Aries POV Nagising ako sa marahang tapik ni Zevian. "Gising na, baby. Kain na tayo," sabi niya, malambing ang boses. "What time is it, baby?" tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko. "It’s almost 2:00 PM, baby. Baka bukas na lang tayo bumiyahe papunta kina Grandpa at Grandma," sagot niya, sabay haplos sa buhok ko. Masakit ang aking kasu-kasuan, at may kaunting hapdi rin sa pagitan ng aking mga hita. Tinulungan akong bumangon ni Zevian, at sinabi kong maliligo muna ako para gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos maligo, bumaba na ako. Naabutan ko si Zevian sa ibaba, may kausap sa phone. Pero nang makita niya ako, agad niyang pinatay ang tawag. Gusto ko sana siyang tanungin kung sino ang kausap niya — pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magmukhang selosa o maging red flag na gir

