Aries POV Pagkagising ko kinabukasan, ang sakit ng katawan ko. Grabe ang stamina ni Zevian. Nagising pa ako kaninang madaling araw—ramdam ko na naman ang pagbayo sa’kin ni Zevian. Gusto ko sanang magreklamo kanina, pero natupok ako sa bawat hagod ni Zevian sa katawan ko. Pagkagising ko, tahimik akong bumangon habang mahimbing na natutulog si Cassian. Dumiretso ako sa banyo at nagbuhos ng maligamgam na tubig—baka sakaling maibsan ang sakit ng katawan ko. Lumabas ako ng banyo at nagbihis. Pupunta sana ako sa kusina para magluto ng almusal namin ni Zevian. Kahit lumaki akong marangya ang pamumuhay, tinuruan ko ang sarili kong magluto. Kapag wala akong ginagawa, ito ang kinahihiligan ko. Kaya nga meron akong sariling restaurant sa New York. Hindi man alam ng mga magulang ko, pero si Gemini

