Aries POV Alam ni Zevian na may commercial shoot ako ngayon dahil yun ang sabi ko sa kanya para hindi siya manghinala na andito na ako sa Paris. Dahil doon, nakatulog ako nang mahaba—dahil sa jet lag. Alas singko na ng hapon nang magdesisyon akong puntahan siya sa mansion niya. Pero bago ang lahat, tatawagan ko muna siya para tanungin kung nasa bahay na siya. Ang sabi niya pauwi na umano siya sa kanyang mansion kaya nag madali na akung kumilos. Matagal na niyang ibinigay sa akin ang address ng mansion niya bago pa siya bumalik sa France. Sabi niya noon, kung sakaling magkaroon ako ng schedule sa Paris, gusto niyang doon na ako tumuloy. Hindi na ako nagdalawang-isip. Bumangon ako, naligo, at nagbihis. Pagkatapos, tinawagan ko si Rousse para sabihing pupunta ako sa bahay ni Zevian. Kilal

