CHAPTER 11 (SARAH IS BACK)
Drake's Point of View:
Tulala ang aking mata ngayon habang nakatingin sa labas.
Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa mansion na ito, lalo pa't napakaraming guards na nakapalibot sa aming mansion. Tila dumoble pa ang bilang nila, at ang masaklap, ako mismo ang binabantayan nila para hindi makatakas.
Ito ang naging kapalit ng aking pagtulong kay Lena upang makalaya mula sa kamay ng aking ina.
Halos dalawang araw na akong nakakulong dito, ni hindi man lang makatapak sa labas.
Mula kasi nang tulungan ko ang dalaga, lalong naging istrikta si mama — na tila ginawa niya akong preso.
Kinuha niya lahat ng aking credit cards at maging ang kotse na binigay niya sa akin ay binawi niya rin.
Hindi ko na tuloy alam kung paano ko susunduin si Sarah sa airport — gayong ano mang oras ay uuwi na ito.
Sa pag-isip ko kay Sarah, sakto namang
tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng babaeng mahal ko na siyang tumatawag.
Agad ko itong sinagot, at tila ba naglaho ang lahat ng lungkot sa aking mukha.
"Honey, andito na ako sa airport. Nasa'n ka na ba?" tanong niya sa kabilang linya.
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Anytime, she'll comeback. At eto na mismo ang araw na iyon. Nakauwi na pala siya ng Pilipinas.
"I'm sorry, honey... Kakagising ko lang eh. Hintayin mo na lang ako d'yan," malambing kong sabi bago ko binaba ang tawag. Ayon na lamang sinabi kong palusot para hindi ito magtampo.
Napahawak ako sa aking ulo, pilit na nag-iisip kung paano ako makakalusot sa mga bantay na ito. "f**k, gumana ka nga, utak," bulong ko sa aking sarili habang hinihilot ang aking noo.
Gusto kong sabihin kay Sarah ang nangyayari sa akin, pero ayokong mag-alala siya. Baka malaman pa niya ang tungkol kay Lena, at tiyak na magseselos ang dalaga.
Hindi pa kami magkasintahan, pero alam kong mahal niya ako. Siguro natatakot lang siyang umamin dahil nararamdaman niyang hindi siya gusto ng pamilya ko.
Kaya naman, ang singsing na binili ko ay para talaga sa kanya. Handa na akong tanungin kung maaari na bang maging opisyal ang aming relasyon.
Kaya't ang tanging problema ko ngayon ay kung paano kami magkikita.
Makalipas ang ilang minuto, may naisip din akong paraan. Agad akong tumungo sa guest room kung saan nakalagay ang mga damit pambabae. Mabuti na lang at walang bantay doon, kaya hindi nila ako napansin. Napangiti ako nang makita ko ang mga wigs at makeup.
"Bahala na. Basta para kay Sarah, gagawin ko ang lahat," kausap ko ang sarili ko habang inumpisahan ang aking plano. Nagsuot ako ng fitted na pantalon at jacket na pambabae.
Naglagay na rin ako ng wig at lipstick, kasabay ng paglalagay ng makeup. Hindi ko alam, pero natawa ako sa naging itsura ko. Ako si Drake. Pero sa araw na ito, ako muna si Andrea.
Lumabas ako ng guest room na may ngiti sa labi. Akala ko makakalusot na ako, ngunit biglang may isang guard na sumita sa akin. "Sandali lang, Miss. Mukhang hindi kita kilala," sabi niya.
Hindi ako nagpatinag. Bagkus, ngumiti ako nang mapang-akit. "Syempre hindi mo ako kilala dahil hindi tayo close. But anyway, friend ako ni Bea. Ako yung kasama niya kagabi. My Gosh! Ang ulyanin mo naman!" pabebeng sabi ko, sinusubukan kong magboses babae para hindi ako mahalata.
"Sorry, Miss. Ang ganda mo kasi masyado," ngiting paumanhin ng guard.
"I know, right? Alagang Myra 'to. Kaya matagal na akong maganda. Pakisabi na lang kay Bea na umalis na ako ha? — Goodbye pogi," tugon ko, at bago ako lumabas, kinindatan ko pa ang guard.
Halos mandiri ako sa sarili ko sa mga ginagawa ko.
Nang makalayo na ako sa mansion, agad akong sumakay ng jeep. Pinagtitinginan ako ng mga tao, marahil dahil sa aking postura.
"f**k! Nahulog 'yung wig ko. s**t," bulong ko sa sarili ko, namumula sa hiya.
Agad kong pinulot ang wig na nahulog sa tabi ko at isinuot ulit ito. Nakakahiya talaga ang nangyayari sa akin!
Habang umaandar ang jeep, naisipan kong i-text si Sarah baka kasi naiinip na siya sa paghihintay. "Babe, on the way na ako. Konting hintay na lang ha?" pagtetext ko sabay send ng message sa kanya.
Nagulat na lang ako nang huminto ang jeep dahil may sasakay. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na tingnan kung sino ito dahil sa sobrang nahihiya ako sa sarili ko.
"Potah! Hindi ako kasya," rinig kong sambit ng babae. Medyo kinabahan ako dahil ang boses na iyon ay tila pamilyar sa akin.
"Ahm, Miss, excuse me, pwede ka bang umurong? Hindi na kasi ako kasya sa kabila," wika nito sa akin. Napatingin ako sa babae para kumpirmahin kung sino nga ito. At s**t! Si Lena! Si Lena nga ang nasa harapan ko, nakasuot ng kanyang uniporme. Hindi ako makapagsalita at napausog na lang para makaupo siya.
"Thank you, Miss beautiful. Ang ganda mo naman, ate. How to be you po?" saad nito sa akin habang nakangiti. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, pero aminado akong namiss ko ang boses niya.
Na-miss ko si Lena.
"Alam mo, ate, parang may kamukha ka," muling sabi ng dalaga, dahilan para lumingon ako agad sa kanya. Damn it. Namukhaan niya ba ako?
"S-sino, Miss?" kinakabahang tanong ko.
"Hmmm, medyo pamilyar sa akin eh. Yung ilong, 'yung mata, saka 'yung labi mo, parang kamukha mo si—"
"Hindi ako ang lalaking may maliit na itlog," biglang singit ko, dahilan para kumunot ang noo niya.
"Huh? Maliit ang itlog? Hahaha, don't tell me na may lawit ka, Miss?" natatawang sambit nito sa akin.
"Tsk. 'Wag ka ngang tumawa, hindi tayo close," inis kong sabi sa kanya at doon siya tumigil sa kanyang pagtawa.
"Sorry, Miss. Ikaw kasi, pinatawa mo ako sa sinabi mo... But seriously, may kamukha ka talaga. Kamukha mo 'yung magandang kapitbahay ko," wika nito sa akin habang nakangiti ng malawak.
Tiningnan ko nang maigi si Lena. Nakita kong medyo may eye bags na siya at masyado nang haggard ang kanyang mukha. Ang buhok niya, medyo magulo na rin, at ang labi niya, medyo maputla dahil wala siyang lipstick.
"Miss, alam kong pangit ako. Wala eh, walang boyfriend kaya hindi ako nag-aayos" pagsasaad nito.
Hindi ko alam, pero medyo nasiyahan ako sa narinig kong salita.
"Kuya, para! Eto na po bayad ko!" sigaw ni Lena habang nilalahad ang pera.
Ako na mismo ang kumuha ng bayad niya para ibigay ito sa driver.
Bumaba na nga ang dalaga, kaya abot tanaw ko na lamang ito.
Kalaunan, bumaba na rin ako dahil nasilayan ko na ang airport. Mabuti na lang at may ipit akong isang libo sa likod ng aking cellphone at ito ang nagamit ko pambayad sa pamasahe.
Tumungo na agad ako sa loob ng airport at agad na hinanap ang babaeng mahal ko.
Hindi naman ako gaanong nahirapan na hanapin si Sarah dahil kilala ko na siya kahit sa malayo.
"Honey, I'm sorry kung natagalan ako," agad na sambit ko rito.
"And who are you?" mataray na tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hehe, ako 'to, si Drake," namumulang sagot ko dahil sa hiya.
Hanggang ngayon, pambabae pa rin ang suot ko.
"Are you now a gay, Drake?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakataas ang kilay.
"No. Hindi ako bakla, Sarah. Ano kasi, mahabang kwento. Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo," wika ko rito habang kinakamot ang aking batok.
"Hays. Okay, fine. — Naguguluhan ako sa'yo, Drake. Pero 'di bale, medyo pagod ako so I need to rest na. Hatid mo na lang ako sa hotel," saad na lamang ng babae.
Nang makalabas kami, nilingon niya ang kanyang paligid na tila'y hinahanap nito ang sasakyan ko.
"Saan na 'yung kotse mo? Parang hindi ko yata makita," bigkas ni Sarah.
"Wala akong dalang kotse, honey.. Sasakay na lang tayo ng taxi," wika ko rito.
Medyo nagbago ang awra ng dalaga, pero wala siyang magawa kundi ang pumayag sapagkat wala naman siyang choice.