CHAPTER 10 (PAGBALIK SA BAHAY)

1152 Words
Chapter 10 (PAGBALIK SA BAHAY) LENA'S POV: Pagkauwi ko sa tunay kong bahay, wala akong gana na humiga sa maliit kong kama. Bakas sa mata ko ang lungkot at pagiging matamlay matapos kong lisanin ang mansion nila Drake. Hindi ko maikakaila na agad kong namiss ang malambot at malaking kama ng binata. Buong araw tuloy, si Drake ang laman ng isip ko. Hindi ako mapakali habang nakahiga. Puno nang katanungan ang utak ko. Kamusta na kaya siya? Sigurado akong nagkasagutan na naman sila ng nanay niya lalo pa't tinulungan ako ng binata na makatakas. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ng Ginang, na huwag ako aalis ng mansion dahil kailangan kong tapusin ang misyon ko na paibigin ang anak niya. Kaso etong si Drake, siya na ang nagdesisyon na palayain ako. Itinakas niya ako kaya hindi na ako nakatanggi pa. "Ano bang nangyayari sa'yo, Lena? Mag-focus ka nga," kausap ko sa sarili habang sinasampal-sampal ang magkabilang pisngi ko. Kasalukuyan ako ngayon na nasa kusina habang nagluluto. At dahil sa kalutangan ng isip ko, maging ang pagluluto ko ay naapektuhan nang husto. Paano ba naman, kahit itlog na nga lang itong prinito ko, natutong pa. "Hindi ka pwedeng ma-inlove kay Drake, Lena... Hindi na magtatagpo ang landas niyong dalawa kaya mag-move on ka na, pwede?" muli kong sambit. Pinipigilan ko ang aking puso na mahalin ang binata dahil alam ko naman na imposibleng mabaling sa akin ang pagmamahal niya. He's inlove with Sarah. At wala akong laban sa babaeng 'yon. Kahit tutong ang kinalabasan ng luto ko, kinain ko pa rin iyon. Wala eh, wala akong sapat na budget ngayon. Kaya tipid-tipid muna ako sapagkat petsa de peligro pa. Natigil naman ako sa aking pag-nguya nang marinig ko ang katok na nagmumula sa pinto ng bahay ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong baliw na nagdala sa magulong sitwasyon na 'yon. "Oh my gosh! Bumalik ka na nga!" "Waaah, I miss you, Lena!" "Sorry, Lena, hindi namin alam na mangyayari 'yon sa'yo... Pasensya na besttyy." Sabay-sabay nilang sabi sa akin habang mahigpit nila akong niyayakap. "Ano bang ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila nang walang ekspresyon ang aking mata. Hindi ako galit, nagtatampo lang naman ako sa kanila dahil wala silang ginawa nung akayin ako ni ate Bea, bagkus iniwan nila ako sa ere. At dahil na rin sa trip nilang dare, nakilala ko ang isang lalaki na mahilig mang-asar. Nakilala ko si Drake na ngayon ay hindi na maalis sa isip ko. "Lena naman... Huwag ka ngang ganyan. Hindi kami sanay na marunong kang magalit sa amin... Pinagsisihan na namin 'yung dare... Kung alam mo lang, halos hindi rin kami makatulog simula nang hindi ka na nagpapakita sa school," pahayag ni Hanna. "Oo nga Lena. Kaya nang marinig naming nandito ka na, agad kaming pumunta rito para kamustahin ka... Sorry na ha? — Alam naming kasalanan namin 'yon, pero hindi namin alam na magiging big deal 'yon sa taong prinank natin," tapat na sabi ni Gail sa akin na siyang nakaisip ng dare. "Ewan ko sa inyo," iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. "Lena, please, huwag ka nang magalit. Kung gusto mo, ililibre ka na lang namin. Kahit ano, basta mapatawad mo lang kami," sabat ni Shane at nag-isip pa talaga ito ng paraan para patawarin ko sila. Kita ko sa mga mukha nila ang pagsisisi. Kaya hindi na ako nag-atubiling mag-inarte pa. "Oo na. Papatawarin ko kayo. Pero ililibre niyo ako ng isang buwan sa school at sa gala... Ubos na kasi ang budget ko kaya kailangan ko rin naman ng tulong pinansyal niyo," ani ko naman. "Sige Lena, walang problema iyon. Sagot ka naming tatlo... But anyway, ikuwento mo naman sa amin kung anong nangyari sa'yo noong kasama mo pa si fafa," kilig na sabi ni Gail. Hindi ko na lamang sinagot ang tanong nila. Sa halip, tumayo ako sa kanilang harapan. "Mamaya ko na sa inyo ikikwento... Kailangan niyo munang librehin ako sa labas," pagsasaad ko. "Oo na... Magbihis ka na nga," sambit nila kaya agad akong kumilos para magpalit ng damit. Nang matapos ay sabay-sabay na kaming tumungo papunta sa park. "So, kumusta naman ang buhay mo sa piling ni fafa? Mabait ba yung lalaking prinank natin?" tanong ni Hanna habang kumakain kami ng ice cream. "M-mabait naman," tipid kong sagot, tila nag-aalinlangan. "And?" "Basta pabago-bago ang ugali ng lalaking 'yon. Minsan may sa anghel, pero madalas may pagka-demonyo. Depende yata sa mood niya. Lagi nga ako no'n minumura eh," litanya ko naman. Hindi ko naman napigilan na alalahanin ang mga araw na kasama ko si Drake habang dinidescribe ko sa kanila kung anong klaseng tao ang lalaking nakasama ko sa iisang kwarto. "Pero bukod dyan, ano bang ginawa niya sa'yo habang nakatira ka sa puder nila?" usisang tanong ni Shane. "Siguro may nangyari na sa inyo, 'no?" pasegundang bigkas ni Gail. "Umamin ka nga, baka naman natotohanan na yung prank mo na buntis-buntisan?" ani ni Hanna. Halos sunod-sunod naman ang mga tanong ng kaibigan ko kaya hindi ko alam kung paano ko sila masasagot. Pakiramdam ko, nagsisi akong pinatawad ko sila. Tiningnan ko naman sila ng matalim. "Walang nangyari sa amin nung lalaking 'yon," inis kong sagot. "Tama na nga 'to. Ayoko na kasing pag-usapan pa ang tungkol do'n. Nakaka-stress lang," sabi ko ulit. "Sorry, gusto lang naming malaman kung maayos ka ba sa puder nila. Alam mo na, bilang kaibigan mo, concern kami sa'yo," paliwanag ni Hanna. Asus, magpapalusot pa. Concern daw. Alam ko naman na gusto lang nila makakuha ng balita mula sa akin. Mga dakilang chismosa pa naman ang mga kaibigan ko. "Masyadong kumplikado para ikuwento ko pa sa inyo 'yon. Tsaka, ayos na ako. Kaya please, huwag na kayong magtanong. Naiirita na kasi ang tenga ko," sabi ko na lamang. "Okay, okay. Hindi ka na namin kukulitin. Mag-enjoy na lang tayo," sambit ni Hanna at tinuloy na ang bonding namin. Naging masaya ang araw ko dahil sa mga kabaliwan nila. Kahit papaano, medyo nabawasan ang lungkot ko. At gaya ng mga pinangako nila, sila nga ang bumili ng groceries ko na budget ko for one month. "Alam mo ba Lena, kung ano-anong palusot ang sinabi namin sa mga guro para lang maging excuse ka sa klase. Buti na lang at naniwala naman sila sa amin," kuwento ni Gail para ipaalam sa akin ang tungkol sa pag-aaral ko. "Salamat naman kung gano'n. Kahit pala papaano, may puso kayo," sambit ko nang nakangiti. "Syempre naman! Ikaw talaga, parang sinasabi mo sa amin na masama kami," tampong sabi ni Shane. "Hindi naman... Aaminin ko, nagtampo talaga ako sa inyo. Kasi hindi niyo man lang ako tinulungan at iniwan niyo pa ako sa ere. Pero 'di bale, kalimutan na lang natin 'yon," sabi ko sa kanila at binuksan ko ang aking braso para ayain silang yakapin ako. "Thank you, Lena," malambing nilang tugon, at nag-group hug na nga kaming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD