Chapter 11

1808 Words
Yangyang POVs Nagising si Yang-yang sa hindi pamilyar na silid, nang bigla siyang napabangon ng maalala niya kung nasaan siya. Agad siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan para hanapin ang kanyang mga kapatid. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makita ang mga ito na masayang nakiki-paglaro kay Tam. “Ate!” tawag Jona at saka ito tumayo upang salubungin siya sa pagbaba. “Ate, kamusta ka na, magaling ka na po ba?” tanong din nga kapatid na si Allen. “Opo, maayos na si ate,” nakangiting ginulo niya ang buhok ng kanyang mga kapatid. “Baka na gugutom ka na, magpapahanda na ako kay Manang?” sabi ni Tam na pasan-pasan si Rap. “Ayos pa naman ako, mamaya na siguro ako kakain.” Nahihiyang tanggi niya sa binatilyo. “Iha, ang mabuti pa ay kumain ka na para mainom muna ang iyong gamot,” nagulat siya sa nagsalita na ikinalingon nilang dalawa ni Tam. “Chairman,” ani Tam na binaba ang kanyang kapatid at lumapit sa matanda, “Aalis na po ba kayo?” tanong nito sa matandang papalapit sa kanila. “Hindi, dito muna ako sa mansyon ngayong araw. Ang mabuti pa ay magpahanda ka na nang pagkain para makakain na itong si—“ na tumingin sa kanya. “Yang-yang na lang po.” Nahihiya siyang ngumiti sa matanda dahil sa kabuhitan na ipinapakita nito sa kanya at sa mga kapatid niya. “Sige na Tam pumunta ka na sa kusina,” utos nang matanda na sinunod naman nito agad, kasama ang mga kapatid na nagtungo ang binatilyo sa kusina. Susunod sana siya sa mga ito ng umupo ang matanda sa sofa at tinanong ang kayang edad. “Ilang taon ka na ba hija?” seryosong tanong ito. “Dalawampu’t limang taon na po ako,” nahihiya pa siyang napayuko ng sagutin ang tanong nito. “Ang mga magulang ninyo, nasaan sila at bakit kayo napunta sa ganiyang sitwasyon?” anito na ang tinutukoy ang kalagayan nila ngayong magkakapatid, natahimik siya sa tanong nito. “Ayos lang kung hindi ka pa handang sagutin, hindi naman kita pinipilit huwag mo na lang pansinin ang matandang tulad ko, hahaha. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan ang bibig ko ito, hahaha” anang matanda na ginawa na lang nitong biro. “Hindi po, ayos lang ang totoo din po kasi niyan, pare-pareho po kasi kameng ulila ako na lang po ang nag-alaga sa mga kapatid ko kasi hindi nila alam kung saan nila hahanapin ang kanila mga magulang. Kaya ako na lang po ang kumupkop sa kanila. “lumaki po ako sa ampunan, pero noong medyo malaki na po ako kinailangan ko na din pong umalis na sa ampunan, dahil wala na din po silang pananagutan sa akin dahil nasa tamang edad na rin po ako.” Paliwanag niya sa matanda na matamang nakikinig sa sinasabi niya. “Paano ka naman na punta sa ampunan? Ang mga magulang mo ba ang nagdala doon sa iyo?” tanong nito na pinagsalikop ang kamay. “Dinala po ako doon ng mga taong nakapulot sa akin. Nakita na lang daw po nila ako na bigla na lang nawalan ng malay sa daan, kaya dinala nila ako noon sa hospital, nag-report na daw sila sa police kung may maghahanap sa akin kaso wala daw pong nagpunta, kaya dinala na nila ako sa ampunan at doon na din po ako nagka-isip.” Pahayag niya sa matanda. “Pwede kitang tulungan na mahanap ang tunay mong magulang, kung gusto mo. ano ba ang tunay mong pangalan?” tanong nito na ikinalungkot niya. “Chairman, ang totoo po kasi niyan hindi ko po talaga alam kung ano ang tunay kong pangalan, kahit ang edad ko ay hinulaan na lang ng mga tao na nagdala sa akin sa ampunan. Simula po kasi nang magising ako sa hospital ay wala na po akong maalala sa nakaraan ko, kaya ang tanging ala-ala ko lang din po iyong araw na magising ako sa mismong hospital. “Ang sabi po nang doctor ay posibleng na trauma ako sa pang-aabuso na naranasan ko noong bata ako. Ang natatandan ko po kasi na sinabi nila sa akin ay tadtad daw po ng pasa ang katawan ko noon ng himatayin ako sa kalsada bago ako madala sa hospital. Yang-yang po ang tinawag nila sa akin kasi wala po silang maisip na itawag sa akin hanggang sa nakasanayan ko na rin na iyong pangalan na iyon.” Mahabang pahayag niya sa matanda na nagpabuntong hininga dito. “Kahit gustuhin pala kitang tulungan kung walang kang lead sa tunay mong pagkatao, paano natin mahahanap ang pamilya mo?” “Chairman, nakakahiya man po pero pwede po ba na ang mga kapatid ko na lang ang tulungan n’yo, kasi kung ako wala na akong pag-asa matanda na ako. Pero sila may kinabukasan pang naghihintay sa kanila. Hindi na po ako umaasa para sa sarili ko.” Paki-usap niya sa matanda. “Wala naman kaso na tulungan ko sila, kasi iyan din naman ang dahilan kung bakit kayo ngayon nasa poder ko, pero may isa lang naman akong kundisyon sa iyo?” sabi nitong nakatingin sa kanya at maghihintay sa reaksyon niya. Alanganin naman siyang sumagot dahil sa hindi niya alam kung ano ang kundisyon na tinutukoy nito. “Huwag kang mag-alala dahil madali lang naman ang ipapagawa ko sa iyo.” anito na mukhang napansing ang pag-aalangan niyang sumagot. “Kung maipapangako ninyo po sa aking ang kaligtasan ng mga kapatid ko, gagawin ko po ang iuutos ninyo sa akin.” sabi niya na nag-aalangan pa rin kung magagawa ba niya kung sakaling may iuutos ito sa kanya, kasabay din nang paglakas ng t***k ng puso niya dahil sa kaba na baka kung ano ang ipapagawa nito at hindi niya kayanin. “Okay, sa ngayon wala naman akong ipapagawa sa iyo. gusto mo bang bumalik sa pag-aaral mo?” sabi pa nito na ikinabigla niya dahil hindi niya iyon inaasahan, matutuwa ba siya o ano? Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil elementary lang ang natapos niya, gustuhin man niya noon na magpatuloy ay wala naman siyang kakayahan na pag-aralin ang sarili niya, hindi din naman siya kayang suportahan noon ng ampunan dahil madalang ang mga donasyon na nakukuha noon, kaya nga niya kinailangan na rin umalis noon dahil hindi na nila kaya pang suportahan ng mga kagaya niya na nasa tamang edad naman na para mabuhay mag-isa. “Ano. Hija, gusto mo bang ituloy ang pag-aaral mo?” pukaw ng matanda sa pag-iisip niya. “Gusto ko po, Chairman kaya lang—“ hindi niya matuloy kasi paano niya makakabalik sa pag-aaral ang tanda na niya, saka ang mga dokumento niya ay wala naman sa kanya. “Hindi mo na kailangan na mag-isip kung paano ka makakabalik sa pag-aaral, ang kailangan mo lang ay sumang-ayo kung gusto mo. Ano payag ka ba o hindi?” “G-gusto po. Chairman.” Nanapayuko siya sa hiya. “Kung ganoon, si Tam na ang bahala sa mga documents na kakailanganin mo, siya na din bahala sa lahat ng gagamitin mo.” Anito na sakto naman ng paglabas ng binatilyo at tinawag sila upang kumain. “Salamat po Chairman. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo dahil sa kabutihan na pinapakita ninyo sa aming magkakapatid.” Ngumiti naman ang matanda sa kanya. “Hindi mo kailangan tanawin na utang na loob iyon sa akin dahil hindi naman ito libre, pagtatrabahuhan mo ito.” sabi nito na tumayo at tinapik siya sa balikat. “Pero maraming salamat pa din po Chairman, kasi dahil pa din sa inyo kung bakit ako muling makaka pag-aral.” Pagpupuilit niya. “Ang mabuti pa ay kumain ka na, si Tam na ang bahala sa mga kakailanganin mo para makabalik ka sa pag-aaral mo. Goodluck sa iyo.” anito bago tawagin si Tam. Pinagmasdan niya ang matanda habang binibilinan nito si Tam. “Yes, Chairman makaka-asa ka po,” narinig niya sabi ni Tam bago lumabas ang matanda ng mansyon. Masayang lumapit si Tam sa kanya, “Masaya ako para sa iyo, Ate Yangyang, huwag kang mag-alala dahil aayusin ko agad ang mga dokumento na kakailanganin mo para maka pag-enroll na ka kaagad.” “Ako din Tam, sobrang saya ko din ngayon. Kaso kinakabahan din ako kasi ang tagal ko nang hindi na kapag-aral na tatakot akong hindi makasabay sa kanila.” “Huwag kang mag-alala ate, kasi habang nag-aaral ka makakasama po pa kame, kasi ang gusto ni Chairman ay home study ka lang kasi delikado kung mag-aaral ka sa mismong school, lalo na ngayon sa problemang kinakaharap mo dahil kung may humahabol pa sa iyo mahihirapan kang umiwas sa kanila.” Paliwanag nito. “Napaka swerte naming magkakapatid dahil na tagpuan namin ang katulad ninyo, maraming salamat talaga.” Saka niya masuyong hinawakan ang kamay nito, bahagya naman itong nahiya sa kanya na ikina-ngiti niya. Gusto talaga niyang mahanap ang mga magulang ng kanyang mga kapatid, dahil natatakot siya na pagdumating ang araw na hindi na niya magawa pang malansi sa mga humahabol sa kanya. At natatakot din siyang hindi na niya maalagaan pa ang mga ito, ngayon kasi ay maswerte pa sila dahil si chairman ang nakakita sa kanila paano kung iba iyon? At hindi katulad na mabait at handang tumulong sa kanila, saan na lang sila pupulutin n’yan. At ang masaklap pa, kung ibenta sila ng mga halang ang kaluluwang mga tao tulad na lang ng humahabol sa kanya. Para sa pera, ayos lang kung mamatay ang taong masasangkot sa iligal nilang gawain. At hindi niya hahayaan na mangyari iyon sa mga kapatid niya, ‘di baleng siya na lang ang masaktan ‘wag lang ang mga ito dahil sa ang ba-bata pa ng mga ito. Napapangiti naman siya habang nakatingin sa mga kapatid na sarap na sarap sa pagkain. “Ate—“ nagtaka naman siya nang makita ang kapatid na si Ellen, habang nakatingin sa kanya. “Ate Yang-yang, may problema ka ba?” nag-aalalang tanong din ni Tam sa kanya. Nagulat na lang din siya nang maramdaman ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi. “Ah! Hindi, ayos lang ako. Masaya lang ako kasi hindi ako makapaniwala na makakapag-aral akong muli.” Sabi na lang niya. Saka niya inasikaso ang mga kapatid na kumakain, “Masarap ba?” tanong niya. “Opo, masarap. Ngayon lang po ulit ako na kakain ng ganito, noong kasama ko pa sila Mama at Papa.” Ani Jona na patuloy ang pagsubo sa pagkain nito. Natutuwa siyang makita ang mga ito na masaya. “Kung ganoon, huwag kayong magtira ng pagkain diyan sa pinggan n’yo ah, dahil kung hindi kayo ang maiiwan dito at kayo din ang maghuhugas ng pinagkainan ninyo.” Pananakot niya sa mga kapatid, pero masayang nakatingin sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD