Grounded si Nami at bawal itong lumabas, kaya naman ay nasa bahay lang ito at kan’yang binabantayan.
Gusto niya itong lapitan pero nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito pag nagpakilala siya bilang kababata niya. Nasa garden ito at hawak ang cellphone nito.
Ano ba kasi ang nangyari noong araw na iyon bakit hindi mo ako maalala? Malungkot niyang naitanong ito sa sarili. Dahan-dahan siyang lumapit dito.
“Hi!” bati niya dito.
“Yes?” Tumingin lang ito sa kanya ng nakataas ang kilay saka muling binalik ang tingin sa hawak nitong cellphone, hindi siya agad nagsalita at pinakatitigan lang ito.
Nakasimangot itong muli nang tumingin sa kanya, “May kailangan ka ba? Kasi kung wala ka namang sasabihin p’wede bang umalis ka sa harapan ko, kasi naiirita akong makita ‘yang pagmukha mo?” mataray nitong sabi sa kanya.
“Hindi mo na ba talaga ako matandaan?” lakas loob niyang tanong sa dalaga. “Ako yung kababata mo na kasama mo no’ng na-kidnapped ka noong bata ka pa, ako ‘yun yung nagpatakas sa inyo!” naka-ngiti niyang paliwanag.
Halata naman sa mukha nito ang pagkagulat, napahawak pa ito sa bibig nito at dumiretso ng pagkaka-upo. Para naman tuloy siyang nabuhayan nang loob dahil sa reaksyon nito. Alam niyang naalala pa rin siya nito, at masaya siya dahil makakasama niya ulit ito.
“Don’t tell me, you—“ na hindi matuloy ang sasabihin, makikita sa mata nito ang luhang nagbabadya nang tumuloy.
“Ako nga, naaalala mo na ako? Si Efrim!” Masaya-masaya siya na tinuro pa ang sarili.
“You— you get lost!” biglang sigaw nito, “Wala akong pakialam sa ‘yo at wala rin akong pakialam sa nakaraan mo, get out of here ‘coz I don’t wanna to see your damn face, get lost. go… goo!” sigaw nito saka nakakalokong ngumisi ito sa kanya. Saka binalik ang tingin sa hawak nitong cellphone.
Napatulala na lang siyang napatingin sa dalaga, hindi niya akalain na pinasasakay lang pala s’ya nito, buong akala niya talagang naalala siya nito. Hindi niya maintindihan bakit ito naging ganito.
Pero hindi siya susuko hangga’t hindi siya nito naalala.
“Ano tatayo ka na lang ba d’yan, ayaw mo talagang umalis?” saka naman ito padabog na tumayo at iniwan siyang nakatulala habang nakasunod ng tingin sa pag-alis nito.
****
Pansamantala ay bumalik muna siya sa mansion nila, iniwan at binilanan muna niya si Sgt. Santos upang bantayan ang dalaga.
Hinihilot-hilot niya ang kanyang sentido na naupo sa sofa, sakto naman biglang dating ni Tam.
“Kuya Efrim, anong ginagawa mo dito?” gulat naman ito nang makita siya. “Bakit may masakit sa’yo?” anito na agad lumapit sa kanya.
“Wala naman masakit lang ang ulo ko, si Yang-yang?” tanong niya dito habang nakapikit at patuloy na hinihilot ang sariling ulo.
“Nasa taas, nagpapahinga kakalabas lang din kasi n’ya sa ospital,” saka ito pumuwesto sa likuran niya at hinilot ang kan’yang ulo.
“Salamat!” aniya saka ni-relax ang balikat. “Yung mga kapatid niya nasaan?”
“Nasa kusina sila, pinapakain ni manang, baka gusto mo na ring kumain, nakaluto naman na?” anito na tumigil sa ginagawang paghilot ng ulo niya.
“Mamaya na lang siguro, puntahan ko muna si Yang-yang,” saka siya tumayo.
“Okay, kung magutom ka bumaba ka na lang, kuya Efrim.” Saka ito nagtungo sa kusina, siya naman ay umakyat sa kwarto na tinutuluyan ni Yang-yang.
Pagpasok niya sa kwarto ay nakita niya itong natutulog, lumapit siya sa kama at pinagmasdan ang maamo nitong mukha na nakatagilid.
Inayos niya ang kumot nito nang mapansin ang mga galos nito, agad naman nagtiim ang kanyang bagang sa nakita, hinawakan niya ang kamay nitong puro galos.
Marahan niya itong hinaplos, nang gumalaw ito at bumaling ang mukha nito sa dereksyon niya, mas lalo siyang nakaramdam ng galit dahil sa nakita nito galos din sa bahagi ng mukha nito, puro gasgas iyon.
Unti-unting tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha ng dalaga, naawa siya sa kalagayan nito. Napansin niya ang mga gamot na nasa table malapit sa kama kaya inabot niya ito at kinuha ang ointment dito.
Dahan-dahan ang ginawa niya’ng pag-aapply ng gamot sa sumagat nito. Siguro ay nasaktan ito kaya napa-ungol ito, inangat niya ang kamay at pansamantalang itinigil ang ginagawa, ‘di rin nagtagal ay banayad na muli ang paghinga niya.
Abala siya sa paglalagay ng gamot at hindi napansin na nagising ito at nakatitig sa kan’ya. Nagulat pa siya ng makita ito mukhang naiiyak.
“Yang-yang, bakit ka naiiyak?” tanong niya na napatingin sa hawak na gamot, siguro nga ay mahapdi iyon, “S-sorry, nilalagyan ko lang nanggamot ang sugat mo!” nag-aalalang sabi niya dito.
Nagulat naman siya nang bigla itong yumakap, nanginginig ang buong katawan nitong nakayap at walang tigil sa pag-iyak.
Binitawan niya ang hawak na gamot at yumakap din dito saka niya hinaplos-haplos ang likod nito.
“Sshhh… tahan na, ligtas ka dito walang magtatangka sa buhay mo dito. Kaya ikalma mo ang sarili mo, hindi ka naming dito papabayaan!” mahinahon niyang sabi sa dalaga para kumalma ito.
Unti-unti namang tumigil ang panginginig nito pero nanatili itong nakayakap sa kanya, hinayaan lang niya ito hanggang sa maramdaman niya ang pagbigat nito. Dahan-dahan niya itong nilayo sa kanya nang makita na nakatulog pala itong muli.
Napangiti naman siya saka marahan ito ipinahigang muli. Saka inayos ang kumot nito bago lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas niya ay paparating si Tam.
“Saan mo dadalin ‘yan?” tanong niya dito.
“Ah, kasi naisip ko na dalhan ka na lang nang pagkain at iche-check ko na rin sana si ate Yang,”
“Tulog pa rin s’ya, akin na ‘yan sa baba na lang ako kakain, ‘wag mo na lang muna siyang istorbuhin, hayaan mo muna siyang magpahinga.” Bilin niya dito saka kinuha ang dala nitong pagkain para sa kanya.
Sumunod naman sa kanya ang binata.
“Kamusta pala ang pinagagawa ko sa’yo?” tanong niya kay Tam habang kumakain.
“Wala pa po Kuya Efrim, masyadong tago ang pagkakakilanlan ng mga humahabol kay ate Yang. Sa tuwing magpupunta kasi ako sa bar na sinabi ni ate Yang, wala namang kakaibang pangyayari pa. Kaya patuloy pa rin ako sa pagmamatyag.” Paliwanag nito.
“Gusto kong makita kung saan ang bar na iyan, samahan mo ako!” sabi niya sa binata na hindi siya tumitingin at patuloy sa pagkain.
Nagtaka naman siya ng hindi ito nagsalita kaya napatingin siya dito, nagulat pa siya sa itsura nito. Ngiting-ngiti ito na parang bata na excited na makakuha ng lauran.
Natawa naman siya, “Bakit ganyan ang itsura mo?” iiling-iling na napapangiti.
“Kasi naman kuya Efrim, sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama kita sa isang misyon. Alam mo bang pangarap kong makasama kita sa bakbakan,” anito na magkasalikop pa ang dalawang kamay.
“Sira ulo ka talaga,” natatawang ginulo niya ang buhok nito. Talaga namang may pagka-isip bata pa din ito, kahit madalas silang humaharap sa delikadong trabaho ay hindi pa rin nawawala ang pagiging isip-bata nito.