Chapter 7

1361 Words
Nagising si Efrim dahil sa katok, pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang lalaki na naka uniporme ng itim. Bakit ba puro naka itim ang mga tao dito?  “Sir, gusto daw po kayong makausap si Mr. Dixon!” sabi nito na seryoso ang mukha. “Sige, susunod na ako.” ‘yun lang at umalis na rin ito. Hindi niya maintindihan, kailangan pa ba na nandtio s’ya kasi kung titingnan niya ang paligid na puro lalaking naka itim na nagkalat sa buong bahay ang makikita. Naiiling na muling pumasok sa silid upang mag-ayos at bumaba para sa mag-agahan. Pagkababa niya ay nandoon na ang dalaga at si Mr. Dixon. “Hijo, Paupo ka Kamusta ang tulog mo?” nakangiting baling nito sa kanya. “Maayos naman po, salamat!” Saka ngumiti sa matanda. Tahimik lang naman ang dalaga habang kumakain. Kung titingnan mo ito ay hindi mo mababakas sa mukha nito ang batang nakilala niya. Mahinhin ito kung kumilos, maging sa pagkain nito ay pino ang pagkilos. Napangiti naman siyang pinag-masdan ito. “S’ya nga pala, hija. Siya si Efrim ang magiging personal bodyguard mo.” Pagpapakilala nito sa kan’ya, wala naman naging reaksyon ang dalaga at patuloy lang ito sa ginagawang pagkain. “S’ya ang makakasama mo kahit sa saan ka magpunta, at ire-report sa ‘kin iyon ni Efrim. Kaya ‘wag na ‘wag kang gagawa ng kalokohan. Dahil malalaman ko din ‘yan.” seryosong sabi ni Mr. Dixon. Nagtaka naman siya sa paraan ng pakikipag-usap nito sa dalaga, at saka niya ito sinulyapan na nakatingin din sa kanya. “May tanong ka ba?” tanong niya dito. “Wala naman po,” mahinhin nitong sagot na nakapagpakunot ng noo ni Mr. Dixon. Naguluhan naman siya sa kinilos nito, bakit ganito na lang kausapin ng matanda ang pamangkin nito, para walang halong pag-aalala. “I-rereport ko na ba ito? ‘di muna, kailangan ko muna ng malalim na ebidensya.” Aniya at inalerto ang sarili. “Efrim hijo, ang tutukan mo lang ay ang pamangkin ko, wala kang ibang gagawin kundi ang bantayan s’ya sa lahat ng oras, pero pagdating dito sa bahay maaari ka magrelax dahil marami naman tayong bantay.” Saka tinuro ang mga nakaitim na lalaking nagkalat. “Maliwanag po, Mr. Dixon.” Pagsang-ayon niya dito. Wala pa ring imik ang dalaga at patuloy lang ito sa pagkain. Maya-maya ay isa sa lalaking naka-itim at lumapit sa matanda, saka ito binulungan. “Okay, get ready!” utos nito sa lalaking lumapit dito. “Hijo, may kailangan akong puntahan ikaw na ang bahala sa pamangkin ko,” saka ito bumaling sa dalaga. “and you young lady, behave yourself ‘wag mong bigyan ng sakit sa ulo itong si Efrim.” Sabay turo sa kanya. Matapos magbilin ay umalis na din ito agad. Nang biglang binagsak ni Naiomi ang hawak nitong kutsara’t tinidor. “Aghh! That’s crazy old man is so nagging,” saka nito hinilot ang sintido nito. “I don’t want this foods, change it!” pasigaw nitong utos sa nga kasambahay nito. Nagmamadali naman nagsikilos ang mga ito na tila ba takot na takot sa dalaga. Sobrang nagulat naman siya sa kinilos nito, sobrang ibang-iba na talaga ito. Natigil lang ang pagmumuni-muni niya ng tumunog ang cellphone nito. Tumingin muna ito sa kanya, bago nito sinagot. “Hey! Dwey, what’s up? I don’t know, he even gave me an additional bodyguard.” Anito sa ka tumingi sa kanya. “Hey, what’s your name again?” tanong nito, sinagot naman niya ang tanong nito. “Efrim.” Tipid niyang sagot. “Not so... he looks so stupid to me,” saka ito tumawa habang kausap ang nasa kabilang linya, “Okay, I’m going, bye!” Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ito kausapin ni Mr. Dixon dahil sa pagiging spoiled brat nito. “You— I’m going out later with my friends. Bahala ka kung makakasunod ka.” Saka ito tumayo, sakto naman dating ng inutusan nito kanina na palitan ang pagkain nito. “Ma’am ito na po ‘yung pagkain n’yo.” Halatang kinakabahan ito. “You really so stupid, and slow, itapon mo na ‘yan.” sabay tabig sa dala nitong pagkain. Halos mapasigaw naman ito ng tumapon dito ang dalang pagkain. “Ang init... ang init!” at patuloy nitong pinapagpag ang tumapong pagkain sa damit, tumayo naman siya at tinulungan ito, saka tumingin sa papalayong dalaga. “Napaka sama talaga ng ugali ng babaeng iyan.” Halata mo ang galit nito na tumingin sa dalaga. “Ibang-iba na s’ya sa nakilala ko! Napakabait n’ya nuong bata pa s’ya” aniya na napatingin sa kanya ang kaharap. “Sigurado ka? Iyang witch na ‘yan mabait para sa’yo, bata pa lang ‘yan ganyan na ‘yan.” Naiiling itong tumingin sa kanya na patuloy na pinupunsan ang suot. “Ano’ng ibig mong sabihing simula pa bata?” “Matagal na akong nagtatrabaho dito, labing-anim na taong gulang pa lang ako ay nandito na ako, simula nang dumating ‘yan, ganyan na ‘yan mas lulamala na nga ngayon e.” napapabuntong hininga na lang ito sa sariling kwento. Saka bumalik sa trabaho nito. Anong nangyari dito at bakit nagkaganito ito? Mabait kapag may bagong dating tao na makikita, pero kapag nalaman na nito ang status nito, bigla-bigla itong magbabago. Parang lahat ng mababa sa kanya ay trinatrato nitong basura. Hindi pa man siya tapos sa pagkain ay bumaba na itong nakabihis na, hindi man lang siya tinapunan ng tingin at basta nalang lumabas ng mansyon. S’ya naman ay humabol dito, buti na lang dala niya ang kanyang cellphone. Palihim niyang tinext si Sgt. Santos, hindi kasi p’wedeng malaman na may iba pa siyang kasama na nagbabantay sa kanila maging ang dalaga ay hindi nito p’wedeng malaman, at masira ang kanilang plano. Tanging sa malayo lang magbabantay si Sgt. Santos, paglabas nakita niyang nakakubli ito sa ‘di kalayuan. Sinuot niya ang kanyang wireless earphone saka kinunek dito, in-on din niya ang locator na nasa relo niya, para madali silang matunton, kung sakaling may maganap na emegency. Pinagbuksan niya ito ng pinto, saka siya lumigid at umupo sa tabi ng driver. Palihim niyang sinisilip ang dalaga mula sa salamin. Nagulat naman siya nang bigla itong magsalita, “What are you looking at? Is this your first time seeing such a beautiful woman like me?” saka ito ngumisi. Naiiling na nagiwas siya dito ng tingin, pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama niya, pakiramdam niya ay hindi pa niya ito kilala. Hindi naman niya ito masisi dahil baka na trauma ito sa nangyayari ngayon sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya, dalawang taon lang naman niya ito nakasama kung ikukumpara nga ‘yon na iba na din ang buhay na ginagalawan nito. Pagdating sa mall ay inalerto niya ang mga kasamahan. Sunod lang siya ng sunod dito at sa mga kaibigan nito. “Is he your new toy? He’s so f*cking hot.” Narinig pa niyang sabi ng mga spoiled brat din nitong kaibigan. Ngayon hindi na siya nagtaka kung bakit nagbago ang ugali nito, dahil maling tao ang mga nakakasalamuha nito. “Hey! Ladies,” biglang sulpot ng isang lalaki at pumulupot ang kamay nito sa beywang ng dalaga. Kaya agad naman niyang pinilipit ang kamay nito at nilagay sa likod nito. “Sino ka?” tanong niya dito. “D*mn it, who are you?!” galit na sigaw ng lalaki. Bigla naman siyang sinigawan ni Nami, “Are you f*cking crazy? What the hell are you doing?!” saka nito hiniklat ang kamay niya na nakahawak pa rin sa kamay ng lalaki. “Tingnan mo ang ginawa mo? Pinagtitinginan na tayo ng dahil sa ginawa mo!” Galit nitong sigaw. “Are you alright?” tanong nito sa lalaki, “Let’s go girl,” saka ito bumaling sa kanya, “Don’t go near me, you stupid bodyguard of mine!” Sinundan lang niya ng sinundan ang dalaga, kahit anong taboy nito sa kanya. Kahit inis na inis na ito ay hindi pa rin niya tinantanan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD