Chapter 21

2380 Words
Reign's POV Yong gabi may pangako sa'kin si Joseph. Alam niyang galit nako noon,kaya nagawa niyang mangako kahit labag sa kalooban ko. Sinusubukan kong tanggapin na baka sa mga sumunod na araw hindi na kami nito. Bakit ngayon pa ko tinamad pumasok? Malapit na sem-break ,may nakahanda ng exam si Sir. Walang review na ganap. Lately kasi,ang dami ko ginawa. Buong linggo yata akong pinapasok ni Boss sa trabaho kahit okay na ang mga tao. Ewan ko ron, baka nag-aalala dahil wala akong kasama sa bahay tuwing gabi atleast sa trabaho safe ako dahil nandoon sila. Pumasok si Joseph mula sa labas. Kasunod lamang niya si Sir ,dala ang mga test paper na sasagutin. Malayo palang ,ngiti na niya kaagad ang bumungad sakin. "Good Morning beautiful?" Kagat labi ako sa lower lip. Nahihiya kasi ako. Ugh. "Morning." s**t ! Wag mo ko tignan nang ganyan. Parang-awa mo na Joseph. "Walang good?" Loading ...... Tsaka ko lang nakuha ang pinupunto niya. "Good naman pero tinatamad ako magsalita." Dahilan ko lang kahit ang totoo ay pagod ako ,inaantok ,ginugutom. Lahat damang-dama ko na. Paano pa nga ko makakasagot sa mga tanong. "Wala kang gana ang sabihin mo. Galit kapa rin ba? Ilang linggo na wah?" "Hmm. Hindi naman sa ganoon. Unawain mo nalang sana pagod din ako sa trabaho bago pumasok dito." Inamoy niya ko."Ano'ng ginagawa mo?" "Inaamoy lang kita. Nakakaligo kapa ba?" Iniinis ba ko nito? "Hindi na nga eh." Sakay ko sa biro niya o hindi man. "Seryoso?" Hindi kumukurap ang mata nito sa pagtitig sa akin. "Sineryoso mo?" Nakasimangot kong tanong. "Hindi ah! Hindi. Mabango ka naman." Umiwas ng tingin. Hindi ako komportable sa sagot. Muli ko inamoy ang sarili. Naliligo ako! Dapat pala hindi na ko nagbibiro, mahirap pala siyang biruin. "Get one and pass." Utos ni Sir pagka-tapos ilapag sa unang row. Bawat kuha ng mga classmate namin ay inuulit ang sinasabing Get one and Pass. Pwede naman hindi sabihin di ba? Kaya pati ako naki-gaya na rin. "Uy sandali. Ano ba 'yan." Isinalpak dakasi niya ang isang head set sa tainga ko. "Pampakalma ,habang nag-eexam." Paliwanag niya. Hindi naman 'yan epektibo! "Mas kampante kung walang sounds." "Try mo lang." Hinayaan ko nalang. Kukulitin lang ako nito. Hindi ko talaga maunawaan ang mga binabasa kong tanong. Hindi mapakali ang kamay ko. Ang lakas pa ng volume. "Just relax." Bulong pa. Pumikit ako kaya lang ba't bigla rumirehistro ang mukhang galit ni Cedric? "Ahhhh ! HINDI KO TALAGA KAYA!" seryoso? Napalakas ang Sigaw ko. Hinihintay ko magreact si Sir. Nakatingin lamang ito habang salubong ang kilay. "Pakibaba ang mga ballpen nyo sa lamesa." Kahit nagtataka man ay sinunod namin ang nais niya. "May 10 minutes break tayo para lumipat sa labas. Baka sakaling mapreskuhan ang pag-iisip nyo. Go! Go!" Agad kami kumilos. Dala ang aming test paper ,ballpen. Pinaiwan nga lang ang bag namin upang wala makakapagdaya. Mautak si Sir. ( Slow clap ) Sa bakanteng lote kami dinala ni Sir. Naki-usap itong sa damuhan na kami umupo total naman ay malinis iyon. Malakas din ang hangin kaya tama ang sinabi nitong maprepreskuhan ang utak namin kahit papaano. Nakakarelax. "Wala naman patungan." "Sa likod ko ,pwede." Sabi ng kung sino sa classmates namin. Para nga kaming Elementary dito. "Reign , dito sa likod ko." "Wag! Hindi bagay.Hahanap nalang ako ng magandang likod." "So sinasabi mo hindi maganda likod ko, ganoon?" Natigilan ako. "Hindi naman.Mas okay pa rin 'yong nakaharap ka." Nadulas ba ko? Ayy , oo nga ! Nadulas ako. Paniwalain pala ang isang ito kaya humarap naman na may halong nakakalokong tingin. "Bakit ganyan ka?" Tanong ko. "Dahil sayo." Ayan na naman ang salitang dahil sayo! Nakaka-urat kaya! "Sagutin nalang natin itong test paper baka magbago pa isip si Sir ,Sige ka." "Eh ako ba hindi mo sasagutin?" "May utak ka naman. Kaya mo na 'yan!" "Di mo gets?" Sinilip ang mukha kong abala sa pagsagot. "Eh ano ba?" Hindi ko pa rin tinitignan. "Levado and Tanhueco ,kanina pa kayo. Sagutin ang sariling papel, hindi para manligaw." Ayan kasi! Ayaw magtigil. Pwede naman kasi mamaya na ang landian. Wala pa sa sampung minuto ay narinig kaming sigawan sa 'di kalayuan. Sina Hambog na Cedric, may kaharap na estudyante umiiyak? Ano na naman ba ginawa nila rito? "Maganda ang mangyayari ngayon ah?" "Sino 'yon?" "Ah kahapon pa 'yan eh.Landi rin kasi ng babaeng 'yon. Lapit ng lapit kay Frankie ,kaya ayan! Sabay ibinigay ang stub sa kanya ng Lkingdom." Sinulyapan ko si Joseph na seryoso nakatingin kina Hambog na Cedric. Balik ako sa pagsasagot. Masyado na naman akong malilibang nito. May kumalabit sakin sa likod na kung sino. Humarap ako. "Di ba kaibigan mo 'yon?" Itinuro sakin ang pwesto nila Hambog. Patuloy pa rin ang ingay doon. Hindi ko lang gaano makita 'yong babae dahil marami ang nakikiusyoso. "Wala naman akong kaibigan na babae." Iritable ko'ng tugon. "Pero--- dati kasi lagi mo 'yon kasama. Sure ka ba?" Saglit ako'ng nag-isip. "Ah si Nicole!" Sigaw ng kung sino. Si Nicole? Si Nicole? Sa bigla ko, kaagad akong tumakbo sa lugar nila Hambog na Gangster. Umiiyak na nag-mamaakaawa ito sa harap ni Cedric kasama ang ilan sa LKingdom. "Frankie ,please !" Di sadyang na tingin siya sa pwesto ko. "Frenny ! Frenny! Tulungan mo ko." Lumayo ang mga tao sa kinatatayuan ko. Madali lang naka yakap sakin si Nicole."Binigyan nila ako ng Stubs. Frenny  ,wala akong alam sa nangyari." "Tss." dinig kong reklamo ni Cedric. "Ano naman ba ang ginawa mo?" Tanong ko. "Akala yata niya hindi ko malalaman. Nakikipag-date siya tapos yon pala kumukuha lang siya ng impormasyon tungkol samin." Siwalat ni Frankie. Naka-tutok pa rin ang tingin niya sa dati ko'ng kaibigan. "Hindi! Hindi 'yan totoo. Si Marco lang ang lumapit sakin pero hindi ako pumayag sa nais niya." "Si Marco?" Tanong ko. "Oo , 'iyang walang hiya mong kaibigan nakipagkasundo sa Great Hello. Siya rin nagsusumbong tungkol sa'min ni Joseph." Naka-evil smile si Cedric. "Hindi, hindi talaga. Maniwala ka sa'kin. 'Di ba ,kilala mo ko? Ang tagal na natin magkaibigan ,alam mong hindi ko magagawa 'yon." Kuyom ang kamao ko nang tignan siyang muli. Nasaan siya nong ako ang nasa kalagayan niya ngayon? Nasaan siya? Iniwasan niya ko 'di ba? "Alam ko naman galit kapa rin sa'kin. Kasalanan ko kung bakit iniwasan kita dati.Pwede ba kalimutan mo na 'yon Frenny? TULUNGAN mo ko. Leader kana ng Viper Berus at ikaw lang naman ang makakatulong sa'kin." "Sigurado ka?" Inis kong tanong. Sinulyapan ko si Cedric. "Problema mo na 'yan, wag mo kong idamay." Aalis ako ng lumambitin siya sa kamay ko pababa sa aking binti. "FRENNY! WALA AKONG ALAM. KASALANAN KO KUNG BAKIT GANYAN KA PERO SANA TULUNGAN MO KO. NAKIKI-USAP AKO. MABAIT KANG KAIBIGAN 'DI BA?" "Sa sobrang bait ko  na gawa mo kong iwan 'di ba? Nung panahong kailangan na kailangan kita." Nakuha niyang bumitaw sa pagkakayakap sa binti ko ng matalim ko siyang tinitigan. May humatak sakin palayo sa lugar na 'yon. Si Joseph pala , nag-aalala itong nakatingin sakin. Mas nagka-ingay ang pwesto nila Hambog dahil pinagtulong-tulungan nilang bugbugin si Nicole. "Totoo ba ?" Seryoso tanong niya sakin. "Ang alin?" Tinapos ko ang pag- sasagot. "Hindi mo kailangan ipagtanggol siya. Totoo ba? Napapansin kong may inis dyan sa puso mo pero may kaonting awa akong nakikita. Bakit hindi mo ginawa ang dapat? Kung hindi siya naging mabuting kaibigan sayo hindi ba't parang ganoon kana rin? Ginantihan mo siya sa maling paraan." "Ano bang alam mo? Nung panahon na pinagtripan nyo ko ,nandoon ba siya?! Tinulungan niya ba ko?! Hindi naman 'di ba? Ngayon ,alam na rin niya kung ano ang pakiramdam na mabugbog at the same kung anong feeling na may kaibigan pero hindi ka tinulungan." "Reign , hindi mo kasi------" "Tama na! Kung naaawa ka sa kanya bakit 'di mo TULUNGAN?! Di ba ganyan ka naman? Pasuperhero ang peg? 'Di ba?! Ganyan ang ginawa mo sakin noon. Sige! Puntahan mo sya ron at ilayo sa mga taong gusto siyang patayin. Hindi na kita pipigilan dahil wala akong pakialam." Galit kong pinasa ang exam kay Sir. Nilasan ko buong klase kahit pilit nila kong tinatawag. Ayoko ng makipag-away kung ganito lang din ang kalalabasan. Hindi nila mauunawaan ang nararamdaman ko dahil hindi sila ang nasaktan noon. Mabait ako sa mabait pero kung alam ko naman ako pa rin masama sa huli ,de bale nalang. Bahala na sila sa buhay nila. Pagod na rin ako umintindi sa mga ugali nila. Ang dami ko nang iniisip ,sasabay pa ang isang iyon. Buti sana kung tutulungan niya ko pero hindi naman. Tss, Malapit na sem-break ,natural susunod ako kina Mama sa probinsiya. Problema ko pa dahil si Roselle at Leah ,hindi pumapasok dahil may inaasikaso raw na di ko naman matanong. Hinihingian ako ng adyenda itong si Tina tungkol sa Viper Berus. Hiningi ako ng gamot sa clinic ,sumasakit ulo ko. Magtutuloy-tuloy ito kapag 'di naagapan. Natigilan ako ng may lumabas galing sa loob ng clinic. Tatalikuran ko nalang sana pero nagsalita pa. "Dadalawin mo ba si Nicole?" ayy s**t! Nandito pala si Nicole. "Masakit lang ulo at manghihingi ng gamot hindi para dalawin siya.Sino sya para bigyan ko ng importansiya?" "Pero kaibigan mo pa rin naman siya.Ang lala ng lagay niya." "Kahit ano pa sabihin mo." Pinigilan niya braso ko. "Ang laki na rin nang pinagbago mo buhat ng maging Leader ka ng Viper Berus.Hindi naman ganoon kasama ang ugali ng VB para maging ganyan ka." "Wag mo nga ikukumpara ang ugali ko noon kaysa ngayon. Wala rin kinalaman ang Viper dito kaya manahimik kana lang." Galit ko'ng iniwasiwas ang kamay upang mabitawan niya. Hindi naman ako na bigo roon. "Si Joseph lang naman ako.Ano ba halaga ko sayo. Dati naman inililigtas kita kahit nasa  panganib ka ah? Tapos ngayon----" "Ngayon ano?! Isinusumbat mo sakin lahat ng naitulong mo?!" "Hindi." Mariin niya'ng depensa. "Pero 'yon ang pagkaka-unawa ko sa sinasabi mo." "Hindi ganoon." "Pero ganoon 'yon." Dinuro-duro ko pa. "Ibalik mo na 'yong dating Reign na nakilala ko." "Ako pa rin 'to. Ginagawa ko naman ang lahat ah! Pinagtatanggol ko ang taong inaapi ng grupo nyo. Ano pa ba mali roon?" "Pero sarili mong kaibigan hindi mo magawang ipagtanggol dahil sa galit mo." "Kasi nga hindi mo ko pinapakinggan! Ilan beses ba ko magpapaliwanag sayo?" "Bahala kana nga sa buhay mo!" Iritableng lalayasan ako upang bumalik sa loob ng clinic. Talagang bahala na ko sa buhay ko! Huminto pa ngunit hindi na rin tumingin basta ang alam ko ,malungkot at humugot ng hininga ito bago pumasok sa loob ng clinic. [Hello Ma! Kamusta kayo dyan? Bukas ang alis ko papunta dyan. May ipapabili ba kayo?]   Galak ko'ng tanong kay Mama [ okay naman kami ng Papa mo. Kaya lang anak, na ilibing na kahapon ang pinsan mo. ] [ Ay ,hindi man lang ako na hintay? ] Malungkot ko'ng sabi. [ Dumalaw kana lang sa puntod pagdating mo. Nandito pa rin ang boyfriend niya kaya makakapag-usap pa kayo. ] may boyfriend nga pala si Annie ,iyon nga lang bihira sila mag-kita dahil sa malayo ito nagtra-trabaho. [ Sige po Ma , ] [ Ay anak , Ibili mo pala kami ng Cassava cake. ] [ Wala po ba bilihan dyan?] [ Mas masarap dyan eh. Paano anak? Matulog kana, para naman makabawi ka ng tulog. Nagpaalam kana ba sa Boss mong dalawang linggo ka mawawala? ] [ Opo ma, wag nyo na ko intindihin. Makikitext ako kay Shien ,bago umalis. Babye! ] "Bukas ng umaga sabay kana sakin?" Tanong ni Shien,habang nag-liligpit ng gamit. Bukas na rin kasi ang uwi niya sa bahay dahil wala nga ko rito ng dalawang linggo. "Oo ,sabay na nga lang tayo." Tumayo ako. "Saan ka pupunta?" Nag-suklay ako sa harap ng salamin. "Pupuntahan ko lang muna ang Viper Berus. Magpapaalam lang ako.Sama ka ba?" "Ay , ayoko nga. Parang nakakatakot mga kasama mo." "Hindi ah!" Sakto naman may kumatok at pinag-buksan ko. Tulala akong nakatingin sa labas. "Nandiyan ba si Shien?" Ano naman ba gagawin niya rito? Bakit niya hinahanap si Shien? "Si Peps na ba 'yan?" Magiliw ito'ng lumapit sakin. Nagkahiyaan pa itong dalawa dahil nasa tabi nila ko. "Ah Reign ,total naman aalis ka, para hindi ako mag-isa rito magpapa sama ako kay Peps." Psssssftt ! "Hindi!" sabi ko. "Ha?" Baka anong gawin ni Peps dito sa kaibigan ko eh. "Sa labas nalang din kayo. Huwag dito." "Bakit?" Si Peps naman ang nag-tanong. "Sa Amusement park nalang kayo!" Dahil wala ako'ng tiwala sayo! Tama ,maraming tao roon. Hindi makakagawa ng kalokohan itong si Peps. "Oh sige." Naka-ngiting pagsang-ayon ni Peps. "Oh sige, aalis na kami." Tila nahihiyang paalam ni Shien sakin. "Teka, hindi nyo ba ko isasabay?" Prutesta ko. "Akala ko kayo ang magkasama ni Cedric?" Nagtatakang tanong ni Peps. "Cedric?! Ano kinalaman ni Cedric dito?" "Ewan ko sainyo. Nasa labas ang kotse niya." Bumulaga ang seryoso mukha ni Cedric sa likuran ni Peps. "Anong ginagawa mo rito?" pero sa totoo lang,na miss ko ang pang-aasar namin. Sa di ko maisip na dahilan. "Can we talk?" Nakangising lumabas nang tuluyan ang dalawa habang kami ni Cedric ay nagtitigan pa rin. "Pwede naman ,pero pupunta pa kasi ako sa Viper eh." "After 'non pwede kana?" Mahina pa rin niyang sabi. Parang may bago sa kanya? Di ko alam kung ano. Magkita nalang daw kami sa Amusement park na pupunta ng dalawa. May dadaanan muna siya total naman ay paalis din ako. Pagdating ko sa Head Quarter namin ,nandoon sina Tin2x , Tina , Thania, at  Desirie. "Magpapaalam lang sana ako." Hinihintay nila ang sasabihin ko."Dalawang linggo ang sem-break. Uuwi ako bukas sa Probinsiya namin para madalaw na rin ang pinsan kong namatay." "Dalawang linggo ka mawawala?" Panigurado ni Des. Nag-nod ako. "Pero paano ang Viper Berus?" Pag-aalala ni Tin2x. "Balitaan nalang tayo." Nag-nod sina Des at Tin2x pero sina Thania at Tina ay seryoso ang mukha. "Paano 'yong adyenda mo? Wala pa ko nakikitang maganda sa pamamalakad mo." "Lahat naman ay okay, kaya tingin ko hindi natin kailangan nun." Depensa ko. "Sigurado ka?" Maangas niya sabi."Dati si Marnelie ang leader, kahit may problema o wala gumagawa siya ng adyenda sa Viper." Ano ba kasi klase'ng adyenda ang gusto niya? "Gusto ko ang adyenda na ginagawa ni Marnelie dati." *Don't forget to vote , comment and share.* Lab you all bebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD