Chapter 22

1437 Words
Iniisip ko kung ano nga ba ang magandang adyenda para sa grupo ko. Wala pa naman kasi akong alam pagdating sa ganyan. Mapilit lang ito si Tina ,hinihingi kaagad 'yong sagot ko. Akala yata niya madali lang 'yon. Syempre magtatanong pa ko sa ibang kasama namin kung ano ang nararapat gawin sa adyenta ukol sa ikakaganda at tagal ng samahan namin. Sinabay ako ni Tine sa kanyang kotse. Usapan namin ni Cedric sa Amusement park na kami magkita dahil hindi niya ko makontak ay si Tine na rin ang kinausap nito. "Ba't ang tagal mo?" Bungad sakin ni Cedric, habang sina Shien at Peps nasa likuran niya nag-uusap. "Traffic." Mahina kong alibay. "Alam ko." Kanina okay lang siya ah? Bakit parang sinasaltik na naman? "Hi Shien!" Nilagpasan ko para maka-iwas na rin sa gulo. "Ang dami na namin nasakyan. Ang tagal mo kasi." Parang di mawala ang ngiti ni Shien,may something dito sa dalawa. "Ah talaga? Oh 'San na kayo niyan? Gusto nyo sakay tayo sa Ferris wheel?" "Sorry Friend, tapos na kami. Pasama kana lang kay Cedric." "Tama. Di ba kanina kapa nag-aaya sumakay sa Ferris wheel?" May kinausap sa likuran ko itong si Peps. Humarap ako at tama nga si Cedric. "Ah nagbago na pala isip ko." Napa-kamot ako sa batok. Hindi ko naman gugustuhin  makasama itong Hambog na 'to noh! "Tara na--- mag-uusap nga tayo 'di ba??" Hatak niya ko palayo sa dalawa habang nakangiti. "Uy ! sandali ...ano ba? Kaya ko naman maglakad eh!" Hindi siya marunong makinig. Ang haba ng pila. Mukhang mauubos ang oras namin nito kung maghihintay pa kami. "Sa iba nalang tayo sumakay. Bumalik tayo kapag wala na gaano tao." Muli ko pa sabi. "Tss , madali lang naman 'yan. Pwede tayo maki-usap 'di ba?" Iniwan niya ko para lapitan ang mga naka-pila. Magkaka-grupo ang mga kinausap niya. Sa una ay parang alanganin pero ng mukhang naka usap niya ng maigi ay pumayag naman na mauna kami sa pila. Lumapit sakin."Tara na , napaki-usapan ko." Hinatak na naman niya ako. Tss , akala yata niya teddy bear ang hinahatak. Hindi man lang iniisip na may masasaktan. Walang alinlangan kami sumakay sa isang bakante. May dalawa pa sana sasakay dahil apat na katao ang maaari umupo pero walang modo isinara ni Cedric ang pinto. Matalim na tingin ang ginawa niya sakin. Todo iwas ako dahil masyado nakaka-ilang ang ginagawa niya. "Ano nga pala pag-uusapan natin?" Kailangan ko makipag-usap upang huwag maalala na nandito kami sa mataas na pwesto. Hindi pa naman umaandar dahil may sumasakay pa na iilan. "Tungkol sainyo ni Joseph.Itinuloy ba niya ang panliligaw sayo?" Ligaw? "Wala naman siya na banggit." "Hindi ka niya nililigawan?" Todo iling ako upang malaman niya'ng mali siya nang iniisip. Simple itong ngumiti. Akala yata niya hindi ko mapapansin ang ginawa niya pagngiti. "Ibalik mo na siya sa Lucifer Kingdom." "Hindi siya nawala sa LK ,wag kang mag-alala." "Talaga?" Sa bigla ko ,gumewang-gewang ang sinasakyan namin. "Pwede ba wag kang malikot!" Nainis na naman ito. "Sorry." Pilit ko'ng ngiti. Matagal kaming hindi kumibo sa isa't-isa. Nag-simula na kasi umikot-ikot ang sinasakyan namin. Hangang-hanga naman ako sa natatanaw namin. Gabi at marami nagkikislapan na ilaw. Mula sa kabahayan, at sa mga building na naka tirik malapit dito sa Amusement park. Kinapa ko ang bulsa ko--- Ay! Wala nga pala akong cellphone na hawak. "Kailan uwi ng magulang mo?" Tanong niya sakin, habang seryoso naka-tingin din sa labas. "Matagal pa. Wala kasi trabaho si Papa ngayon. Pinagbawalan muna ni Mama. Priority namin ang paggaling niya." Napa- Ahh naman siya bago ako tignan ng seryoso. "Bakit ganyan ka makatingin?" Nahihiya ko'ng tanong. "W-wala." Utal niyang sagot. Umiwas naman ng tingin. "Iyong naging dahilan ng pag-aaway nyo ni Peps. Nasaan na siya?" "Nag-aaral pa rin. Kakauwi lang niya galing abroad." "Saan siya nag-aaral?" Total naman nag tanong na ko ,lubos lubusin na. "Ah sa Kingdom University din." Whoooooo.... Seryoso ? Sinagot niya ko? Hindi na kaya siya affected? "Ano pangalan?" Baka kilala ko. Nag-smirk siya at nag- cross arm. "Dami mo naman tanong." "Ahh.... Ehhhhh .. Kasiiii...." Ano ba idadahilan ko? Wala naman eh, ba't kasi nagtanong-tanong pa ko. Tss.. "Zen." Nagsalubong ang tingin namin. Tila binabasa yata niya ang nasa isip ko. "Zen... Okay ,hulaan ko. Doon nagsimula ang lahat noh?" "Ang alin?" "Yung rules mo. Sabi mo bawal ang may malink sainyong babae. Naisip ko para siguro maka-iwas kayo sa gulo." "Ang panget din kasi kung magkaibigan kayo tapos isa lang ang gusto. Siguro sa ibang bagay pwede ,pero kapag sa babae na usapan. Iba na 'yon." "Ah. Okay." Matiwasay naman kami naka-baba sa Ferris wheel. At kung saan-saan pa kami sumakay. Hindi ko naman makita 'yong dalawa para may kasama kami, kanina pa ko ilang na ilang sa kasama ko. May oras na titingin siya tapos bigla'ng iiwas ng tingin. May oras din na mahuhuli ko siyang nakatitig. Imbis na umiwas makikipagtitigan pa pero ang malupet dito ang talim ng titig niya. Parang sinasabi na : Warning nakamamatay ang pag-titig. "Kumain muna tayo." Naupo ako sa upuan kung saan makikita ang mga taong naka sakay sa isang rides. Iyong halos ihagis ka at bumaliktad ang inuupuan mo! Tssk. Sarap sana sumakay dahil nakakatuwa kaya lang ,pagod na ko at gutom na rin syempre. "Oh." Abot niya sakin ang Hotdog sandwich. "Salamat." Kinagat ko kaagad at pinanuod namin ang rides na iyon. May pagkakataon na nakikita ko siyang ngumingiti ,siguro dahil sa mga tilian ng mga tao sa rides na 'yon. Nakakahikayat tuloy sumakay pero kung ako siguro nandiyan na 'di ko kakayanin. "Second year ka rin pala." Di pa ko sigurado kung siya ang nagsalita kaya lumingon pa ko. Nagtama ang paningin namin. "Anong course mo?" "MS in Health Science Education major in Dental Education." "Uhhhmm ... I see." Nag-nod ito tapos inubos namin ang kinakain. "Nasaan kaya sina Shien? Alam mo nakakahalata na ko sa dalawang 'yon. May something ba sa----- dalawa?" "Hindi ko na dapat isipin 'yon." Seryoso nitong tugon. "Pero matagal na kayo,okay ni Peps, 'di ba?" Tumayo siya at itinapon ang plastic na hawak.Minadali ko ubusin ang kinakain ko dahil mukhang aalis na. "Tara , sakay tayo dyan!" Natigilan ako. Tama ba na rinig ko? Gusto niyang sumakay sa hinagis-hagis tapos babaliktad? Owshit! Hinatak na naman ako. Owshit ! "Aaaayoookooo .... Ahhhh , mamaya nalang Cedric ! Kakakain lang natin. Ohhhhhh.. Ano ba yaaaaan Ced, Uy ! Ano---"  hindi siya nakikinig. Pumila kami ,tatakasan ko sana pero hinila niya ang kwelyo sa likuran ko. "Sakay!" Bulyaw niya. "Ced---- naman...." "Anong Ced naman? Sakay." Kalmado ngunit maotoridad niyang utos. "Papayag naman ako sumakay dito. Pwede mamaya nalang? Baka------" tinakpan niya ang bibig ko ng kanyang daliri. "Seat!" Anong seat?! Ano ba akala mo sakin , aso ? Lintek's! Sabay kami umupo sa dalawang bakanteng upuan. Nais ko sana tumakas na naman pero binantaan niya ko gamit ang mata. Sobrang nakaka-lusaw ang titig na 'yon. "Wag na please." Alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan nito. PROMISE! Umandar sa mabagal na galaw ang rides hanggang sa bumilis at hinagis pagkatapos ay bumaliktad. "HuuuuuuWaaaaa------ Mamama------ Papaaaaaa--- Ayoko naaaaaaa--- Uhhhhhhgghh.."  Halos maputol ang litid ko kakasigaw at tila para lamang ma-ibsan ang intense na nangyayari. "Maaamaaa----- Tulungannnnnn nyooooo koooooo!!!!" huminto ang rides. Kahit tensyon na tensyon ako sa nangyayari alam kong tumatawa si Cedric. Tinignan ko siya. Ang lintik naka-taas pa ang paa sa inuupuan niya. "Ano bang ginagawa mo! Umayos ka nga ng upo! Malaglag kaaaa-------" Ayan na naman po kami ! Hilong-hilo na ko ,please ...tama na.. "CEDRIC ! SABIHIN MO SA OPERATOR IBABA NA NIYA KO! AYOKO NAAA-----" wala akong pakialam kung naririnig niya ang sinigaw ko ang importante masabi ko ang dapat kong masabi. Sa wakas! Sa bilis ng andar nitong rides at bagal ng oras ay nakahinga ako ng maluwag. Who cares kung sabog-sabog ang buhok ko. Who cares kung nawawala ang kaparehas ng sapatos ko at Who cares kung------ "Enjoy ba?" Nag-wink ito sabay ngisi sakin habang pababa ng rides. "Walang------" sabay takip ko sa aking bibig. Nagsalubong ang kilay niya at pilit inaalis ang aking kamay sa bibig. "Ano ba ginagawa mo! Tanggalin mo nga 'yan!" Umiling ako. "Tanggalin mo sinabi." Iling muli. "Hindi mo tatanggalin? Puputulin ko 'yang kamay mo!" Sunod-sunod kong iling. "Sinabing-------" hinatak niya ng dalawa niyang kamay ang braso ko. Hindi na tiis ng bunganga ko ang ilabas ang dapat hindi ilabas. Nasukahan ko siya sa kanyang ---- Ughhh... DAMIT. Hindi siya makakilos ng makitang may suka ang dibdib niya. Bahagya syang lumayo sakin at tila masusuka rin. Natampal ko nalang ang sarili kong noo. MALAS! **Don't forget to vote, comment and share.**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD