Chapter-22

1348 Words

Aries POV Nang dumating ang araw ng Fashion Week, sobrang naging busy ako — sunod-sunod ang fittings, rehearsals, at events. Pati si Zevian, abala rin sa trabaho. Simula nang lumipat ako sa hotel, hindi na kami nagkikita. Pero ang alam ko, sa bawat catwalk ko, andoon siya. Lagi siyang nagpapadala ng bulaklak sa dressing room ko. Ramdam ko ang suporta niya, kahit hindi kami nagkikita. Miss na miss ko na siya. Wala kasi akong oras para tumingin sa phone, lalo na pagkatapos ng event — pagod na pagod na ako at gusto ko na lang magpahinga. Minsan, kinaumagahan ko na lang nalalaman na tumawag siya, dahil sinasabi iyon sa akin ni Rousse. Ngayon ay ikaapat na araw na ng Fashion Week. Bigla akong nakaramdam ng guilt — baka nagtampo na si Zevian. Kaya naisip kong tawagan siya kahit sandali lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD