Chapter 12

1321 Words
Efrim POVs “Let me go! kapag talaga ako nakawala, makakaganti din ako sa inyong lahat. lalong-lalo na sa iyo!” sabay turo nito sa kanya na galit na galit. Napapahilot na lang ng sintido si Efrim dahil sa patuloy na pagsigaw ni Nami, muntik na naman kasi silang matakasan ng dalaga, kung hindi lang alisto ang kanyang mga tauhan malamang sakit na naman sa ulo ang dulot nito sa kanila. “Ipasok n’yo na siya sa silid niya at siguraduhin ninyo na hindi na ulit ‘yan makakatakas ah!” bilin niya sa mga bantay, bago siya lumabas ng mansyon. Pabagsak siyang naupo sa kotse niya, at hindi pa niya tuluyang naipapasok ang isa niyang paa, nakapikit din siyang tumingala habang hilot-hilot pa din ang kanyang sintido ng lapitan siya ni Sgt. Santos. “Efrim!” tawag nito na nagpalingon sa kanya. “Sgt. Santos may problema ba?” tanong niya dito. Dahil mukhang seryoso ang mukha nito. “Mukhang hindi nga sa’yo na kakarating ang balita.” “Anong balita ba ‘yan?” tanong n’ya dahil sa hindi mapintang mukha nito. “May kagaguhan na naman ang ginawa ang kilabot gang. Wala na talagang sinasanto ay mga hayop na iyon.” Tiim ang bagang at napapa-iling ito habang nagkukwento sa kanya. “Bakit ano na naman ba ang ginawa nang mga iyan, kahit kailan talaga sakit sa ulo ang grupo na iyan.” Naiiling na din siyang umayos ng upo. “Sinabi mo pa, wala na talaga silang takot ngayon. At sa pagkakataong ito dalawang bata ang sabay nila kinuha, at base sa mga description ng mga naka-saksi ay tugma lahat sa grupo ng kilabot gang.” Pati din ito ay napahilot na lang din sa sintido nito dahil sa mga sakit sa ulo na mga sindikato na iyon. “Biruin mo, nagawa nila iyon kahit may nakaka-kita sa kanila.” Anito na naiiling. Hindi naman malaki ang grupo pero kung kumilos ay parang isang malaking organization. Na hanggang ngayon ay hindi nila matukoy kung sinong grupo ang tumutulong sa mga ito. “Saan ka ba pupunta?” Tanong nito sa kanya. “Sa bahay, dahil tumawag si Pa at pina-uuwi ako dahil may gusto daw itong sabihin sa akin.” Aniya na inayos ang sarili sa pagkakaupo sa sasakyan niya. “Kung ganoon ay magre-report muna ako sa opisina, saka na lang tayo mag-usap tungkol sa grupo nila. Mas maganda din kasi kung ipaalam muna nating ito at hindi muna kumilos ng walang pahintulot nila dahil baka tayo naman ang mayari.” Biro pa nito. Kung hindi pa nya alam kung gaano ito kakati na kumilos mag-isa. Natatawa at napapailing na lang siya dito. Hindi rin nagtagal ay nagpa-alam na siya sa kausap. Habang binabagtas ni Efrim ang daan pauwi sa mansyon nila ay napansin niya ang dalawang sasakyan na nakabuntot sa kanya. Agad niyang hinanap ang baril niya sa sasakyan, pero napa-mura lang siya ng hindi niya iyon makita. Marahas niyang hinampas ang manibela ng sasakyan. “Kung minamalas ka nganaman,” aniya sabay kabig ng manibela pakaliwa, pabalik sa hi-way dahil hindi dapat malaman ng mga ito kung saan siya nakatira. Diniinan niya ang gasolina upang bumilis ang takbo ng sasakyan, pero mukhang hindi siya papatakasin ng humahabol sa kanya dahil agad din naka-buntot ang mga ito sa kanya. Mabibilis ding magpatakbo ang mga ito, at mukhang nagkamali siya nang tantya. Muli niyang binilisan ang patakbo pero naunahan siya ng isang kotse na humahabol sa kanya at agad siyang kinat. Dahil sa mababangga niya ito ay mabilis niyang kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Sa pagkabig niya ay napunta siya sa kabila linya ng kalsada at makakasalubong niya ang ang malaking truck na todo ang busina. Pinilit niyang tapakan ang preno ng sasakyan niya pero ayaw nitong gumana. Mabilis niya kinabig muli ang manibela upang ang hulihan ng sasakyan niya ang tamaan ng truck pero mukhang hindi na siya aabot. Tumama ang mukha niya sa manibela at tuyan ng nagdilim ang kanyang paningin. “Ugh!” “Buhay s’ya!” narinig niyang sigaw ng mga taong nagkakagulo sa paligid niya. “Tabi— tumab kayo!” sigaw ng papalapit na lalaki sa kanya, medyo malabo ang paningin niya. Umiikot ang kanyang tingin sa paligid. “Efrim... Efrim, naririnig mo ba ako.” Sabay tapik nito sa kanyang pisngi. Nahihilo man ay kilala niya ang boses nito. “Sgt. Santos, ahh!” aniya na nasapo ang ulo na kumikirot. “Huwag ka munang kumilos, paparating na ang ambulansya.” Anito na kinakalma siya. Unti-unti lumalabo ang pandinig niya, ilang beses din niyang narinig na tinatawag siya nito pero hindi na niya magawa pang sumagot dahil pakiramdam niya ay hinugot lahat ang kanyang lakas. At muli ay nagdilim ang kanyang paningin. Nang maalimpungatan ay naramdaman niya ang kamay na humahaplos sa kanyang kamay. Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita ang Ama na nakatingin at kita ang pagaalala sa mukha nito. “Kuya Efrim!” ani Tam na halos humagul-gol na yumakap sa kanya. “Ah! Tumayo ka hindi ako makahinga. Anong nangyari?” Tanong niya na tumingin sa Ama at sa katabi nitong si Sgt. Santos. “Pag ka-alis mo sa mansyo ng mga Dixon, ay kasunod mo din ako aalis na din sana, ng mapansin ko ang dalawang kotse na sumunod sa iyo. tinatawagan kita pero hindi mo ako sinasagot.” Sabi pa nito. “Naiwan ko sa kwarto, kasama ng baril ko.” Natawa ito. “Pambihira, mukhang pumupurol ka na ah! At ang importanteng bagay pa ang iniwan mo. Paano na lang pala kung hindi kita sinundan.” Napapailing ito. “Anak, baka gusto mo din na bumalik sa pag-aaral ng mahasa kang muli.” Segunda ng ama. Natawa naman siya. “Hahaha— Ah!” aniya sabay hawak sa tagiliran. “Wag kang mag-alala kuya Efrim, wala ka namang fracture o kahit na anong matinding bali sa katawan maliban jan sa nabugbog mong tagiliran at Jan sa noo mo na tumama sa manibela, bukod do’n wala na.” anito na minuwestra pa ang kamay. “Mukhang malakas ka pa din sa kalabaw ah! Pero pwera biro,” anito na sumeryoso. “Pero swerte ka pa din, dahil kung hindi malamang hindi ka sa kama na iyan nakahiga ngayon kung hindi nakapag-preno ang driver ng truck. Kaya pasalamat ka dahil baka sa susunod ay hindi ka na swertihin.” Babala nito. “Sa tingin n’yo, sino ang may pakana nito.” tanong ng ama niya. “Siguradong isa sa mga sindikato na malaki ang inggit sa inyo, Pa.” aniya na hawak ang kumikirot na tagiliran. “Ang mabuti pa magpahinga ka na muna, saka na natin ito pag-usapan. Kailangan ko na din kasing umalis, kailangan ko din kasing ireport ito. Dadalaw na lang ulit ako sayo.” Anito na tinapik ang kanyang balikat. “Salamat,” aniya. “Chairman, mauna na po ako. Sa meeting na lang po natin ito pag-usapang mabuti.” “Salamat, Sgt. Santos. Mag-ingat ka din dahil hindi natin alam kung si Efrim lang ba talaga ang target nila.” Paalala ng Ama. “Salamat. Chairman makakaasa ka.” Anito bago tuluyang umalis. Nang makaalis ito ay lumapit agad sa kanya ang Ama. “Kamusta ang pakiramdam mo, Anak?” tanong nito. “Ayos lang ako, Pa. Malayo pa naman sa bituka.” Sabay ngisi dito. Bigla naman nitong pinalo ang sugat niya sa noo, kaya siya na pa aray. “Puro ka kalokohan, mamatay ka na nga’t lahat puro ka pa kalokohan.” Anito na umupo sa sofa malapit sa kama niya. “Sa tingin mo, sino ang may lakas ng loob na gawin ito sa’yo?” “Wala pa po akong ideya, pero sa oras na makalabas ako dito—“ aniya na nagtiim ang kanyang bagang. “Siguradong walang bahagi sa mundo ang kanyang maaring pagtaguaan.” At matigas na tumingin sa Ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD