Aries POV Laking pasasalamat ko sa boyfriend ko dahil naging hands-on siya sa paghatid at pagsundo sa akin. Noong isang araw, pumirma ako ng kontrata bilang exclusive endorser ng kanyang jewelry brand. Magsisimula ang campaign pagkatapos ng Fashion Week. May mga bago rin akong endorsement, lalo na ng mga produkto dito sa France at iba pang luxury brands sa Europe, kabilang na ang UK. Kaya pansamantala muna akong mananatili dito sa Europe. Tuwang-tuwa rin si Rousse dahil dito rin nakatira ang kanyang boyfriend. Sa dami ng ganap nitong nakaraang dalawang linggo, naging sobrang busy ako — pero nakakahanap pa rin kami ng oras ng boyfriend ko para mag-date. At gaya ng dati, active pa rin kami sa s*x life namin. Sa totoo lang, doon lang ako nakakabawi sa kanya, lalo na’t minsan halos wala

