Chapter 13

1978 Words
Napapakislot si Efrim dahil sa naririnig niyang ingay, hindi din siya kaagad makadilat dahil sa nasisilaw siya sa liwanag na tumatama sa kanyang mata. Nakahawi kasi ang mga kurtina sa private room na iyon kung saan siya naka-confine. Tinaas niya ang kaniyang kamay upang matabingan ang kanyang mata para hindi siya masilaw. Nakita niya ang isang babae na nakatalikod at may inaayos sa lamesa na nasa kwartong iyon. Hindi niya nakilala ang babae dahil sa nakatalikod ito. “Sino ka?” namamaoos ang boses na tanong ni Efrim dito. Bigla itong humarap dahil sa nagulat ng magsalita siya at natabig ang baso na nakapatong sa lamesa. Buti na lang din at nasalo din nito agad. “S-sorry, nagising ba kita?” nag-aalala nitong tanong. “Yang-yang anong ginagawa mo dito?” siya naman ang nagulat, may bandage pa ang kamay nito at pati sa mukha nito na dahil hindi pa din gaanong magaling ang mga sugat na gawa ng mga walang pusong tao. “A-ah kailangan kasing umalis saglit ni Tam, kaya ako muna ang pumalit sa kanya. Nagugutom ka na ba?” anito na parang natataranta, at agad siyang binigyan ng pagkain. Natawa naman siya dahil hindi nito malaman ang gagawin dahil natataranta. “Ayos lang ako, kung pwede bigyan mo na lang ako ng tubig.” aniya dahil pakiramdam niya ay tumakbo siya ng pagkalayo-layo dahil na nunuyo ang lalamunan niya. “Ah, sige saglit lang at ikukuha kita.” Saka ito nagmadali na ikuha s’ya ng tubig. “Bakit ikaw ang nagpunta dito at hindi si Manang. Magaling ka na ba?” tanong niya sabay abot ng tubig na binigay nito. “Salamat!” “Marami din kasing ginagawa si Manang, saka wala din naman akong ginagawa sa Mansyon kaya ako na lang ang nagboluntaryo na magbantay dito.” Nahihiyang sagot nito. Inabot niya dito ang baso, ng mapansin niya ang bahagi ng sugat nito na hindi maayos ang pagkakalagay ng bandage. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at kinuha ang gasa sa table na pinaglayan ng nurse ng linisin nito ang sugat niya. “Aah!” sigaw ni Yang-yang na nagpatigil sa kanya. Noon lang kasi niya napansin na naluluha na ito sa sakit dahil binuhusan niya ito ng alchol sa mga galos nito. At noon lang din niya napagtanto ang ginawa niya, hindi kasi niya mapigilan ang sarili na maawa sa sinapit nito kaya ganoon na lang siguro ang kinilos niya. “S-sorry, hindi ko sinasadya. Masakit ba?” tanong niya dito. “Hindi na gaano,” nakangiti pero sisinghot-singhot ito at pinipigil ang mapaluha dahil sa ginawa niya. “Pasensya na ulit, hindi ko napigilan.” Aniya na napangiwi. “Ayos lang, maganda nga iyon para mabilis na gumaling.” Anito na ikinatawa niya. “Ikaw ba ay kumain na?” tanong niya dito dahil ang aga nitong nagpunta sa ospital para mabantayan siya. “Oo, kumain na ako bago magpunta dito.” Nahihiyang sagot nito. ******* TAM’s POV “Haaa... haaa, grabe ang layo namang lakaran nito. nasaan ba ang opisina dito.” Hinihingal nasabi ni Tam sa sarili. “Kuya— kuya excuse me,” tawag niya sa lalaking makakasalubong. “P’wede bang magtanong saan po ba dito ang admin office? Kanina pa kasi ako lumalakad at paikot-ikot na rin ata ako pero hindi ko pa rin makita kung nasaan ang admin.” Aniya na humihingal na. “Ay naku kuya, nasa kabilang hallway pa ‘yon mali ka ng nilikuan. Dito ka na lang dumaan, short cut din naman ‘yan.” anito sabay turo sa daan na sinasabi nito short cut. “Ah, sige po salamat.” Aniya at tinunton na niya ang daang tinuro nito. Pero habang naglalakad papuntang admin office ay napansin ni Tam ang ilan sa mga estudyante sa paaralan na iyon. Nagpunta siya sa eskwelahan na iyon upang i-enrol si Yang-yang. “Anong tinitingin-tingin mo dyan?” anang isang estudyante na may hawak na mariwana. “Ah!” aniya na ngumiti sa mga ito. “Itatanong ko lang sana kung saan ang admin office, kanina pa kasi ako paikot-ikot e.” tanong niya kahit alam na niya kung saan siya pupunta, para lang mapag-masdang mabuti ang mga ito. “Dito ang daan,” anito habang tinuturo nito ang puwitan nito, saka sabay-sabay itong nagsitawanan. “Sige, salamat na lang.” aniya at inismiran ang mga ito. “Ayaw mo bang samahan kita,” sigaw pa nito at muling nagtawanan. Nang medyo nakalyo na siya sa mga ito ay kinuha niya ang kanyang cellphone. “Hello Chairman! Confirm—“aniya, habang pinakikinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya ay patuloy pa ring gumagala ang kanya mata sa lugar. “Bukod po sa mariwana, nakita ko din na may party drugs din ang ilang estudyante dito. At take note Chairman, lantaran ang gamitan dito at walang may pakialam kung may makakita.” Aniya na pabulong na nagrereport sa matanda. “Sige Tam, salamat sa impormasyon mo. Sigurado ako na malaking sindikato ang may hawak sa mga ‘yan at hindi magawang sawatahin.” Ang matanda sa kabilang linya. “Tama ka Chairman, biruin mo tirik na tirik ang araw pero pati mata nila tirik din at walang sumisita, kahit guard na dumaan ay walang pakialam.” Aniya na napapailing na lang. “Kaya dapat natin bantayang mabuti ang lugar na iyan, para malaman natin kung sino ang may hawak sa kanila.” Anito. “Sige po Chairman at hahanap pa ako nag ibang impormasyon na maaaring makatulong sa atin.” Ani Tam. “Kung ganoon ay balitaan mo na lang ako, at ‘wag na ‘wag mong sasabihin kay Efrim ito.” mariing bilin ng matanda sa binatilyo. “Makaka-asa ka po chairman.” Aniya at tatango-tango na animo’y nakikitang kausap. “Sige kung ganoon, asikasuhin mo na din ang enrollment ni Yang-yang.” Bilin pa nito. “Sige po chairman,” aniya bago tuluyang magpaalam sa kausap. “Hayyy... grabe sinisira n’yo ang buhay n’yo.” Bulong niya sa sarili at muling nilingon ang mga kabataan na nadaanan niyang gumagamit ng mariwana. **** (Yang-yang POV) Maaga siyang umalis ng mansyon dahil nakisuyo si Tam na kung pwede siyang magbantay sa amo nito na nasa ospital ngayon. hindi na siya tumanggi dahil malaki din naman ang utang na loob niya sa pamilya nito. Agad siyang nagbihis para pumunta sa ospital, binilin na lang muna niya ang mga kapatid kay Manang para bantayan ang mga ito habang wala siya, buti na lang ay pumayag naman ang matanda. Pagdating niya sa ospital ay kaagad niyang nakita ang mahimbing na natutulog na binata. nakaramdam naman siya ng awa dito at nagpa-salamat na din dahil iyon lang ang inabot nito sa aksidente. Muli niya itong tinitigan at bahagyang napangiti saka napailing, s’ya din namang pagtunog bigla ng kanyang cellphone na bigay pa ng binata ng una silang makita. “Dito sa ospital— oo, sinuswerte pa din s’ya at ito lang ang inabot n’ya.” Aniya at napangiti, saka muling sinulyapan ang natutulog na binata “Siguradong sa susunod, hindi na siya makakaligtas—” muli siyang napa-ngisi sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. “Oo, hindi ko hahayaan na malaman n’ya, magaling akong magtago.” Aniya at mapait na napangiti. Pagkababa ng tawag ay agad na niyang inayos ang dalang pagkain na pinadala ni Manang sa kanya, para ipakain sa alaga nito dahil hindi ito nakasama sa ospital nang bigla itong nagsalita dahilan ng pagkagulat niya. Kanina pa kaya ito gising? Narinig kaya nito ang sinasabi niya kanina? aniya sa sarili at natabig pa niya ang baso buti na lang ay naagapan niya at hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Halata din ang pagkagulat nito ng makita siya, kinakabahan naman siya. Matapos niya asikasuhin ang binata ay nagpaalam siya na lalabas muna saglit. “Sandali lang po ako sir, may kakausapin lang po ako sa labas.” Paalam niya dito, bahagya naman napakunot noo nito. “Sino, diba wala ka naman kakilala dito?” nagtataka nitong tanong. “Kaibigan ko po sa bar na pinagtatrabahuhan ko dati.” Aniya. Buti na lang at hindi na ito nagtanong pa. nagmadai siyang bumaba upang puntahan ang kaibigan na nasa lobby ng hotel. “Yang!” tawag ng kaibigang si Amie. “Amie, kamusta? Ano ba ang ibabalita mo at gusto mo na magusap tayo agad, mukhang hindi na makaka paghintay yan ah!” biro pa niya dito. “Bakit kayo na ba ng nililigawan mo?” aniya sabay kindat dito “Ikaw talaga puro ka kalokohan, ako—“ sabay turo sa sarili. “manlilogaw, asa ka. Sila nnga itong nagkakandarapa sa paghabol sa akin e.” saka ito umirap sa kanya. “Pero seryoso, ano ba’ng dahilan bakit ka nandito?” muli niyang tanong dito. “Eto na nga friend. Si boss panot galit na galit at pinapahanap ka. Ikaw girl huh! Ano na naman ba ang ginawa mo at galit na galit ang matandang panot na yun?” mapangmatyag itong tumingin sa kanya. “At ano naman ang ginawa ko sa siraulong yon, lumayo na nga ako sa kanya tapos nadadawit pa rin ang pangalan ko?” aniya na nagtataka “Ito pa... ito pa pala, sa tingin ko isa din sa dahilan kung bakit nagagalit ang panot na iyon dahil sa poging lalaking nagpunta sa bar n’ong nakaraang araw,” anito natatango-tango. “Lalaki?” ulit niya sa sinabi nito. “Oo girl, may dalawang lalaki na nagpunta dun.” “E ano naman ang kinalaman ko don at pati ako nadamay?” nalilitong tanong niya sa kaibigan. “Aba’y Maaaa. Kaya nga ako nakipagkita sayo para itanong, dahil base sa nasagap kong chikka ay galit na galit itong si panot dahil pinagbantaan ni poging boy si panot dahil sayo. Oh! Umamin na” saka siya nito pinandilatan. “Anong aaminin ko e, wala nga akong kaideideya jan sa sinasabi mo. Saka isa pa sino ba iyang lalaki na sinasabi mo?” aniya. “Aba’y ewan ko sa’yo.” Anito at humalukipkip pa. “Pero ito girl mag-ingat ka hindi ko alam kung bakit ka pinapahanap ni panot, at kung ano man iyon siguradong may kinalaman si pogi don at ikaw ang pinagbuntunan ng galit, kaya mag ingat ka.” Babala nito sa kanya. “Oo mag-iingat ako, salamat sa inpormasyon mo.” Pasalamat niya dito. “Wala iyon, ang sa akin lang ay mag-ingat ko. Kilala mo naman ang hayop na iyon walang sinasanto.” Dagdag pa nito. “Salamat ulitnsa paalala.” “Oh s’ya aalis na rin ako kasi baka makita pa tayo nga mga alagad ni panot at ako naman ang malagot dahil sinabi kong lumipat ka na ng ibang bahay at nawala na ang koneksyon ko sa ‘yo.” Anito at yumakap pa ito bago nagpaalam. Bigla naman tuloy siyang kinabahan sa kaligtasan nilang magkakaptid kung totoo nga ang sinasabi nito. paano na ang mga kapatid n’ya kung aalis sila sa mansyon dahil baka madamay pa ang mga ito sa problema n’ya. Iyon ang iniisip niya habang tinatanaw ang palaypng kaibigan. “Booooo!” ani Tam na biglang sumulpot sa likuran niya. Hindi niya na pansin na nasa likuran na pala niya ito. “Kanina ka pa ba jan?” Tanong noya. “Hindi naman karating ko lang. sino yung kausap mo kanina?” tanong pa nito. “Kasamahan ko sa bar dati, nakasalubong ko lang kaya medyo nagkakwentuhan.” Pagsisinungaling niya. “E ang pasyente natin, kamusta?” tanong nito sa binata. “Gising na s’ya kanina pa, may pinuntahan ang ako sagit kaya iniwan ko muna.” “Okay, tayo na sa loob at may dala akong pagkain.” Anito at tinaas ang kanina pa nitong bitbit. “Sige at idagdag na lang natin sa pinadala ni Manang.” Aniya at sumunod na ditong pumasok sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD