw mo pa kasi mag girlfriend ulit?"
"Hindi maaari."
"Ikaw naman ang gumawa nang kautusan. Ede ,ikaw na rin ang bumawi nang sa ganoon ay maiwasan mo itong si Zen at layuan kana rin niya. Hindi ka nga gusto ng Papa niya. Ayoko maulit na naman yung nangyari dati."
"Kaya ko naman mabuhay kasama na kayo lang."
"Iba pa rin yung may nararamdaman ka. May minamahal na babae. Hihintayin mo pa ba dumating ang araw nagmahal ka at hindi mo man lang magawang ipakilala samin. Sige ka ,baka gusto mo yata mawala sa pagiging leader dahil sa patakaran mong ginawa."
"Hindi ako nangangamba 'ron. Nandiyan ka naman. Alam 'kong kaya mo pang hawakan ang Lucifer kingdom kahit wala ako." Paalala ko rito. Isang matamis na ngiti ang ginawa niya bago kami nag sagian nang balikat. Kung dumating man ang araw na yun ay hindi ako kailanman magsisisi. Malaki ang tiwala ko kay Zayn. Magagawa niyang mas mapalago ang kupunan sa sarili niyang sikap.
Bumalik ako sa puno kung saan madalas nakikita ko nagtatago si Reign. Balak ko rin makipag ayos ukol sa nangyari kanina. Kahit hindi ko naman gawain ito ay susundin ko ang nais ng aking kaibigan. Mas maigi siguro makipag ayos ako sa gaya ni Reign. Baka sakaling maging okay ang lahat ,basta ba okay din sakin. Tanaw ko kaagad sina Reign , Joseph , Peps. Nagkakatuwaan ang mga ito ngunit hindi ko malaman kung ano ang kanilang usapan. Halata naman na maganda dahil sa mga tawa ni Reign na ultimo ngala-ngala niya ay kitang-kita ko. Kung babawiin ko ba ang ipinag utos ko ,may chance kayang isa sakanila ang ma link dito? May chance kayang isa sa mga Lucifer ang mapalapit ang loob sa babaeng hindi mahirap mahalin. Simula nang halikan ko siya. Hindi na mawala sa aking isipan ang araw na yun. Iyong mga halik at iyak niya tila nabibingi ang aking puso't-isipan dahil hindi na siya mawala sa aking prisensya. Gusto ko na nga ba siya? Gusto ko na nga ba ang babaeng ito? Kalokohan talaga. Kahit na kailan hindi naging madali para sakin ang mahulog ang loob sa ibang babae. Masyado akong matigas kaya pati puso ko sarado sa ganitong senaryo.
Hindi ko na malayang nasa harap na ko nilang tatlo. Sina Joseph at Peps ay naka ngisi habang si Zayn ay seryoso ang mukha habang naka tingin sa akin. Si Reign naman ay hindi naka tingin bagkus ay sa tatlo siya naka tingin.
"Wala ba kayong klase?" Usisa ko at na kay Reign pa rin ang aking atensyon.
"Wala." Sagot ni Joseph.
"Paalis na. May sinabi lang kami ni Peps." Sabay tayo nila Zayn at Peps hawak ang kani-kanilang bag.
"Ingat." Mahinang sambit ni Reign sakanila.
"Oo naman." Sabay kindat ni Peps dito bago sila umalis kasabay nang pag tapik sa aking balikat.
"Joseph nasa library ngayon sina Erdem at Frankie ,magpunta ka muna roon.". Utos ko.
"Sasamahan kita. May tatapusin tayong module di ba?" Mabilis naka tayo ito sabay lakad.
"Can we talk?" Tanong ko. Tumingin silang dalawa."Pwede ba Reign?"
"Balikan nalang kita pagkatapos ko makausap ang dalawa." Sabi ni Joseph.
"S-sige." Sinundan namin nang tanaw ang paglayo nito.
"Maayos na ba yung pinapunta mo sa Clinic?" Bluff! Who cares? Tsk. May masabi lang.
"Kailan ka pa nagkaroon nang interest sa mga binibigyan nyo nang stub?" Pagtataray sa akin.
"Wag mo nga 'kong tatarayan." Inis kong sabi.
"Paano'ng huwag? Eh kataray-taray ka." Pinipigilan kong huwag napunta sa point na galit na naman ako.
"Pwede ba peace na tayo?"
"Peace? Pwede naman. Kung papayag ka sa gusto kong mangyari."
"Ano naman yun?"
"Titigilan nyo nang mang bully dito sa University. Aalisin nyo ang Stub punishment." Humalakhak ako kasabay nang pag halukipkip.
"Naloloko kana ba? Kilala kaming Lucifer kingdom sa Stub punishment at bakit ko gagawin yun?"
"Ganoon? Sige! Okay na rin naman kung hindi na mag sama ang LK at VP. Marami pa naman nag offer sa akin para mag tambalan." Sa inis ko itinulak ko siya sa trunk ng puno. Gulat na gulat siya sa ginawa ko lalo nung ihampas ko ang aking kamay sa trunk na nasa ulunan ko. Matatalim na tingin ang ginawa ko upang masindak siya.
"Kami ang mas kilala at tanyag na grupo ng mga Gangster dito sa University. Kahihiyan kung pipili kayo nang iba habang nandito naman kami."
Ngumisi. "Mga gwapo lang kayo at magagandang katawan pero sorry ,hindi ako nadadala sa mga ganyang itsura. Mas maganda ang patakaran nila. Hindi nananakit ng tao."
Nilapit ko ang aking mukha. Pinakita ko sa kanya na inis ako. Gigil na gigil din ang aking mga ngipin. Naiinis ako dahil hindi tumatalab ang mga gaya namin malalakas ang appeal. Mas importante sa kanya ang pagiging mabuting tao. Hindi gaya ng ilang kababaihan hangang-hanga samin dahil sa pagiging gangster namin tapos siya?? Akma ko syang hahalikan kaagad siyang pumikit. Huminto ako at pinagmasdan ang kanyang mukha. Maganda rin ang Reign na ito. Kung titignan mo mahirap siyang babae pero kahit ganoon ay may mukha siyang maipagmamalaki sa ibang babae. Nahuli niya kong naka titig hindi pa ko lumayo pero yung mukha ko ay itinaas kong kusa sabay hampas muli nang trunk. Hindi ko napigilan yakapin ang kanyang ulunan sabay halik sa buhok niya. Dahan-dahan ibinaba ko ang aking mukha sa kanyang harap. Gustuhin man niyang kumawala ngunit nawala na ko sa sarili at hinalikan muli ang kanyang mga labi. Nung una hindi ito kumikilos ngunit sa kalagitnan ay nakikipag sabayan na ito. Natigilan lang kami nang may tumikhim sa likuran namin. Kinabahan ako pero kaagad nawala dahil sa mukha niyang naka ngisi at parang tuwa tuwa pa sa kanyang napanuod.
"Naka istorbo yata ako sainyo." Sabi ni Roselle. Lumayo si Reign upang kunin ang kanyang bag at walang paalam na umalis.
Tawa nang tawa itong si Roselle habang pinaglalapit ang daliri niya sa kaniyang labi. Inaasar niya ko.
"Tigilan mo ko." Saway ko rito. Tawa pa rin ito nang tawa.
"Sarap na sarap nga kayo." Hawak ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Roselle ..."
"Bakit nga? Umamin ka ,gusto mo ba ang leader namin?" Seryoso niyang tanong.
"Hindi!" Depensa ko.
"Bakit kayo naghalikan?"
"Nainis lang ako."
"Oo nga. Ang alam ko kapag naiinis ang isang tulad mo mapanakit ka pero hindi nang hahalik."
"Issue ka ha?"
"Nope! Nakita ko lang naman kung ano ang nakita ko. Kaya kailangan ko nang paliwanag mo."
"Wag na. Isipin mo nalang naglalaro ako."
"Pinili mo pa paglaruan ang leader namin." Sinuntok niya ko sa dibdib.
"Aray!"
"Wag mo ngang niloloko ang leader namin! Alam mo ba bawal samin ang mainlove. Wag mo hintayin siya ang kaparusahan nang dahil sayo." Sadyang ikina kunot nang noo ko ang sinabi niya. "Iwasan mo na huwag siyang ma inlove sayo."
"Hindi ko maipapangako yan ah? Ang gwapo kong ito malabong hindi siya ma inlove."
"Hambog." Irap niya.
"Hambog na Gangster." Natatawa ko pang sabi. Si Reign ang naaalala ko kapag sinasabi ang Hambog na Gangster.