Aries POV Kinaumagahan, nagising kami ni Zevian. Nauna nang bumangon ang grandparents ko. Pagkababa namin sa mansion, sinalubong kami ng mga staff nila, lahat nakangiti at maagang nag-aasikaso. “Miss Aries, the breakfast is ready,” sabi ng isa sa staff habang magalang na yumuko nang bahagya. “Thank you,” sagot ko. Pagpasok namin sa dining room, agad kaming sinalubong ng amoy ng mainit at bagong lutong breakfast. Kumalat sa hangin ang bango ng butter, tinapay, at kape. Nasa gitna ng mesa ang paborito kong croissant, crisp sa labas at soft sa loob, pati ang ilang hiwa ng French baguette. At siyempre, naroon din ang homemade grape jam ni Grandma, kulay ube ang kintab at alam ko pa lang sa itsura na matamis at sakto ang asim. Napangiti ako nang makita iyon, kasi bata pa lang ako, iyon na

