Chapter 8

1304 Words
Halos mag-dive na si Efrim sa kama sa sobrang pagod, hindi niya akalaing mas nakakapagod pa na sundan ang isang spoiled brat kesa sa mga sindikatong minatyagan nila dati. Halos ikutin nang mga ‘to ang buong mall, kung ano-ano din ang inutos sa kanya ng dalaga para lang sumuko s’ya, pero sa huli ang mga ito din ang bumigay at hindi siya kinaya. Bigla siya napabangon nang umilaw ang emergency light signal na nasa kanyang relo. Agad s’yang lumabas para alamin kung anong nangyayari, pero paglabas niya ay tahimik naman sa loob ng bahay. Tatawagan sana niya si Sgt. Santos ng makita niya ang mga miss call ni Tam sa kanya. Kaagad niya itong tinawagan. Hindi niya napansin ang mga tawag nito dahil sa busy siya kakasunod kay Nami. “Hello! Tam bakit ka tumawag anong nangyari?” tanong niya dito. “Kuya Efrim kanina pa kita tinatawagan, nandito ako ngayon sa sa eskwater sa bahay nila ate Yang-yang. Natunton sila ng mga humahabol sa kanya.” Humihingal ito habang nagsasalita. “Pero maayos na, nailigaw ko na sila?” halos hindi na ito makasalita sa paghabol sa hininga nito. “Kamusta ngayon ang sitwasyon d’yan, kamusta sila?” nag-aalala naman niyang tanong. “H’wag mo nang alalahanin, tumawag na din ako kay chairman, pinahatid ko na sila ate Yang-yang sa mansyon, bilin na din kasi ng papa mo. Ayos na rin naman ang mga bata, maliban kay ate Yang-yang.” nag-alala naman siya bigla ng sabihin nito na may nangyari sa dalaga. “Bakit anong nangyari?” tanong niya na napalakas ang kan’yang boses. Natawa naman ito sa naging reaksyon niya, “Chill kuya Efrim, naabutan kasi sila ng mga lalaking humahabol sa kanila bago kame makarating, kaya kinaladkad siya ng mga ito dahil ayaw niyang sumama. Ang mga hayop talaga na iyon, mga walang awa kahit babae pinatulan.” Galit na rin nitong sabi. Napabuntong hininga siya, “Nasaan ka na, pupunta ako d’yan hintayin mo ako.” Gusto niyang makita kung sino man ang mga taong humahabol dito. “Paalis na ako, umalis na rin kasi yung mga tukmol na iyon. Hindi sila umubra sa galing ko,” pagmamayabang pa nito. Napapangiti naman siya sa kakulitan nito, ibang-iba na ito sa unang beses niya itong nakasama. Ang parang walang buhay noon, ngayon mas masigla pa sa kalabaw. “Sige, balitaan mo ako agad kung anong nangyayari d’yan. Gusto ko din na pasundan mo ang mga iyon at alamin ang mga baho nila, igaganti nati si Yang-yang.” Utos niya dito. Hindi niya hahayan na ang mga katulad ng mga ito na magkalat sa lipunan, para saan pa ang grupo nila kung babaliwalain niya ang mga ganoong klaseng tao. “Yes! ‘yan ang gusto ko sa ‘yo kuya Efrim e. Maaasahan mo ako d’yan, boss.” Masiglang pagsang-ayon nito sa sinabi niya. Pinutol na niya ang kanilang pag-uusap saka siya bumalik sa kanyang silid. Pagkatapos maligo ay lumabas siya sa garden ng mga Dixon dahil hindi siya makatulog nang mapansin niya ang isang anino na tumakbo sa likod ng mansyon. Inalerto niya si Sgt. Santos at ang mga kasamahan nito bago niya ito sundan. nakita niya ang isang tao na naka-hood na dahan-dahang naglalakad palabas, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad niya itong sinunggaban. Pagtanggal niya ng hood nito ay nagulat siya, si Nami ang tumatakas. May dala itong bag at galit na galit ito na pinagsusuntok siya. ...Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay gamit ang isa niyang kamay, at ang isa naman ang pinag-bukas niya sa bag na dala nito. “Hey! Stupid, let go of me!” nagsisigaw nitong sabi sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin at nilabas sa lahat ang laman ng dala nitong bag. Puro damit nito ang laman noon, make-up at pabango. Napalingon siya dito, saan kaya balak magpunta ng isang ‘to. Kunot ang noo na nakatitig siya dito. “What?!” pasigaw nito. Saka naman dumating ang mga tauhan ni Sgt. Santos bitbit ang isang lalaki. At ito ang kasama nito kanina sa mall, ano ang ginagawa nito dito? Humahangos naman na lumapit si Mr. Dixon at nakasunod ang ilang bodyguard dito. “Ano’ng nangayayari dito?” saka matalim itong tumingin sa dalaga. “At sino naman itong lalaking ito?” marahas nitong tinuro ang lalaki hawak ng kasamahan niya. “Nahuli po naman na liligid-ligid sa mansyon, Sir!” sagot ng isang nakahawak sa lalaki. Galit namang binalingan nito si Nami, “You— ilang beses na kitang pinagsabihan hindi ka pa rin nagtatanda, Efrim ipasok ‘yan sa loob!” Inutusan naman niya ang babeng bantay na ipasok ang dalaga bago niya kausapin ang ibang kasamahan. “Kayo na ang bahala d’yan sa isang ‘yan,” baling niya kay Sgt. Santos. “Makaka-asa ka. Men, dalin n’yo ang isang ‘yan.” utos nito sa tauhan, pilit naman kumakawala ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya. Pagpasok niya, isang malakas na sampal ang naabutan niyang dumapo sa mukha ng dalaga mula kay Mr. Dixon. “Kahit kailan sakit ka ng ulo, ilang beses na kitang pinagsabihan, wala ka talagang kadala-dala. Gusto mo na ba talagang mamatay?!” galit na sigaw ng matanda. Agad naman siyang lumapit dito at inawat ito, pagtingin niya sa dalaga ay nagulat siya, wala man lang itong reaksyon at hindi nito ininda ang nakuhang sampal mula sa matanda. “Oo, gusto ko nang mamatay! Patayin n’yo na lang ako!” ganting sigaw din naman ng dalaga. Sasampalin sana itong muli ng matanda pero agad niyang napigilan, “Ipasok n’yo na si Ms. Naiomi sa k’warto n’ya!” utos niya sa babaeng bantay, na agad namang tumalima. Kinalas naman ni Mr. Dixon ang kamay niyang nakahawak dito at marahas na naupo salo ang kanyang mukha. “Pagpasensyahan mo na ako hijo, nadala lang ako ng galit ko. Pagpasensyahan mo na din ang pamangkin ko, siguro ay hindi siya sanay sa ganitong pagbabago sa kanyang buhay na limitado ang kilos, ibang-iba sa nakasanayan n’ya. . “Pero hindi ko naman kasi s’ya p’wede hayaan na lang gawin ang gusto n’ya lalo na ngayon na may banta sa kan’ya at iyon ang hindi niya maintindihan.” Naiiling na paliwanag nito sa kan’ya. “Hindi n’yo po kailangang humingi ng pasensya sa akin dahil trabaho ko po ito, saka naiintindihan ko po kayo.” ... “Salamat sa pang-unawa mo, ikaw na ang bahala sa pamangkin ko lalo na’t madalas na wala ako dito sa bahay.” Saka ito tumayo sa hinawakan siya sa balikat bago bumalik sa silid nito. Siya naman ay bumalik na din sa kan’yang silid. Kailangan niya ipahinga ang katawan niya para bukas ay may lakas siya. “Ma, saan ka po pupunta?” tanong ni Efrim sa babae naglalakad palayo sa kan’ya. “Mama… hintayin mo po ako huwag n’yo po akong iwan!” sigaw niya habang umiiyak. Huminto naman ang babae at tumingin sa kan’ya, pilit niyang inaaninag ang mukha nito pero hindi niya makita, ngunit nakita niya itong ngumiti sa kanya. At muling lumakad palayo sa kan’ya. Pabilis ito ng balis at kahit anong habol niya ay hindi niya ito maabutan. .. . Nang marinig niya ang isang malakas ng putok, humarap ang babae sa kanya na puro dugo ang dibdib nito. “Mamaaaaaa!” sigaw niya habang umiiyak ng lalapitan ay biglang may kamay na humila sa kanya at nilayo sa kan’yang ina. Biglang nagising si Efrim dahil sa kanyang panaginip, napahawak siya sa kanyang noo. Habol ang hininga na naupo sa gilid ng kanyang kama. Napatingin siya sa orasan. Alas-dos pa lang ng madaling araw, pero gising na gising na ang diwa niya dahil sa panaginip na iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanyang ina, pero ang itsura nito ay unti-unti na niyang nakakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD