A/N ** Sorry sa wrong grammar, wrong spelling. Mga punctuation mark ! * sorry na hindi ako perfect. ;)
Masama na ba pagtawanan ang lalakeng papalapit sakin? nakasuot ito ng bulaklakin na damit. Pigil pa nga ito eh ,hindi ko lang maipakita dahil nakabusangot ang mukha.
Huminto ito sa tapat ko.Hindi niya magawa umupo dahil hapit na hapit ang suot.Hinihila ang pinaka laylayan upang huwag makita ang pusod.
"Wag mo nga ko pagtawanan." Iritable niya'ng satsat sakin. Hindi ko talaga na pigilan kaya sobra ang tawa ko.
"WhAhhahahahaA...Hahahahaha.." May pahampas hampas pa ko sa binti. Tss ,patay ako nito kapag ako ang hinampas.
"Buwisit." Bulong nito. Itinago ko muli ang saya ng dumating sina Peps at Shien.
"Lumadlad kana ba Cedric? Ano nakain mo ba't ganyan ang outfit?" Pambuwisit ni Peps. Habang minamata ang suot.
"Saan ba bilihan ng T-shirt dito? Makakasapak na ko nito eh." Hindi makatingin samin.
Tumabi sakin si Shien. "Ano nangyari?" Sabay kami tumingin sa Hambog na 'to.
Hindi ko na naman mapigilan hindi matawa habang naka simangot ang isang 'to.
"Tara rito.May alam akong bilihan ng damit. Dali!" Nasa inis na rin ang tono ni Peps. Mukhang hindi niya na gustuhan ang pagiging katawa-tawa ng Young master niya.
Naiwan kami ni Shien. "May kwento 'yon. Dali , kwento mo naman!" Atat niya'ng tanong.
Naubos yata ang oras namin kakatawa hanggang sa hindi ko na makuwento. Sinasabayan din niya ang pagtawa ko eh na mas ikinatuwa ko.
"May iba sainyo ni Cedric. Malayong-malayo sa kwento mo dati na mortal enemy kayo."
"Yun ang akala mo. Hindi naman lahat ng oras lagi kami nag-aaway. May oras naman na okay pa kami."
"Masaya ako para sayo."
"Ha?"
"Dahil may nagpapasaya na sayo. Hahaha.."
"Hoy! Wag mo nga lagyan ng ibang meaning 'yon!"
Tumingin siya sa di kalayuan. "Nandiyan na sila." Kaya tumingin ako.
Cross arm nakatago si Hambog habang si Peps ay may inaabot ang pagkain samin. Kulay itim na ang suot na T-shirt ni Cedric ngayon hawak ang bulaklakin na damit ko. Oo , pinahiram ko kasi siya ng T-shirt ko. Mabuti may extra sa loob ng bag ko.
"Kumain kayo." Pilit inaabot ni Peps sakin ang pagkain ngunit tumanggi ako.
"Ayoko na kumain. Baka may mag-palit na naman ng damit dyan!" Natatawa ko na naman sabi.
"Bakit nga?" Nakikitawa na rin ang kaibigan ko.
"Tamang busog kami tapos itong hambog na 'to pinilit akong isakay dyan!" Sabay turo ko sa rides na pwede makapatay ng tao at the same time mawala ang sapatos.
Ay! Wala nga pala ang isa kong sapatos. Saan nga pala na punta 'yon?
"Oh tapos ano nangyari?" Si PEPs na ang nagtanong sa na hinto kong kwento.
"Bumaliktad ang sikmura ko at na sukahaan ko siya." Mapakla kong sagot. Gusto rin sana tumawa pero ang talim ng titig sakin ni Cedric, na parang lalamon ng buhay.
Nawala ang pag-aalala ko ng tumawa si Peps. Siguro minumura na ko sa isip ni Cedric sa kahihiyan.
"Hinahayaan na kita tumawa pero parang sobra naman yata." Maotoridad niyang satsat kay Peps. Ewan ko ba parang nawalan ng gana itong tumatawa dahil sa takot kay Cedric.
"Nasaan 'yong kapartner ng sapatos mo?" Tumingin sa paa at mukha ko itong si Shien.
"Hindi ko alam. Pagbaba ko wala na eh. Medyas nalang natira rito sa kabilang paa ko.TSS."
"Napapala." Bulong ni Hambog habang nakatanaw sa malayo.
"Uuwi ka ng ganyan?" Hindi ko naiwasan mag-isip habang titigan si Shien.
"No choice." Hinubad ko ang isang sapatos tsaka ko inilagay sa upuan."Maglalakad nalang ako pauwi. Malas, dapat pala nagdala ako ng motor." Naka-simangot kong sabi.
"Ohhhhhh Ayan! Pasalamat ka ang bait kong tao!" Hinagis sakin ni Cedric ang isang pares ng sapatos bago kami iwan."bilisan nyo dyan, uuwi na tayo!" Habol nya.
"Isuot mo na Friend. Sasabay nalang ako kay Peps."
"Wait lang."
"Bakit?"
"Anong meron sainyo ni Peps? Nagde-date na ba kayo?" Usisa ko habang abala sa pag-susuot ng sapatos. Ang ikinapagtataka ko pa ,saktong-sakto sakin ang sapatos.
Paano niya nalaman ang sukat ng paa ko?
"Hindi ah!" Tanggi niyang mabilis ikinapula ng pisngi. "Uhm. We're getting to know each other." Kagat labi niya sa ibaba.
"Tss , ayan na naman ang getting to know, getting to know. Kapag naging mag-syota na at nag-away sasabihin ,dapat pala kinilala muna kita bago tayo naging mag-on. Buwisit."
"Galit ka ba?"
"Hindi. Okay sakin 'yan Shien. Tsaka kamusta pala kayo ng Boyfriend mo?"
Yumuko. "Wala na kami Annie. Hiniwalayan niya ko."
"Wow ang kapal! Siya pa may lakas ng loob makipag-hiwalay ah! Tigas! Hindi ko lang siya naka-harap noon dahil sa Joseph na 'yun ,pero kung ---- hays. Dapat ang gaya niya'ng walang kwenta mawala sa mundo'ng ito."
"Okay na sakin 'yon atleast nalaman ko ang kalokohan niya. Nag-papasalamat pa ko kay Peps dahil tinulungan niya ko."
"Pero Shien."
"Uhm?"
"Hindi naman sa makiki-alam ako wah?" Makiki-alam na rin ako. "Kilalanin mo pa ng husto si Peps. Gangster siya , mahirap mag-karoon ng boyfriend na ganoon."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Tila nawalan siya ng gana upang kilalanin pa ng husto ang lalake'ng nagtanggol sa kanyang Ex-boyfriend
"Huwag ka mag-alala. Hindi ako basta magkakagusto sa tulad niya. Mahirap na nga makipagsapalaran. Mabuti kapa nga, hindi nagpapadalos-dalos sa desisyon." Maraming pakawalang hininga ang ginawa nito habang naka tanaw sa di kalayuan.
"Kanina pa kami sinusundan ni Wesley."
"Ha?" Ako naman hanap sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko nga si Wesley.
"Nasa paligid lang siya. Hindi ko siya maunawaan kung bakit ginagawa nya 'yon. Siya na nga nakipaghiwalay tapos gagawin niya ang bagay na pagbibigay motibo sakin. Annie ,anong gagawin ko?"
Hinatak ko na siya palayo sa kinaroroonan namin kanina. Maaari may masamang balak ang Ex-boyfriend niya sa kanya kaya mas maigi na 'to kami ang iiwas.
"Tingin mo ba Shien gusto pa rin ako ni Wesley?" Tanong niya sakin.
"Sa tingin mo ba gusto kapa rin niya?" Seryoso kong balik na tanong.
"Ewan. Ba't kasi sumusunod siya. Ano bang pakay niya." Natanaw ako sa di kalayuan. Nandoon nga si Wesley naka-tanaw sa amin.
"Mag-iingat ka sa kanya. Hindi natin alam kung mabuti o masama ang pakay niya sayo." Kinabahan ako ng makita papalapit samin si Wesley. "Wag kang lumingon."
"Ha?" Lumingon pa rin pero hinatak ko siya palayo.
"Kailangan natin makapagtago. Hindi maganda ang nararamdaman ko." Habang abala ko syang hinahatak hindi sinasadyang nakabitaw si Shien sakin ,dahilan upang balikan ko sya ng tanaw.
"Annie!" Hingi niya sakin nang tulong dahil na corner siya ng kanyang Ex-boyfriend.
"Shien!" Hindi lang nag-iisa si Wesley. May mga kasama itong iba. Sa palagay ko ay sinisindak nila ng tingin ang kaibigan ko.
"Hoy! Itigil nyo nga 'yan!" Bulyaw ko. Isa lamang ang tumingin sakin pero kaagad din bumalik ang tanaw kay Shien.
Lumapit ako ng makita kong hawak ni Wesley ang braso ni Shien. Alam kong nasasaktan siya dahil napapa-ngiwi ng husto ang kanyang labi. Tiim bagang kong itinulak ang isa, dalawa at pangatlo sa harapan ko.
"Bitawan mo siya kung ayaw mo'ng-------" isang sampal ang naging dahilan ng pag-buwal ko.
Paano niya ko na sampal ? Hindi ko kaagad na pansing lumapit sya sa akin.
"Annie! Ang kapal ng mukha mo para saktan ang kaibigan ko! Lumayas kana Wesley! Tumigil kana." Sinuntok suntok niya ang dibdib ni Wesley.
"Hindi pa ko nakaka-ganti sayo! Malanding babae ka!" Kumuyom ang kamao ko ng isang sampal din ang ginawa kay Shien.
Kahit na ngangapal ang pisngi ko sa hapdi ay nakuha ko pa rin tumayo.
"Don't call her na malandi! Hoy! Umalis kana rito kung ayaw mo'ng pasabuguin ko 'yang nguso mo." Banta ko ngunit mga tawanan lang ang narinig ko mula sakanila.
Ngumuso ito na parang naghahamon. "Punch me! C'mon!"
Hinilig ko ang ulo sa kaliwa at kanan. Sunod ay itinulak siya kung saan ito bumuwal. Nag-smirk at sinugod naman ako ng gagung Wesley. Pikit mata akong umiwas ngunit walang kama tumama sa aking mukha. Pagdilat ko ,nakangisi siya habang nakataas ang braso.
Nag-nod sa mga kasama. "Alam nyo na gagawin dyan sa pakialamerang babae na 'yan!" Bulyaw sa mga kasama. Wala pa ilang minuto, may humawak sa magkabilang braso ko.
"Hindi mo ba kilala kung sino kinakalaban mo?! Kami ang pinakasikat na Gangster dito sa lugar!" Pagmamalaki niya.
"Talaga?" Nilait ko siya gamit lamang ang mga mata."Hindi halatang gangster ka ha? Parang tambay sa kanto lang ang peg!" Naka-smirk ko'ng sabi.
"Inuubos mo pasensiya ko wah! Sige! Gawin nyo na ang dapat gawin dyan!" Hila niya palayo ang kaibigan ko. Matinding suntok sa sikmura ang ginawa ng isang lalake sakin.
Halos lumabas ang eyeball ko dahil sa hapding naramdaman ko. Parang may kung lalabas sa bibig ko kahit na isuka ko na kanina.
"King'ina nyooooo--" inis ko sabi.
"Hahahahaha ..... Hindi naman masakit mamura!" Satsat ng isa pa.
"Gagu! AaaaahhhHhhhh !!" Sinabunutan lang naman ako ng isang lalake na tadtad ng tigyawat.
"Geh .. Mura pa!" Bigla ko na alala ang sinabi ni Cedric sakin. Isang mura ,isang halik. Pero ngayon isang mura ,isang suntok. Parang mas gusto ko yata ang rules ni Cedric ah?
"AhhhhhH ....." May sumipa sa likuran ko dahilan para sumubsob sa semento. "G-ginagalit n-nyoo k-koo ... Mga b-bakla ba k-kayoo?!" Sa inis nilang lahat ay kanya-kanyang sipa sa likod ko, tagiliran at the same time sinisipa ako sa mukha.
"HooooooYyyyy !!!!!!" Umalingawngaw ang boses ng kung sinong lalake. Hindi ko matignan ng maigi dahil may dugo na sa aking noo.
Tanging sapatos lang ang naaninagan ko habang papalapit sa aking puwesto. Tama! Dalawang pares ng sapatos ang nakita ko! Sabay sabay nilang pinagtatadyakan ,suntok ang mga lalakeng bumugbog sakin.
May bumuwal sa harap ko. Duguan ang nguso at gilid ng mata. Daglian siyang inalalayan ng mga kasama upang makatakas sa kamay na bakal ng dalawang lalake tumulong sa akin.
Nung wala na ang mga gagu ,kaagad akong tumayo ngunit may umalalay naman sa akin. Kita ko ang pag-aalala niya sa mga mata. Alam kong may inis ang mga labi niya habang pinagmamasdan ang mukha ko'ng puno ng dugo.
"Reign." Hindi na niya napigilan kaya't nayakap niya ko ng mahigpit. Pikit ko siyang inilalayo dahil ang sakit ng katawan ko.
"Sorry. D-dalhin ka na-namin sa Hospital." Nanginginig ang kanyang mga kamay habang naka hawak sa magkabilang balikat ko.
"Malayo naman ito sa bituka." Matapos ko sabihin nun ay may ngiti'ng lumabas sa kanyang labi.
"Sino kasama mo?" Nawala ako sa konsentrasyon dahil sa kasama niya na nasa likod. Tumingin din ito sa likuran niya. "Gusto mo ba ihatid kana namin sa bahay nyo?"
Naalala ko nga pala na hindi pa kami maayos ni Joseph. "Joseph , hindi ko kayang tanggapin 'yang alok mo. Kailangan ako ng kaibigan ko."
"Sino? Si Nicole ba?" Umiling ako."Sino? Nasaan siya?"
"Hayaan mo na ko Joseph. Please ,kaya ko na 'to." Pinulot ko ang mga gamit na kumalat. May kaonting kirot pa kong nararamdaman ngunit hindi ko naman dapat alalahanin 'yon.
"Tutulungan ka na----" naputol ang sasabihin ni Joseph ng magsalita si Zayn.
"Hayaan mo nga siya kung ayaw ng tulong! Tara na ,mas mahalaga ang pupuntahan natin kaysa sa kanya." Mahalaga? Tss , nandito kayo sa Amusement park ,Haller ? Ano naman gagawin nyo'ng mahalaga? Ang sumakay sa mga Rides? Tss.
"Joseph..." Otoridad na tawag muli nito sa kaibigan habang papalayo sa amin.
"Sorry, sorry kung hanggang ngayon masama pa rin ang loob mo sa akin. Sorry talaga. Gusto sana kitang tulungan pero---"
"Kahit wag na. Sabi ko nga sayo hindi ko kailangan ang tulong mula sayo." Hindi ko naiwasan malungkot dahil naka simangot siya'ng lumayo sakin.
"Mauuna na ko. Ma---mag-linis ka kaagad ng sugat mo." Yan ang gusto ko kay Joseph, kahit alam niyang galit na ko at ayaw ko siyang kausap ay hindi nawawala sa kanya ang concern sa akin.
Nauunawaan ko kung bakit ganyan siya. Nagugustuhan niya kasi ang tulad ko. Ayaw niyang nasasaktan ang isang tulad ko.