bc

The Billionaire's Heir (Filipino)

book_age16+
17.9K
FOLLOW
82.7K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
manipulative
submissive
CEO
drama
city
small town
like
intro-logo
Blurb

Simpleng namumuhay si Farabelle Agunsanto sa isang bukid sa Cebu hanggang sa dumating sa kanilang bayan si Landy Gracia, ang lalaking hindi niya akalaing babago sa kanyang pananaw at sa kanyang buong buhay.

***

Para kay Farabelle, wala ng mas importante pa sa pamilya kaya lahat ay gagawin niya maiahon lang sila sa hirap. Hindi na baleng wala na siya, basta ang pamilya niya ang meron. Wala na siyang ibang hangad kundi ang mapabuti ang kanyang pamilya. Her family keeps her focused and determined, but it all faded when Landy Gracia came into the picture. Ginulo ng lalaki ang mundo niya, sobrang gulo na hindi na niya alam ang gagawin.

chap-preview
Free preview
Prologue
*** Tanaw na tanaw ni Fara ang kabuuhan ng farm ng mga Legaspi mula sa kubong kanyang kinauupuan. Nasa sentro iyon ng farm kaya kitang kita niya ang buong lugar. Napangiti siya habang nakatingin sa mga taong nagbubungkal ng lupa. Iyong iba ay nag-aararo at nakasunod sa mga kalabaw. Ang mga kababaihan naman ay nagbibilad ng mga mais na inani nila. Sa malayong dako ay may nagtatanim ng mga kamote. Sobrang laki ng farm ng mga Legaspi na halos lahat ng mga pagkain ay nandito. May palayan, may isang bahagi na para sa mga kamote, kamoteng kahoy at iba pang mga pagkain. Sa malayong bahagi naman ay may manggahan. May babuyan din ito at manukan sa may kabilang bahagi ng bukid. Ang sarap nga namang manirahan sa bukid. Bukod sa presko ang mga hangin at malayo sa maiingay na sasakyan sa syudad ay sagana pa sa mga pagkain. Masustansya pa ang mga kinakain nila dahil lahat iyon ay presko. Walang preservatives, puro at natural lang. Sobrang simple lang din ng pamumuhay, hindi katulad sa syudad na napaka-komplikado. Dito, masaya at nagtutulungan din ang lahat. Walang iwanan. Kung anong meron ang isa, ibinabahagi ito sa lahat. Kahit na hindi sila sagana sa mga materyal na bagay at pera, masaya sila. Masaya sila dahil nakakakain naman sila sa araw araw at hindi rin naman sila pinababayaan ng kanilang mga amo. Napangiti si Fara nang makita ang mga magulang at kasamahan nilang papunta sa kamalig. Kumaway siya sa mga ito. "Ready na po ang tanghalian!" sigaw niya pa. Bumaba siya sa inuupuang papag at pinagpagan ang mga iyon. Naglatag na siya ng dalawang malalaking dahon ng saging doon saka kinuha ang mga tupperware ng ulam sa malaking eco bag sa may upuang kahoy. Inilatag niya na ang mga tupperware na dala. Siya mismo ang nagluto ng mga iyon noong tinulungan niya ang nanay niya kaninang umaga. "Grabe, busog na busog talaga kami kapag ikaw ang nagluluto, Fara!" Dinig niyang sabi ng isang kasamahang ka-edad lang din niya. Natawa na lang siya at binuksan isa isa ang mga tupperware. Agad na sumingaw ang masarap na amoy ng mga iyon. "Nako, kahit naman hindi kayo mambola, hahatiran ko pa rin kayo, no!" sabi niya pa at nilingon ang mga ito. Nagtawanan ang mga lalaki. Maya maya pa ay nandoon na rin lahat ng mga kasamahan nila sa bukid. "Sige na kain na!" aniya pa at bahagyang tumabi. Agad namang sumugod iyong mga kalalakihan sa papag. "Hoy! Sina tatay muna at iyong ibang mga matatanda!" Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga ito. Napakamot naman ng ulo ang mga lalaki. Napairap siya at napailing. Naging kagawian na nila sa bukid na sabay sabay kumain tuwing tanghalian at agahan. Maaaga kasi silang pumupunta sa bukid para kumayod kaya minsan ay dito na rin sila kumakain at nagbabaon na lang. Sa kaso naman niya ay may karinderya sa bayan ang kanyang nanay kaya tumutulong siya rito kapag nagluluto. Iyong mga pa sobra nila sa paninda ang dinadala niya rito para pagsaluhan nila. All for one, one for all ang motto nila rito kaya, salo salo silang lahat. Walang nagdadamot. Lima silang magkakapatid. Ang tatay niya ay matagal ng magsasaka sa farm ng mga Legaspi. Ang nanay niya ay may karinderya sa bayan. Nag-aaral silang magkakapatid sa public school sa bayan. Third year college na siya sa isang State University sa bayan kaya wala silang babayarang tuition. Kapag walang klase tulad ngayon na pa-bakasyon na rin ay tumutulong sila rito sa farm. Iyong tatlong lalaki niyang kapatid ang mga sumasama sa tatay niya rito sa pagsasaka. Iyong sumunod sa kanya na babae ay ang tumutulong sa nanay niya sa bayan. Siya naman ay kung minsan tumutulong sa bayan per madalas siya rito sa farm para maghatid ng mga pagkain. Mas gusto niya rin naman dito dahil tahimik. Hindi talaga siya fan ng syudad. "Sige na kain lang po kayo nang kain," nakangiting sabi niya sa mga ito. Nag-thumbs up pa sa kanyang ang mga ka-edad niyang mga lalaki. Umirap siya. Mga kaibigan at kababata niya rin naman ang mga iyon. Kagaya niya ay nag-aaral din sa State U ang mga iyon at dahail bakasyon ay rumaraket dito sa farm. "Nako, Mang Kael, malapit na palang magtapos itong si Farabelle ano? Nako! May graduate ka na ring anak!" Dinig niyang sabi ng isa nilang kasama. Ngumiti siya. Bahagya ring ngumiti ang kanyang ama. "Ay oo nga, Karding. Nako, proud na proud nga ako diyan. Hindi man kami nakapagtapos ng nanay niya, tinupad niya naman ang mga pangarap naming makapagtapos." Sabay sabay na naghiyawan ang mga kaibigan niya. Umirap siya at isa isang hinampas ang mga iyon. 'Kahit kailan napakamapang-asar talaga!' "E, Fara, ano namang plano mo pagkatapos mong mag-graduate?" baling ni Mang Karding sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Plano ko pong mag-apply ng trabaho sa Food and Agriculture company ng mga Legaspi sa syudad." Ngumiti siya. Pumalakpak ang isang babaeng nasa early fifties. "Nako, paniguradong matatanggap ka no!" Bahagya siyang natawa. "Sana nga po, Ate Ethel." "Ay nako walang duda!" Napailing at napangiti na lang siya sa sinabi ni Ethel. "E, wala ka bang planong mag-Maynila, Fara? Ang sabi e,tumatanggap daw ang mga Legaspi ng mga trabahante roon. E nandoon ang pinaka-main na opisina nila di ba?" segundang tanong ng babaeng payat na katabi ni Ethel, si Maria. Nagkibit-balikat lang siya. "Hmm. Magulo po sa Maynila. Tsaka ayoko pong malayo sa pamilya ko." Ginulo niya ang buhok ng bunso nilang kapatid na nasa tabi niya. Naghiyawan na naman ang mga kaibigan niya. "Yan ang bespren namin! Hindi kami iiwan! Di ba mga tol?!" hiyaw pa ni Carlo at nakipag-apiran sa mga kaibigan. Natawa at napailing si Fara. "Ay sus, Carlo, ang sabihin mo, ayaw mo lang talagang umalis si Fara kasi pag ito umalis, marami siyang makikita sa Maynila. Mawawalan ka na talaga ng pag-asa!" sabat ni Maria. Nagtawanan silang lahat. Si Carlo naman ay nagkamot ng ulo. "Si Ate Maria naman o! Basag trip!" Mas lalo silang nagtawanan. Napailing na lang si Fara. Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan pa sila. Nagkakatuwaan ang mga matatanda na sinasakyan naman ng mga kababata niya. Sapo niya ang tiyan dahil sumasakit na iyon sa katatawa. Isa pa ito sa mga kinatutuwa niya riot sa farm. Hindi nila ramdam ang bigat ng mga trabaho dahil sa tuwing nagtitipon tipon sila iba't ibang kalokohan ang nagagawa nila. 'Hay nako. Tong mga to talaga! Pumapatol pa kina Mang Karding.' Napailign ulit siya nang nag-aasaran ang mga kaibigan niya at ang mga matatandang lalaki. Tawang tawa lang siya sa mga ito. Nasa kalagitnaan sila ng katuwaan nang matanaw niya ang amo nilang paparating. "Uy, si Señorito Drago!" sabi niya sa mga ito na agad namang umayos. "Ay magandang tanghali po, sir!" halos sabay sabay nilang bati nang makalapit ang amo nilang lalaki. Kung tutuusin ay bata pa ang amo nila. Ilang taon lang yata ang tanda nito sa kanya. Pero sa kabila ng edad nito ay maayos ang pagpapatakbo nito sa farm at sa kanila. Swerte nga sila na ang mga Legaspi ang naging amo nila. "Magandang tanghali rin po," anito at tuluyang pumasok sa kamalig. Isa pa sa ikinamamangha niya ay ang pagiging malapit nito sa kanila. Parang walang gap. Hindi nito ipinaparamdam na mas mataas ito sa kanila. "Ang gwapo talaga ni sir." Napairap na lang siya sa hagikhikan ng mga kasamahan niyang babae. Napailing siya. Tama naman ang mga ito. Gwapo naman talaga ang amo nila. Kahit nga sa simpleng suot nitong shorts at t-shirt ay litaw na litaw ang kakisigan nito. Huminga siya nang malalim. "Sir, kain po!" yaya niya. Nginitian lang siya nito. "Sige, okay lang." Tumango tango siya. "Naparito po pala kayo?" tanong ni Mang Karding. Ito ang tumatayong lider nila rito sa farm. Ito rin ang dumidiretso sa mga Legaspi tungkol sa mga nangyayari sa farm. Tumikhim ang señorito nila kaya napatingin silang lahat dito. "Yeah, tungkol diyan. May ipapakilala ako sa inyo. Gusto niya sanang magtrabaho dito sa farm. Mang Kael, gusto ko sanang kayo na ang bahala sa kanya rito. Baguhan pa lang siya rito. Ulila na. Hindi ba't may nagpapaupa naman ng bahay rito? Kung pwede ay doon sana muna siya." Kumunot ang noo ni Fara nang mapansin ang lalaking kasunod ng kanyang amo. "Ay walang problema po, Sir Drago! Nako kami pong bahala," ani ng kanyang ama. Tumango si Drago at tinawag ang lalaki. Doon niya naaninag nang maayos ang kasama nito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Fara. Kasing tindig lang kasi nito ang amo niya. Siguro mas mataas lang nang kaunti ang batang Legaspi. Pero ang tindig at mukha nito ay halos kapareha ng amo niya. May hitsura rin kasi ito. Matatangos ang ilong, well defined jaw at mukhang alaga ng gym ang katawan. Mukha itong mayaman sa unang tingin pero imposible naman. "Siya si Landy. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya sana alalayan niyo. Kaibigan ko siya," maikling sambit ng amo nila. "Wala pong problema, sir!" halos sabay sabay nilang sabi. Naghagikhikan na naman ang mga babae sa may bandang likuran niya. Mas lalong kumunot ang kanyang noo at nilingon ang mga ito. Napailing ito at muling ibinalik ang tingin sa kaharap na amo at ang Landy na iyon. Laking gulat niya pa nang magkasalubong ang mga tingin nila. Nakagat niya ang labi. Ang intense ng mga titig nito. Hindi niya alam pero bigla siyang may kakaibang naramdaman. Napalunok siya at agad na nag-iwas ng tingin. 'Weird naman.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Broken Angel

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook